"Dane, hindi ka pwedeng kumampi sa dalawang magkalaban na grupo. Hindi ka pwedeng pumatay ng light magicians dahil lang sa rason na dark magicians ka at hindi ka pwedeng pumatay ng dark magicians dahil sa akin."paliwanag ko sa kanyaNakita ko na mas naguluhan pa sya sa sitwasyon nya pero kailangan ko ipaintindi yon sa kanya
"Hindi na ako papatay ng light magicians"parang nagmamakaawa pa sya na paniwalaan ko sya
"Hindi ka pwedeng kumampi sa mga light magicians kung kakampi mo din ang dark magicians. Mas lalamang ang isa at ang isa naman ay mapapabayaan."
"But I can't hurt my brother, sya ang nakasama ko sa buong buhay ko."malungkot na sabi ko
"Ayoko man na matuloy ang digmaan pero hindi pwedeng mangyari yon kasi nakasaad yon sa propesiya. Pagdumating ang panahon, kung saan maglalaban ang dalawang lahi, kung saan maghaharap ang ating mga kakampi, at kung saan maghaharap kami ng kuya mo. Ayaw ko man na papiliin ka sa amin pero kailangan mo mamili, ako o ang kuya mo. Hindi kita pinipilit na piliin ako. Disisyon mo ang piliin kung sino ang gusto, piliin mo yung sa tingin mo ay tama"sabi ko sa kanya at saka ako nagteleport pabalik sa loob ng academy
Iiwan ko muna sya para makapagisip nya. Alam ko naman yung pinagdadaanan nya ngayon
Kahit ako ay hindi ko rin sya kayang labanan pero hindi ko rin kayang traydorin ang mga light magicians
Pero sa panahon na ito, isa lang ang magagawa mong maganda, yun ay pumanig sa lahi na gusto mong panigan at maging handa na pumatay at mamatay para rito
"Saan ka galing?" Bungad sa akin ni Eshton na nakakunot ang noo habang nakaupo sa sofa ng dorm namin
Naglagay ako muli ng water shield para walang makarinig sa amin
"Alam na ni Dane lahat, lahat ng nangyari sa nakaraan. Nangako sya na hindi na sya papatay ng mga light magicians"masayang sabi ko
Pero nung makita ko na nakakunot ang mga noo nila ay nawala yung ngiti ko
"Diba sabi ko ay wag ka ng lalapit pa sa lalaking yon?! Paano kung sinaktan ka nya?!"halos pasigaw na sabi ni Eshton na tumayo pa
Lumapit ako sa kanya at hinawakan yung kamay nya "pero kuya, hindi nya na ako sasaktan, nangako sya. Nanghingi pa nga sya ng tawad sa akin eh"pilit na pagpapaintindi ko
"Pero Ashley, dark magician si Travis at prinsepe pa sya don, hindi tayo sigurado na hindi na sya gagawa ng masama. Paano kung niloloko ka lang nya para mapatay ka?"
"Chen, alam ko na seryoso sya. Hindi nya na ako sasaktan. Sabi nya mahal nya ako"
"Pero paano nga kung niloloko ka lang nya? Sa panahon ngayon, wala tayong dapat pagkatiwalaan. Lahat ay posibleng traydor kahit kami kaya hindi tayo dapat basta basta magpaloko lalo na sa kanya dahil alam naman natin na imposible na maging mabait sya"seryosong sabi ni Ella
"I know pero alam ko na seryoso sya, nakita mismo yon ng dalawa kong mata. Umiyak sya! Hindi basta basta umiiyak si Dane"
"Kahit sino ay may kakayahan na umiyak at mangpanggap kaya wag kang basta basta maniniwala sa nakikita ng mata mo"sabat ni Rhea
"Pero alam ko---"
"Hindi ka na pwedeng lumabas ng academy hanggang hindi natatapos ang digmaan, babantayan kita"sabi ni Eshton at inalis yung water shield
Tsk paano ko ba sila kukumbinsihin na mabait na si Dane
Ako naman yung ginawan nya ng masama pero nagawa ko agad syang patawarin. Iba iba talaga ang isip ng tao.... este magicians
Ayan na naman si ako. Hindi na naman makakalabas kasi bantay na naman si feeling tatay ko. Lagi nalang
Paano ko kaya sila mapapaniwala na mabait na si Dane? Si Dane naman kasi eh, late na bago nya pa narealize yung tama
Oo nga pala, tungkol sa pulang buwan, malapit na sya lumabas. Two weeks from now kaya todo todong handa na ang ginagawa ng mga light magicians
At habang palapit ng palapit yung oras, maraming nangyayari. Laging sumusugod yung mga dark magicians para pumatay ng mga light magicians kaya hindi pa dumadating yung digmaan ay meron ng namamatay
Buti nalang talaga at natatalo naman namin yung mga dark magicians na sumusugod dito
"Kakain na tayo" sabi ni Eshton na nilampasan ako habang walang emosyon ang mukha
Napangiwi nalang ako at umakmang susuntukin sya nung nakatalikod na sya
"Eshton oh! Susuntukin ka ni Ashley"
Kupal talaga ang sumbungerong Chen na yan eh! Ayan, tumingin tuloy sa akin ng masama si Eshton
Agad kong itinaas yung dalawa kong kamay na parang sumusuko sa kanya habang may pilit na ngiti
Nung tumalikod na sya ay agad akong lumapit kay Chen at sinuntok ko sya sa braso nya
"Alam mo naman na mainit pa ang ulo nyan tapos nagsumbong ka pa. Pag ikaw hinagisan ko ng apoy diyan, sisiguraduhin ko na mas iinit ka pa keysa sa ulo nya. Pakabait okay?"bulong ko sa kanya
"takot ka lang sa kanya eh"pangaasar pa ng kupal
"Asa ka! Hindi ako takot diyan. Diyan matatakot ako? Wala namang nakakatakot diyan eh! Mas malakas yata ako sa kanya"pagmamalaki ko pa
Ngumisi sya"Ahhh talaga, mas malakas ka sa kuya mo?"
"Oo naman. Bulok yon eh. Duwag pa nga yon eh. Actually, takot yon nagkukunwari lang na hindi"sinundan ko pa yon ng tawa
Mas lalo syang ngumisi "ah talaga lang ha? Eshton, narinig mo naman ang paninira sayo ng kakambal mo, ikaw na ang bahala sa kanya"
Parang nanigas ako sa kinatatayuan ko hanggang sa umalis na si Chen sa harap ko. Hindi ako makatingin sa likod ko lalo na at nararamdaman ko yung galit na presensya nya
"E-eshton?" Tanong ko
"Bakit?" Sya nga! Patay ka ngayon Ashley Xarein!
Minsan ka na nga lang mamula pero nahuli ka pa!
Dahan dahan akong humarap sa kanya at saka pilit na ngumiti, patay ka ngayon, Ashley!
"Hehe kanina ka pa diyan?" Nagaalangan na tanong ko
"Kung sunod mong itatanong ay kung narinig ko ang mga sinabi mo, ang sagot ay oo"galit nyang sabi kaya agad akong napayakap sa kanya at tiningala sya
"Joke lang yon, kambal. Alam mo naman na malakas ka eh. Ikaw nga diba ang pinakamalas sa atin kaya wag ka ng magalit"panguuto ko pa sa kanya
"Tsk, kumain ka na don"sabi nya at kinalas yung braso ko at tinalikuran ako
Yes! Akala mo Chen ha!
YOU ARE READING
We Are Different (Completed)
DiversosThey thought it's over They thought the enemies are all dead But what if something happens What if the new generations wont survive She is the girl who had the strongest power The girl in the prophecy But what if she fall in love with the enemy What...