"Kelan pa ako naging sayo ha?!"
Itinuro nya pa ako gamit ang hintuturo nya"Simula ng makita kita! Tandaan mo, akin ka lang. Walang nagmamayari sayong iba kundi ako"
"Walang nagmamayari sa akin. Hindi mo ako pagmamayari. Tandaan mo rin yan!"
"Opsss mamaya na yang LQ nyo. Kailangan pa natin pumunta sa palasyo nyo Ashley"
Masama akong tumingin kay Rhea na bigla nalang sumulpot kasama yung tatlo
"LQ?! Anong pinagsasabi mo? Nababaliw ka na ba? Kami? Magkaka-LQ? Bakit may kami ba?"napapailing na sabi ko at saka sila iniwanan don at nagteleport na sa palasyo namin
Nakarating ako sa harap ng trono nila mom at dad kaya agad kong nilibot ang mata ko para hanapin sila
"Mom, dad. Im back. Where are you?" Naglakad ako papunta sa kusina ng makarinig ako ng ingay don
"Nandito ka na pala. Nasaan ang kapatid mo?"
"Kakauwi lang po namin, dad. Si Eshton po ay nandon pa sa academy kasama yung iba. Papunta na rin po sila dito"sabi ko
"Kamusta naman kayo?"tanong ni mom
"Okay lang naman po kami. Wala pong masamang nangyari" insert sarcasm here please!
Wala naman talagang masamang nangyari. Kumalaban lang naman ako ng mga halimaw. Nasugatan at halos mabali ang mga buto ko. Muntik lang naman kami sugudin ng mga dark magicians at hinagisan pa kami ng black fire
Wala talagang nangyaring masama sa amin eh. Kasi masamang masama ang nangyari sa amin
"We're here" hindi na ako nagabalang tingnan kung sino ang mga dumating dahil alam ko naman na yung apat lang yon
"Buti naman at nandito na kayo. Ipapatawag ko lang ang mga magulang nyo" sabi ni mommy
Itinaas ni mom yung dalawang kamay nya sa ere at inikot ikot yon na parang may binubuo at hindi nga ako nagkamali kasi may lumitaw na tatlong hangin na sama sama at nakapabilog
"Inuutusan ko kayo na tawagin ang iba pang hari at reyna upang pumunta pa dito ngayon din"ikinumpas ni mom yung kamay nya at lumutang na paalis yung mga hangin na bilog
Napapalakpak ako "wow, ang galing. Mom turuan nyo ako non"
Ngayon ko lang yon nakita. Pwede pala yon. Pagnagpapadala kasi ako ng mensahe ay telepathy yung ginagamit ko pero may limit yon kung gaano kalayo lang ang maaabot
"Later" nakangiting sabi nya
Wala pang limang minuto ay bigla nalang dumating sila tita Althea
"Anong magandang balita ang paguusapan natin?" Nakangiting sabi ni tito Ethan at saka sila naupo sa bakanteng upuan
"Wala po kaming dala na magandang balita" sabi ni Rhea na nakayuko
"Anong ibig nyong sabihin?" Tanong ni tito Mark
"Hindi po pumayag na makipagsundo ang mga dark magicians sa atin"Ella
"Ayaw po nila pumayag na itigil ang ginagawa nilang panggugulo"Chen
"Ang sabi pa po nila ay kayo ang may kasalanan kung bakit nagkaganon sila"Eshton
"Maaaring nagagalit sila dahil sa pagpatay namin sa mga kalahi at pinuno nila"Tita Aira
"Pero hindi nyo po kasalanan yon. Niligtas nyo lang po ang mga sarili nyo, yung ibang tao at itong mundo ng mahika"hindi ko na napigilan sumabat
"Tama ka, ngunit ngayon ay wala na tayong magagawa kundi ang protektahan ang mga tao na ating nasasakupan. Hindi nila tayo titigilan hanggat hindi tayo nauubos, yon ang sinisigurado ko"
Tama si tito Ace. Hindi nga nila kami titigilan hanggat hindi kami nauubos. Sinabi yon mismo nung pinuno nila
"Magsibalik na kayo sa academy. Kailangan natin magingat. Kailangan natin masiguro na maayos lang ang lahat"sabi ni Dad
"Mom. Diba tuturuan mo pa ako nung ginawa mo kanina?"
"Madali lang yon Ashley. Kailangan mo lang bumuo ng hangin o kahit anong kapangyarihan mo at utusan mo ito. Bumalik na kayo sa academy. May paguusapan pa kami"sabi nya kaya nagsitango kami at nagteleport pabalik sa academy
Sabay sabay kaming umupo sa upuan sa dorm namin. "Kelan ba matatapos ang gulong ito?" Parang wala sa sariling tanong ni Chen
"Gusto ko lang naman ng maayos na buhay. Yung makakasama ko yung mahal ko at magiging mga anak namin. Mamumuhay kami dito ng mapayapa at walang gulo"
Sabay sabay kaming napatingin kay Ella ng sabihin nya yon at unti unting nabuo ang ngisi sa labi ko
"Maibibigay yan sayo ni Eshton" nakangising sabi ko
Agad syang napamulat nga mata na parang don nya palang narealize yung sinabi nya
"Nasabi ko yon ng malakas?" Bulong nya na parang sarili lang nya ang sinasabihan nya habang namumula pa sya
"Namumula na sya oh" pangaasar pa ni Rhea dito
"Hindi ahhh" tanggi pa nito at saka sumulyap pa kay Eshton na nakangiti sa kanya
"Nakita ko yon hahahaha" sabi ko pa
"Ewan ko sa inyo" sabi nito at bigla nalang nawala. Napatawa tuloy kami ng malakas
"Punta muna ako sa kwarto ko. Papahinga muna ako" sabi ko at nagteleport sa kwarto ko
Hihiga na sana ako sa higaan ko ng may naalala ako kaya napangiti ako.
Umupo ako sa higaan ko at saka nagpalabas ng tubig sa mga kamay at kinumpas ko iyon ay ginawang bilog
"Inuutusan kita na hanapin si Dane at sa oras na mahanap mo sya at tunawin mo ang sarili mo upang basain sya"natatawang utos ko dito at saka ikinumpas yung kamay ko at lumatang na ito
Ang galing! Hahahaha. Makakaganti na rin ako sayo, Dane!
Nahiga na ako sa higaan ko at saka nagtalakbong ng kumot. Iintayin ko nalang ang galit na Dane sa susugod dito sa dorm namin
Hindi pa ako nakakatulog ng may marinig akong sumigaw "Nasaan si Xarein?!"
Ayan na sya! Pinigilan ko ang matawa ng naglakad ako palabas lalo na ng makita ko sya na mukhang basang sisiw
"Bakit mo ako hinahanap at bakit ganyan ang itsyura mo?" Natatawang tanong ko sa kanya pero hindi ko pinahalata
Masama syang tumingin sa akin "may gana ka pa talagang magtanong kung anong nangyari sa akin? Alam ko naman na ikaw ang may gawa ng bolang tubig na yon na bigla nalang natunaw sa akin"
"Aba! Hoy! Ako lang ba ang may kapangyarihan na tubig dito? Andyan pa si Rhea at Eshton kaya wag mo akong pagbintangan. Wala akong ginagawa sayo" Aba! Hindi ako aaminin
"Hoy Ashley! Wag mo kaming idamay diyan. Wala kaming kasalanan diyan. Magkakaharap kami dito at alam namin na wala kaming ginagawa. Ikaw lang ang wala dito"nakangising sabi ni Rhea
Traydor! Kaibigan ko ba sila?
"Ikaw lang rin naman ang nagpaturo kay mom kung paano gawin yon. Kaya Travis, sigurado ako na yang magaling kong kakambal ang may gawa nyan sayo"sabi ni Eshton
Kambal!!!!! Bakit ang sama nila sa akin.
Tumingin ako kay Dane na masamang masama na talaga ang tingin sa akin kaya naitaas ko yung dalawang kamay ko na parang sumusuko
"Hehe, kaya ko naman ulit tanggalin yang basa sa katawan mo eh"
Itinapat ko sa kanya ang dalawa kong kamay at unti unting hinigop yung tubig sa damit nya at ng lumutang na ito sa ere at bigla ko itong pinapunta don sa lima na nakangisi sa akin. Ayan sila ang mukhang basang sisiw ngayon
"Goodbye everyone. See you tomorrow." Nagteleport na ako papunta sa kwarto ko at saka nilagyan ito ng barrier para walang makapasok na kahit sino.
Aba mahirap na baka biglang pumasok sila Eshton at gantihan ako
YOU ARE READING
We Are Different (Completed)
عشوائيThey thought it's over They thought the enemies are all dead But what if something happens What if the new generations wont survive She is the girl who had the strongest power The girl in the prophecy But what if she fall in love with the enemy What...
