Nung matapos kami kumain ay naisipan namin na magmovie marathon kaya naglatag sila ng comforter sa sahig at saka kumuha ng mga chips
Nilagyan din namin ng mga unan para pwede kaming mahiga don. Naisipan namin na horror nalang ang panoorin
Nakaupo kami lahat dito sa comforter habang tutok na tutok sa pinapanood namin
Katabi ko nga pala sa kanan ay si Dane tapos sa kaliwa ay si Eshton. Sa akin pinatabi si Dane kasi daw mukhang mas komportable sya sa akin. Alam ko naman na gumagawa lang ng paraan yung apat na yon para magkatabi tabi sila
Sila Eshton at Chen din ang namili ng horror movie at alam ko na may plinaplano yung dalawa lalo na't hindi nila kami hinayaang mga babae ang magkatabi tabi
Nung lumabas yung multo sa pinapanood namin ay napasigaw si Ella at Rhea. Gaya ng inaasahan ay napayakap si Ella kay Eshton at napakapit sa braso ni Chen si Rhea
Nakita ko kung paano ngumisi yung dalawa kaya tiningnan ko sila ng nangaasar na tingin
"Hindi ka ba natatakot, Xarien?" Napatingin agad ako kay Dane ng tinawag nya ako sa pangalawa kong pangalan
"Xarien?"tanong ko, walang tumatawag sa akin nyan kasi gusto ko isang pangalan lang ang itawag sa akin para hindi iba iba pero bakit parang okay lang sa akin na tawagin nya akong Xarien
"Oo, Xarein. Ang dami na kasing tumatawag sayo ng Ashley eh so kapag narinig mo ng may tumawag sayo ng Xarien, ibig sabihin ay ako yon"paliwanag nya at napatango tango naman ako saka ngumiti
"Okay" sabi ko
"So hindi ka natatakot?" Tanong nya ulit at umiling naman ako
"Wala naman kasing nakakatakot eh, alam ko naman kasi na hindi sila tunay" paliwanag ko sa kanya
"Alam mo, madi-disappoint sayo ang boyfriend mo" sabi nya sa akin kaya nagtaka ako
"Wala naman akong boyfriend eh, saka kung meron man ay bakit sya madi-disappoint?"tanong ko
"Kasi gusto ng mga lalaki ay ang masasandalan ng mga babae sa oras na natatakot ang mga ito pero ikaw ay hindi ka natatakot so baka madisappoint sila"
"Alam ko na yon, tingnan mo yung dalawa. Gumawa ng paraan para makayakap lang kina Rhea at Ella"sabi ko habang nakatingin pa dun sa apat
Inayos ko yung unan ko sa ulunan ko nung maubos ko yung chips na kinakain ko at saka ako nahiga don at nagtalakbong ng kumot para matulog na
Alam ko naman na dito na kami matutulog nila Eshton ngayon at si Dane siguro ay babalik na sa dorm nya mamaya
Ayoko na tapusin yung pinapanood kasi inaantok na ako at gusto ko na talagang matulog
"Tutulog ka na?" Rinig kong tanong ni Dane
"Hmmm" sagot ko dito habang nakapikit na
"Goodnight, Xarien" sabi nya at napangiti naman ako bago sumagot
"Goodnight din, Dane" sabi ko bago tuluyang nakatulog
Nagising ako ng pakiramdam ko ay may mabigat na nakapatong sa tiyan ko kaya napatingin ako dito at nakita na nanggaling yon sa kanan ko at nung tingnan ko ay nagulat ako ng makita si Dane na tulog parin
Bakit sya dito natulog? Bakit sya nakayakap sa akin?
Inalis ko yung pagkakayakap nya sa akin at saka dahan dahang tumayo dala ang unan at kumot ko saka lumipat sa sofa na mahaba at don ulit natulog
Sa muling paggising ko ay nakita ko sila na nagaayos na ng hinigaan nila
"Bakit diyan ka natulog?" Tanong sa akin ni Rhea at nung maalala ko ang dahilan kung bakit dito ako natulog ay napatingin ako kay Dane na nakatingin din sa akin kaya agad akong nagiwas ng tingin
"Ahmmm kasi... Wala lang" nasabi ko nalang at parang hindi sila naniniwala kaya tumayo na ako at saka pumunta sa cr para maghilamos at magtoothbrush
"Sigurado ka bang wala lang eh nakita ko na nakayakap si Travis sayo kagabi nung magising ako"napatingin ako sa pinto at nakita ko don si Ella na nakangisi sa akin
"Hindi ko alam yang sinasabi mo, tulog kaya ako"dahilan ko pa
"Sure ka?"tanong nya na parang nangaasar kaya sinamaan ko sya ng tingin
"Bakit nga pala dito sya natulog?"pagiiba ko ng usapan
"Kasi gabing gabi na natapos yung movie so sabi ni Chem ay dito nalang matulog"sabi nya habang nakangisi parin
Iniwas ko yung tingin ko sa kanya "tigilan mo yang pagngisi mo"inis na sabi ko
"inaano ka ba ng ngisi ko?"nangaasar na tanong nya
"ewan ko sayo"sabi ko at saka tinalikuran sya at lumabas ng cr
"Good morning, Xarien"napatingin ako sa bumati sa akin at nung makita na si Dane ito ay nginitian ko sya
"Good morning din Dane" sabi ko
"Ikaw lang ang binati nyan" rinig kong bulong sa tenga ko at ng tingnan ko ito ay ang nakangising mukha ni Ella ang nakita ko
"Hindi ka kasi importante" nakangising pangaasar ko rin pero mas lalo lang syang ngumisi
"So ikaw lang ang importante sa kanya kasi ikaw lang ang binati nya" nung marealize yung sinabi nya ay nawala yung ngisi ko
Ang dami kong sasabihin ay bakit yon pa?! Ayan mas lalo tuliy akong nilo ni Ella
"Titugilan mo ba ako o sasabihin ko kay Eshton na may gisto ka dito" pananakot ko at agad nawala yung ngiti nya sa labi
"Joke lang, hindi ka na mabiro" sabi nya at nagpeace sign pa saka nagmamadaling naglakad palayo sa akin
"Kumusta ang tulog mo?" Napatingin ulit ako kay Dane ng magtanong sya
"Ayos lang naman, ikaw?" Tanong ko din dito
Ngayon ko napatunayan na hindi nga sya nakakatakot at mabait naman sya kaya walang dapat ikatakot
"Okay lang rin, masarap ang tulog ko. Bakit ka nga pala lumipat?" Biglang tanong nya at napayuko naman ako
Hindi nya natatandaan? Ibig sabihin ay hindi nya namalayan na nakayakap na sya sa akin kagabi. Buti naman kasi hiyang hiya na ako
"Nasakit na kasi yung likod ko don sa sahig eh" dahilan ko nalang at tumabgo tanong naman sya saka ngumiti
"Masakit pa ba ang likod mo?" Tanong nya at umiling naman ako
"Hindi na"paano sasakit yung likod ko eh nagdadahilan lang naman ako na masakit yung likod ko kaya lumipat ako
YOU ARE READING
We Are Different (Completed)
RandomThey thought it's over They thought the enemies are all dead But what if something happens What if the new generations wont survive She is the girl who had the strongest power The girl in the prophecy But what if she fall in love with the enemy What...
