Ashley POV
Tahimik akong nakahiga sa higaan ko habang nakatingin sa kisame
Pilit kong kinalilimutan yung nakaraan at pilit ipinapasok sa utak ko yung kasalukuyan
Ang dami kong hiling na alam kong imposible na matupad
Sana hindi ko nalang sya nakilala. Sana hindi nalang sya napalapit sa akin. Sana hindi nalang ako nakipagusap sa kanya. Sana hindi ko nalang sya minahal
Sa mga hiling na iyon, alam ko na ni isa ay walang matutupad kasi nangyari na
Gustuhin ko man na bumalik sa nakaraan pero hindi pwede. Hindi ko kayang gawin yon
Walang buhay akong tumayo sa higaan ko at saka nagsuot ng pantalong at jacket saka rubber shoes
Nagteleport ako sa harang ng academy at saka ako naglakad palabas don
Nakakadaan na ako don kahit walang pahintulot. Natuklasan ko yung harang na iyon nung isang araw. Sa tingin ko ay wala pang nakakaalam non kundi ako
Gusto ko maglibot libot dito sa labas ng academy para makalimutan ko yung iniisip ko
Ayaw ko na syang maalala, ayaw ko na syang makita
"Xarein" agad na uminit ang ulo ko ng marinig ko ulit yung pangalan na yon lalo na dahil sa boses na yon
Humarap ako sa kanya at saka hinagisan sya ng apoy. Sinunod sunod ko ang paghagis ng apoy sa kanya habang sya ay naiwas
"Xarein" tawag nya ulit habang pilit na iniiwasan yung mga binabato ko
"Huwag mo ako tawagin sa pangalan na iyan!"sigaw ko. Naggawa ako ng mga daggers saka sunod sunod ulit yon na hinagis sa kanya
"Bakit nasasaktan ka ba?" Nakangisi nyang tanong
Don ako natigilan. Parang literal na huminto yung mundo ko ng dahil sa tanong nyang yon
Nasasaktan ba ako? Malamang! Tanga ba sya para itanong sa akin yon?
"Hinding hindi ako masasaktan ng dahil saiyo. Sino ka ba sa inaakala mo? Isa kalang naman traydor. Tama ba ako Travis?"agad ko syang binato ng water ball na agad nya naman iniwasan
"Anong nangyari sa Dane? Kelan pa naging Travis ang tawag mo sa akin?"nakangisi nyang tanong
Naglakad ako palapit sa kanya habang may apoy sa mga kamay ko at nung malapit na ako ay mabilis kong hinawakan yung leeg nya at saka sya sinakal
"Hindi ikaw ang Dane na nakilala ko. Hindi ikaw ang Dane na minahal ako kaya wag kang umasa na tatawagin pa ulit kita sa pangalan na iyon. Simula ngayon ay kakalimutan ko na may nakilala akong Dane at tatandaan ko na ikaw si Travis, ang traydor"itinaas ko yung kaliwang kamay ko at saka nagpalabas ng hangin at itinutok sa direksyon nya
Tumalsik sya dahil sa ginawa ko pero hindi pa ako kontento don kaya nilapitan ko pa ulit sya
Lapnos yung leeg nya pero nananatiling walang emosyon yung mukha nya
"Alam mo ba na gusto kitang patayin? Ayaw ko ng makita yang pagmumukha mo!"nagapalabas ako ng metal sword at saka akmang isasaksak ko na sa kanya ng mapatigil ako
"Xarein, ipatingin mo sa akin yung mga binili mo"
"Bagay ba?"
"bagay sayo pero hindi mo pwedeng bilhin yan kasi masyadong kita yung balikat mo at saka maikli, magpalit ka don!"
"Hoy, lalaki. Para sabibin ko sayo, hindi maikli ang dress na ito at saka ako naman ang pipili ng bibilhin ko. Tinatanong ko lang naman kung bagay sa akin"
YOU ARE READING
We Are Different (Completed)
RandomThey thought it's over They thought the enemies are all dead But what if something happens What if the new generations wont survive She is the girl who had the strongest power The girl in the prophecy But what if she fall in love with the enemy What...
