Chapter 17

584 28 2
                                        

Nandito na kami sa north part nitong academy sa loob lang ng ilang Segundo, nagteleport kasi kami

"Ano nga pala ang ginawa mo dito nung una kitang makita?"tanong ko sa kanya

Nagtataka kasi ako kung bakit sya nandito nung una ko syang makita at bakit magisa lang sya

"Namamasyal lang ako hanggang sa mapadpad ako dito at nakita kita" sabi nya habang natingin sa paligid

"Healing potion ang gagawin natin kaya dapat galingan natin sa paghahanap kasi baka hindi makagamot yung poison at makalason lang iyon"sabi ko sa kanya at saka nilibot na din yung mata ko sa mga halaman

Walang nagsasalita sa amin at sobrang awkward non para sa akin kaya hindi ko mapigilan ang magtanong

"Nabanggit mo dati na may kuya ka, nasaan sya?" Tanong ko sa kanya

Hindi ko alam kung tama ang nakita ko na natigilan sya kasi sa muling pagkurap ko ay nagalaw naman sya

"Nasa isang lugar" Sabi nya na wala na namang emosyon

Naaalala ko nung nagtanong ako sa kanya kung saan sya nakatira, ang sinabi nya ay sa isang malayong lugar. Ngayon naman ay sa isang lugar

Alam ko naman na sa isang lugar sya nakatira at yung kuya nya pero saan? Ang dami kayang lugar!

"Ahhh okay" sagot ko nalang

Ayoko na magtanong kasi baka iniiwasan nya yung mga tanong na yon, siguradong may dahilan kaya hindi nya sinasabi sa akin

"Kumpleto na ang mga sangkap na kailangan natin, gawin nalang natin"sabi nya at saka binigay sa akin yung mga sangkap

Umupo ako sa damuhan at saka ako gumawa ng parang isang mangkok gawa sa yelo at inilagay yung mga dahon don

Gumawa naman ako ng isang pangpukpok gamit ang metal saka ibinigay iyon kay Dane

"Pukpukin mo yung mga dahon" sabi ko sa kanya at agad naman nya itong ginawa

Hindi mabibiak yung yelo kasi matibay ang pagkakagawa ko don kaya ayos lang na pukpukin yon

Nung makita ko na halos gutay gutay na yung dahon ay pinatigil ko na sya saka ako nagpalabas ng tubig sa kamay ko at inilagay yon sa mangkot

Ginamit ko yung nature power ko para makuha yung mga dahon sa tubig at ang matira nalang ay yung pinaghalo halong katas ng dahon na nasa tubig

"Tapos na" masayang sabi ko sa kanya at saka ko kinuha yung lagayan ko na parang bote at saka ko isinalin don yung katas

"Ang galing naman ng prinsesa" napatigil ako sa pagsasara ng takip ng marinig ko ang isang boses na hindi pamilyar

Napaangat ako ng tingin at natigilan ng may makita akong isang lalaki sa likod ni Dane

"D-dane" tawag ko dito na nakatingin din sa lalaki sa likod nya

"Hindi mo ba ako babatiin ng magandang araw, prinsesa?" Nakangising tanong nung lalaki

Tumayo ako at saka ko tinitigan sya, isang lalaki na itim na itim yung mata at buhok nya, naka all black na damit

"Sino ka?" Tanong ko at saka hinila si Dane sa likod ko

Nakakatakot ang awra ng lalaking ito, parang may kakaiba sa kanya na hindi ko malaman

"Isa lang naman akong nilalang..... na gustong patayin ka"sabi nya

Medyo napaurong ako at saka naglabas ng blue fire sa kamay ko "umalis ka na dito" utos ko sa kanya pero ngumisi lang sya sa akin

"Paano kung ayaw ko? Hindi mo ako matatakot sa apoy mong iyan" nagulat ako ng may lumabas sa kamay nya na black fire

Black? Bakit meron sya non?! Sa pagkakaalam ko ay ang mga dark magicians lang ang meron non at base yun sa libro

"Dark magicians" bulong ko

"Magaling, hindi ko alam na may utak din pala ang isang prinsesa"nangaasar na sabi nya

"Ikaw may utak ka ba? Lahat ng magicians dito ay may utak, baka hindi ka magicians"sabi ko sa kanya at nakita ko kung paano sya nagalit

Hindi na ako nagulat ng ibato nya sa akin ang black fire kaya agad akong nagteleport papunta sa likod nya at saka ibinato sa kanya ang blue fire sa kamay ko kaya natumba sya

"Umalis ka na dito" utos ko sa kaniya

Hindi ko kayang pumatay kahit alam ko na masasama sila at nais nila akong patayin, hindi ko ginagamit ang kapangyarihan ko para pumatay

"Hindi ako tanga para sundin ka!" Sigaw nya at hinagisan ulit ako ng Black fire na agad ko namang iniwasan

"Pero tanga ka para manatili pa dito" binato ko sya ng mga ice spike ko na agad nya namang iniwasan

We Are Different (Completed)Where stories live. Discover now