Chapter 6

1K 44 0
                                        

Nung makarating ako sa room namin ay agad akong nagpalabas ng blue fire ko at binato ko kay Eshton

Nakaiwas naman agad sya saka masamang tumingin sa akin "bakit mo ako binato ng fire mo?!" Inis na tanong nya sa akin

Inosente naman akong tumingin sa kanya "bakit ako ang sinisisi mo?" Tanong ko sa kanya

Alam ko naman na hindi sya matatamaan non eh kasi mararamdaman nya yon. Tinuruan kami na makiramdam sa paligid

Hindi ko sya babatuhin kung alam ko na hindi nya maiiwasan yon, mahal ko ang kapatid ko

"For your information little sis. Tayong dalawa lang ang may fire power dito kasi sa angkan lang naman ni daddy nagmula ang fire. Si mommy, si daddy, ako, ikaw, si lolo, si lola at yung mga nanay ng lola natin na patay na ang meron lang fire magic. Ikaw lang din ang merong blue magic kaya impossible na hindi ikaw ang nagbato sa akin non"sabi nya

Kailangan pa ba sabihin ang mga meron ng fire magic? Alam ko naman yon! Hindi nya ba magets na nagpapalusot lang ako?

Oo nga pala nakatayo pa ako sa pinto habang sya ay nakatayo sa tapat ng upuan nya at nakatingin sa akin

Yung mga studyante dito ay mga nanonood sa amin kasama na don si Dane na iniwan na ako at nauna na maupo sa upuan nya

"Eh ano naman kung binato kita?" Mataray na tanong ko sa kanya

"Anong ano naman?! Eh kung natamaan mo ako nung fire mo edi matutusta ako?"inis na tanong nya

Nagaaway din naman kami ni Eshton kaso hindi madalas at hindi naman malala yung pinagaawayan namin kaya nagbabati din kami agad pero hindi ko palalampasin yung ginawa nya ngayon

Alam nya naman na ayaw ko kay Dane pero iniwan nya parin ako don sa lalaking yon

"Hindi ka naman natamaan diba? Nasaan ba ang sugat mo?" Nangaasar na tanong ko

Hindi na ako nagulat ng nagpalabas sya ng metal ball sa kamay nya kaya kaya nagpalabas din ako ng metal blade sa kamay nya

Laban na ang mangyayari, madalas naming gawin ito at normal lang sa amin ang mangyari ito. Nagkakasakitan man kami ay ayos lang kasi kaya naman namin gamutin ang sarili namin

Naramdaman ko na nagsitabihan yung mga classmates namin pati narin yung upuan nila pero hindi ko sila tiningnan kasi pag ginawa ko yon ay pwede akong malusutan ni Eshton at matalo ako

Tinuro sa amin ni mommy at daddy na kapag naglalaban ay wag aalisin yung tingin sa kalaban kasi maaring sa isang kurap mo lang ay talo ka na ng kalaban mo

"Handa ka na ba Ashley?" Nangaasar na tanong nya

Ngumisi ako ng nakakaasar din "lagi naman akong handa eh. Ikaw handa ka na ba matalo, big bro?"

Naglagay ako ng barrier para sa aming dalawa, para hindi madamay yung mga classmates namin sa labas ng barrier

Binato nya sa akin yung metal ball na agad ko namang iniwasan saka sya binato sa kanya yung metal shield

Naggawa ako ng earth ball at binalutan ko ito ng apoy saka binato sa kanya na agad nya naman naiwasan

"Paano ba yan little sis? Sablay" pangaasar nya pa at ngumisi kaya nainis na naman ako

Pinagbabato nya ako ng maraming ice blade na agad ko namang iniwasan lahat

"Go Ashley"

"Go Eshton"

"Ang galing nila no?"

"Oo nga, sana kasing lakas nila ako"

"Ilusyunada ka, hindi mo sila magiging kasing lakas"

Nakarinig ako ng paguusap kaya nilibot ko yung mga nmata ko at napansin na lahat sila ay nakatingin sa amin at manghang mangha

Napatingin ako kay Dane at nagtaka ako ng nakangisi sya hababg nanonood, nakakatakot yung ngisi nya. Para syang nasisiyahan na mapanood kami ng ganito

"Arggh" tumalsik ako at tumama sa barrier yung likod ko ng matamaan ako ng watter ball galing kay Eshton

Sinamaan ko sya ng tingin saka tumayo at pinagbabato sya ng mga Air ball na agad nya iniwasan

Nung busy sya sa pagiwas ay hindi nya napansin na nagteleport ako papunta sa likod nya saka sya sinipa dahilan para matumba sya

"Arayy" sigaw nya

"Buti nga sayo" sabi ko sa kanya

Nawala sya sa paningin ko at alam ko na nagpakainvisible yon kaya pinakiramdaman ko yung paligid ko

"Nasaan ka?!" Tanong ko sa kanya

"Hanapin mo hahaha" kasunod non ay naramdaman ko na naginiti yung braso ko at nung tingnan ko ay may lapnos na dito

Pinikit ko yung mga mata ko at saka pinakiramdaman sya, nung maramdaman ko na may papunta sa likod ko na air blade aya agad akong gumawa ng water shield at nung tanggalin ko yon ay humarap agad ako sa likod ko at saka pinagbabato yon ng fire ball ko

Napangiti ako ng makita ko na si Eshton at hawak nya ang mga sugat nya kaya lumapit ako sa kanya

"Okay ka lang Eshton?" Tanong ko

Tapos na ang laban namin eh, at ako ang nanalo kasi naman nakaluhod na sya sa sahig

"Okay lang ako, gagamutin ko lang ang sugat ko. Gamutin mo na rin yung sugat mo"sabi nya saka nagumpisa na ding gamutin yung mga sugat nya

Nakaramdam ako ng hapdi sa katawan ko kaya agad kong ginamot yung sugat ko pero nagtaka ako ng hindi maalis yung mga sugat ko

Sinubukan ko pa ulit ng ilang beses pero walang nangyayari, nakakaramdam narin ako ng panghihina dahil sa mga sugat ko at sa pagbawas ng kapangyarihan ko para gamutin yung sugat ko

"Eshton, ayaw magamot" nahihilo narin ako, parang may kakaiba sa katawan ko ngayon

"Bakit? Subukan ko nga"sabi nyaat sinubukan gamutin yung sugat ko pero walang nangyayari

Anong nangyayari sa akin? Bakit hindi namin magamot yung sugat ko. Isa sa kapangyarihan namin ni Eshton ay ang maggamot pero bakit hindi namin magamot yung sugat ko

"Anong nangyayari sa inyo?" Napatingin ako sa mga lumapit sa amin at nakita ko na si Chen, Rhea at Ella yon

Wala na nga pala yung barrier na nilagay ko kasi natanggal ko na kanina, nakaupo kami ni Eshton dito sa sahig habang inaalalayan nya ako na wag mapahiga

Wala na syang sugat kasi nagamot nya na lahat pero ako ay puro sugat parin

"Hindi namin magamot yung sugat nya" sabi ni Eshton sa mga ito

"Susubukan ko" sabi ni Chen at saka sinubukan akong gamutin pero walang nangyayari

"Nahihilo ako" huling nasabi ko bago ako nawalan ng malay pero bago yon ay napatingin ako sa isang direksyon at nakita ko kung paano sya ngumisi

We Are Different (Completed)Where stories live. Discover now