Ella POV
Nagkatinginan kaming apat nila Eshton at saka namin inilibot yung mata namin
Sobrang gulo, ang daming namatay pero marami din ang buhay pa at pilit na nilalabanan yung kapangyarihan namin
"Hanapin na natin yung machine, kailangan pa natin sirain yon"sabi ni Chen
Itinutok ko yung kamay ko sa isang dark magician at saka ko sya pinalutang sa hangin at dinala sa kinatatayuan namin
Napalibutan naman sya ng veins galing kay Rhea pagkadating nya sa kinatatayuan namin
"Bakit pa tayo magpapakahirap na maghanap kung pwede naman natin silang gamitin para mahanap natin ang letseng machine na yon"nakangisi kong sabi
Itinaas ko yung kanang kamay ko na napapalibutan ng kuryente
"Nasaan ang machine?" Galit na tanong ni Eshton
Tsk, ang ikli talaga ng pasensya nya, pero hindi ko naman sya masisisi eh. Kakambal nya yung nasaktan
"Hindi ko alam" sagot nung daro magician
"Mamili ka, sasabihin mo sa amin kung nasaan yung machine at mabubuhay ka pa o kukuryentehin kita hanggang sa mamatay ka?"tanong ko sa kanya
"Wala nga akong alam!"sigaw nya
Inilapat ko yung kamay ko sa braso nya at agad naman syang nangisay dahil sa kuryente mula sa akin
"Chen, sa likod mo" sabi ni Rhea
Itinaas ni Chen yung kamay nya at nagpalabas ng mga ice spikes at pinatama sa dark magician na susugod sana sa amin
Binitawan ko yung dark magician na hawak ko at agad naman syang naglaho
"Yan ang napapala ng mga hindi marunong umintindi" ngising sabi ko
Itinaas din ni Eshton yung kamay nya at maya maya pa ay may lumutang na dark magicians palapit sa amin
Pinalibutan nya din ito ng veins at saka matalim na tiningnan "nasaan ang machine na ginamit nyo sa kakambal ko?!"
Umiling yung dark magicians "wala akong sasabihin sa inyo kahit patayin nyo pa ako"matapang na sabi ko
At kagaya nga ng sinabi ko, maikli ang pasensya ni Eshton. Nagpalabas sya ng apoy nya at saka hinagis don sa lalaki
Agad nagsisisigaw yung lalaki at tumakbo na parang mawawala yung apoy na nakabalot sa katawan nya kapag ginawa nya iyon
Ilang sandali lang ay tuluyan na na nasunog yung lalaki at naglaho
Isa lang ang sinisigurado ko, mauubos ang lahi ng mga dark magicians kapag hindi nila sinabi sa amin kung nasaan ang machine
Itinaas ulit ni Eshton ang kamay nya at may lumutang na naman na dark magicians palapit sa amin at pinalibutan sya ng veins
"Anong gagawin nyo sa akin?!" Matinis na sigaw nung babaeng dark magicians
"Wala, kung sasagutin mo yung tanong namin, darling" nakangising sabi ni Chen dun sa babae pero agad syang natumba ng lumindol sa kinatatayuan nya
Oo! Dun sa kinatatayuan nya lang! Hindi kami nadamay! At alam ko kung sino ang may gawa non
Nakangisi akong tumingin kay Rhea na masama ang tingin kay Chen na nakaupo sa lupa
"Bakit mo ginawa yon?!" Inis na tanong ni Chen kay Rhea
"Wala kang pake!" Sigaw naman ni Rhea at saka tumingin sa babae "ikaw! Babaeng haliparot! Nasaan ang machine na ginamit sa kaibigan namin. Sagutin mo yung tanong ko kung ayaw mong malunod sa kinatatayuan mo!"
Grabe! Galit na sya dahil kay Chen. Yung ibang puno sa paligid namin ay nagtutumbahan at alam ko na si Rhea ang may gawa non
Ayan kasi, si Chen kasi eh. Hindi muna iniisip yung sinasabi nya
"Wala akong alam sa sinasabi nyo!" Sigaw nya
Bigla nalang may tumubong mga halaman sa paanan nya at pinanalibutan sya kaya hindi sya nakagalaw
"Anong ginagawa mo sa akin?" Parang natatakot na sabi nung babae
"Diba, sinabi ko na lulunurin kita kapag hindi mo sinagot ang tanong namin. Sinagot mo naman pero hindi ko nagustuhan yung sagot mo"sagot nya
"Sasabihin ko na! Sasabihin ko na! Wag nyo lang akong patayin"
Nagkatinginan kami saka napangisi sa isa't isa saka namin muling tiningnan yung babae
"Nasaan?" Tanong ni Eshton
"Nasa isang kwarto sa hilagang bahagi"natatakot na sabi nya
"Thank you"ngumiti pa ng matamis si Rhea ng sinabi nya yon
"Pakawalan mo na ako" nagmamakaawang sabi nung babae
"Oh. Wait lang" nakangisi sabi ni Rhea
Bigla nalang may water barrier na pumalibot don sa babae at yung loob ay napuno ng tubig at kitang kita namin kung paano nalunod yung babae sa loob kasi hindi sya makagalaw dahil sa mga halaman na ginagapos sya
"Hindi ako naaawa sa mga taong nanakit sa kaibigan ko" sabi ni Rhea saka sya tumingin kay Chen "Ikaw, gusto mo sumama sa darling mo?"
"Rhea naman. Hindi ko naman sinasadyang sabihin yon eh. Alam mo naman na ikaw lang ang darling ko"yumakap pa sya kay Rhea pero nagteleport si Rhea sa likod nya at saka sya binatukan
"Aray" daing ni Chen
"Tara na, sirain ang machine na yon"sabi ni Eshton
Nagsilipad kami sa hangin at saka pumunta sa hilagang bahagi ng lugar na ito at don namin natagpuan ang tatlong kwarto
Agad kaming bumaba at lumapit sa mga kwarto. Pumunta ako sa kanang kwarto tapos si Eshton sa gitna at si Rhea at sa kaliwa na sinundan naman ni Chen na kinukulit parin sya
Binuksan ko yung kwarto pero isang higaan lang ang laman non at wala nang iba kaya umalis nalang ako don
"Andito ang machine" sabi ni Eshton kaya agad kaming lumapit sa kanya
Nagsipasok kami sa loob at nakita namin ang isang malaking machine
Merong higaan don na natatakpan ng glass na harang tapos yung glass ay mayrong mga nakakabit na parang tubo na nakakonekta sa isang bakal na bagay at may mga pindutan
Bigla nalang nagapoy yung machine kaya sabay sabay kaming tatlo na napatingin kay Eshton at napaurong
Yung itsyura nya ay so rang nakakatakot. Galit na galit sya. Yung dalawang kamay nya ay napapalibutan ng apoy tapos yung bilog sa mata nya ay mas naging pula
Ibang iba yung kulay ng mata nya sa natural na mata nya. Yung mata nya kasi ay natural na red pero ngayon ay sobrang red na
Si Ashley nga pala ay gold yung mata nya at nakakatakot din sya pagnagalit kasi nagiiba din yung kulay ng mata nya dipende sa kapangyarihan na ginagamit nya
Itinaas nya yung dalawang kamay nya na nakabuka at saka itinutok sa machine. Ang sunod nalang namin na nalaman ay sira sira na yung mga bakal ng machine dahil minanipula nya na iyon
Hindi pa sya nasiyahan kasi dinurog nya talaga yun at bigla nalang may sumabog na dahilan kung bakit mas nasira yung machine
Isa lang ang masasabi ko, hindi dapat sya ginagalit
YOU ARE READING
We Are Different (Completed)
AcakThey thought it's over They thought the enemies are all dead But what if something happens What if the new generations wont survive She is the girl who had the strongest power The girl in the prophecy But what if she fall in love with the enemy What...