Chapter 16

645 22 0
                                        

"Kailangan na may magbabantay sa iyo kaya kinausap namin si Travis kung pwedeng magbantay sya sayo"sabi ni Eshton sa akin

"Edi ginawa mo naman syang bodyguard, hindi tama yun Eshton"tanggi ko kaagad

"Nag-volunteer naman sya eh saka babantayan ka lang naman nya kapag wala ako. Kaibigan narin natin sya at lagi na natin syang kasama"napatingin ako kay Travis at tumango lang sya sa akin ng walang emosyon parin ang mukha

"Sigurado ka bang okay lang sayo?" Tanong ko sa kanya na nagaalinlangan

Paano kung may iba pa syang pinagkakaabalahan ngayon? Imposible naman na kasama namin sya lagi at wala syang ginagawa

"Okay lang, wala naman akong masyadong ginagawa" sabi nya at sumandal sa upuan dito

Nandito kami sa dorm namin para magbreakfast, naisip kasi namin na magluto nalang kesa bumili pa ng pagkain sa cafeteria

"Bilisan nyo kumilos diyan, malelate na tayo" sabi ni Ella sa amin

Nagsipuntahan na kami sa kusina para magsikain na, oo nga pala sinigang ang ulam namin

Yes, pagkain ng mga tao. Tinuruan ako ni mommy magluto nito dahil galing sya sa mundo ng tao so alam nya kung paano magluto nito. Tinuro ko rin sa kanila yung mga tinuro ni mommy sa akin para matuto sila kaya pagdito kami sa dorm kumakain ay pagkain ng mga tao ang kinakain namin

Kung tatanungin nyo kung anong klaseng pagkain ang mga nandito ay isa lang ang masasabi ko, weird. Kasi naman kung ano anong klaseng halaman at bunga ng mga puno ang mga niluluto nila

"Sinigang" bulong ni Dane pero rinig parin namin

Laghat kami ay nagtatakang napatingin sa kanya at sya naman ay nananatiling nakatingin sa sinigang

"Paano mo nalaman kung ano yan?" Takang tanong ko

"Kasi pagkain yan dito"sabi nya saka nagiwas ng tingin

"Imposible yan kasi pagkain yan sa mundo ng tao at kokonti lang ang nakakaalam nyan pwera nalang kung galing ka sa mundo ng tao"sabi ko sa kanya

"Kasi.... Nakapunta na ako sa mundo ng mga tao kasama ang tatay ko"sabi nya

Pakiramdam ko naiwas sya sa topic na yon... Siguro dahil sa tatay nya at naalala nya yung tatay nya

Naawa talaga ako sa kanya kasi wala na syang magulang, kaya siguro nawalan sya ng emosyon dahil sa nangyari sa kanya

Kung ako yung mawawalan ng magulang ay baka hindi ko rin kayanin na mabuhay pa

"Anong ginawa nyo don?" Tanong ni Rhea

Gusto ko silang pigilan sa pagtatanong kasi kitang kita ko na naiilang na talaga si Dane at hindi nya alam kung ano ang sasabihin nya

"May ginawa lang kami don" sagot nya

"Mata--"

"Tama na yang tanong na yan, kumain na tayo"sabi ko sa kanila kasi baka humaba pa yung mga tanong nila

Nagsiupuan na kami sa mga upuan namin saka tahimik na kumain hanggang sa matapos kami ay walang nakibo

Nung nakaalis na kami sa dorm hanggang sa makarating kami sa classroom ay wala paring nakibo sa kanila kaya nagtaka na ako

"Anong nangyari sa inyo?" Tanong ko sa kanila kasi nagtataka na ako

"Kasi hin------- nakakapagsalita na ako!" Biglang sigaw ni Rhea

"Huh?"nagtatakang tanong ko

Ano ba ang nangyayari sa kanila? Bakit ang weird nila?

"Ako rin"masayang sabi ni Ella na ikinataka ko pa lalo

"Ano ba ang pinagsasabi nyo?" Takang tanong ko na talaga

"Hindi kasi kami makapagsalita kanina, hindi namin alam kung bakit walang lumalabas na boses sa bibig namin"paliwanag ni Chen

Paano nangyari yon? Parang napakaimposible naman na sabay sabay silang hindi makapagsalita

"Ano bang ginawa nyo?" Tanong ko sa kanila

"Wala, diba naguusap lang tayo kanina tapos sumingit ka at sabi mo kakain na tayo tapos magsasalita sana ako pero wala ng lumalabas na boses sa bibig ko"paliwanag ni Ella

"Sino my gawa non?" Tanong ko sa sarili ko

Anim lang kami kanina sa dorm at walang nakakagawa sa amin na tanggalin ang mga boses ng isang magicians

Alam ko ang kapangyarihan nung apat kasi matagal ko na silang kaibigan tapos si Dane naman ay teleportation at invisibility ang powers nyo so sino?

"Hindi namin alam, tayo lang ang magkakasama kanina" sabi ni Eshton na tinitingnan kami isa isa

"Baka naman may bumara lang diyan sa lalamunan nyo kanina" sabi ni Dane sa kanila

"Oo nga, diba nakain tayo kanina kaya baka nabulunan lang kayo kaya hindi kaya makapagsalita" sabi ko

Ang panget naman ng rason na iyon, parang hindi kapanipaniwala kung yun yung rason kasi makakapagsalita ka pa naman mahit nabubulunan ka, naranasan ko na kaya mabulunan!

"Baka nga" sabi ni Ella at saka naupo na sa upuan nya kaya nagsiupuan narin kami

"Gagawa kayo ngayon ng poison, healing poison to be exact" sabi ni prof

"Kailangan nyo ng partner para sa gagawin nyo, sa labas kayo ng academy kukuha ng sangkap para sa gagawin nyo kaya magiingat kayo"sabi ni prof na agad namang ikinahiyaw ng mga studyante dito

Minsan lang kasi kami makalabas, bawal kasi lumabas ng academy kung wala namang kailangan gawin sa labas at walang rason para lumabas

"Kayo na ang bahalang pumili ng partner nyo then makakalabas na kayo, sa front gate kaya lalabas at babalik para alam namin kung babalik talaga kayo" sabi nya at lumabas na ng classroom

"Ashley part--"

"Eshton, may kapartner ka na. Si Ella ang kapartner mo" putol ko agad sa sasabihin nya

Tumingin naman silang apat sa akin na nakakunot ang noo "Hindi pwedeng hindi ka maging kapartner ni Eshton dahil baka mapahamak ka na naman"sabi ni Ella pero agad akong umiling

"Ako nalang ang partner nya" napatingin kaming lahat sa likod ko at nakita ko don si Dane na walang emoayon na namang nakatingin sa akin

"Oo nga, sya nalang ang partner ko" sangayon ko agad

Ayoko ko nga makasira ng lovelife nila ano! Mas lalong ayoko maging sagabal kaya ayaw kong maging partner si Eshton

"Sige, ingatan mo ang kapatid ko" sabi ni Eshton sa kanya

"Tara na umalis!" Hinila ko na si Dane palabas ng room kasi alam kong hahaba pa ang isapan kapag hindi pa kami umalis don

"San tayo kukuha?" Tanong nya

"Dun tayo sa North part nitong academy"

Mas marami kasi ang halaman don at daan din yon papunta sa light kingdom, actually don ko sya unang nakita

We Are Different (Completed)Where stories live. Discover now