Ashley POV
Nagising ako na nasakit yung katawan ko kaya hindi agad ako gumalaw"Ashley, nagising ka na din" napatingin ako kay Chen na nasa gilid ko
"Paano nagamot yung mga sugat ko?" Tanong ko agad sa kanya
Wala na kasi akong kahit isang sugat eh, ang huli kong natatandaan ay hindi namin magamot yung sugat ko at nahilo na ako non kasi nanghihina na ako kaya nawalan na ako ng malay
"Yung mommy mo ang naggamot sayo" sabi nya
"Talaga? Nandito sila?"excited na tanong ko at tumango naman sya
Agad akong tumayo para hanapin sila pero nung makaramdaman ako ng sakit sa leeg ko ay napatigil ako
Hinawakan ko yung leeg ko at nagtaka ako na may benda don kaya tumingin ako kay Chen para magtanong
"Gising ka na pala anak" napatingin kami sa pinto ng bumukas yon at pumasok sila mommy at daddy at lumabas naman si Chen
"Mommy, daddy" masayang tawag ko sa kanila
"Mabuti naman at gising ka na, pinagalala mo kami" sabi ni daddy at lumapit sa akin saka umupo sa tabi ko dito sa higaan
"Hindi ko po kasi magamot yung sugat ko eh"sabi ko sa kanila
Naupo din si mommy sa tabi ko at saka hinaplos yung buhok ko "makinig ka ng mabuti, may mahalaga kaming sasabihin sayo" sabi ni mommy at tumango naman ako
"Hindi namin sigurado kung may natira pang dark magicians kasi hindi namin alam kung may mga dark magicians ba sa mundo nung tao nung nagsakripisyo ako para sa mundong ito"sabi ni mommy na nagpagulat sa akin
Sa pagkakasabi nila sa akin noon ay wala ng dark magicians ang nabubuhay pero bakit ngayon ay sinasabi nila na hindi nila alam kung may nabubuhay pang dark magicians
"Kaya kailangan mong magingat kasi sigurado kami na ikaw ang nanaisin nila na mawala sa mumdong ito. Hindi mo nagamot ang sugat mo kasi may nakapaglagay sa iyo ng dark circle sa leeg mo na pumipigil na gamutin ang sugat mo. Mabuti nalang ay nandito ang mommy mo para magamot ka"sabi ni daddy
May nakapaglagay sa leeg ko ng dark circle? Wala naman akong nakakasama kundi ang mga kaibigan ko kaya sino ang makakapaglagay non sa akin
"Pero imposible naman po na mailagay nila yon sa leeg ko, eh lagi ko naman pong kasama yung mga kaibigan ko at wala naman pong nakakalapit sa akin na iba kasi sobrang protective nila"sabi ko sa mga ito
"Nung nakatulog ka sa cafeteria ay namatulog din daw si Dane don kaya hindi nya sigurado kung may nakalapit ba sayo non"napatingin ako ulit sa pinto at nakita ko naman si Eshton na nakatayo don
Wala naman akong naramdaman na may lumapat sa leeg ko non na kahit ano, pero tulog ako non kaya posible nga
"Hindi ka na pwedeng umalis sa tabi namin, kailangan sa lahat ng pupuntahan mo ay kasama mo kami"sabi nya ulit at napatango nalang ako
"Aalis na kami mga anak, kailangan pa kami sa fire and light kingdom" sabi ni Mommy at naghawak kamay sila ni Daddy bago nawala sa tabi ko
"Uuwi na tayo"sabi nya saka lumapit sa akin at nagteleport kasama ako
"Okay ka na ba?"
"May masakit ba sayo?"
"Wala ka na bang dark circles sa katawan mo?"
"May mga sugat ka pa bang natira?"
Sunod sunod na tanong galing kay Ella at Rhea ang sumalubong sa akin pagkadating namin sa dorm namin
Itinaas ko yung dalawa kong kamay para magipon ng hangin at itakip ito sa bibig nila kaya ayun natigil sila sa pagsasalita at hindi makapagsalita
"Una, okay na ako. Pangalawa, wala ng masakit sa akin. Pangatlo, wala na daw dark circles sa katawan ko. Panghuli ay wala na akong sugat so magaling na ako"sabi ko at saka umikot pa sa harapan nilang dalawa
"Hmmmm mmm"
"mmmhhh"
Natawa kaming tatlo dahil sa dalawa, hindi kasi nila matatanggal yung hangin na nakatakip sa bibig nila kahit may kapangyarihan na hangin pa si Ella. Iba kasing klase ng hangin ang ginamit ko
"Ano?" Tanong ko sa kanila na nangaasar
"Hhmmmm"sinamaan nila ako ng tingin kaya tinanggal ko na yung hangin sa bibig nila
"Magluto na nga kayo ng makapaghapunan na tayo, dito daw kakain si Dane mamaya kasi niyaya ko" sabi ni Chen kila Rhea
"Bakit mo niyaya?"tanong ko sa kaniya
"Nakakaawa naman kasi sya kung wala syang kasabay na kumain"sabi ni Chen
Sabagay bago lang sya dito kaya maaaring wala pa syang kaibigan dito kaya hayaan na, ngayon lang naman eh
*Tok tok
Napatingin kaming tatlo sa pinto ng may kumatok don at lumapit naman si Chen para buksan yon, mukhang alam ko na kung sino yon
Tama nga ang hinala ko nung makuta ko sila na sabay bumalik dito sa sala at naupo sila sa kaharap namin ni Eshton na sofa
"Hindi pa tapos magluto sa Ella eh kaya intay lang, matingnan nga" sabi ni Eshton at saka pumunta sa kusina kaya kaming tatlo nalang ang natira dito
Ipinikit ko nalang yung mata ko para magpahinga habang inaantay na matapos sila sa pagluluto
Naramdaman ko na may umupo sa sofa na katabi ko pero hindi ko parin minumulat yung mata ko at hinayaan lang sya, baka si Eshton lang yon
"Are you okay?" Napamulat agad ako ng mata ko at napatingin sa tabi ko at nagulat ng hindi si Eshton yung nakita ko don kundi si Dane
"O-okay na ako" naiilang na sabi ko sa kanya
"Hindi ko pa pala alam ang pangalan mo" sabi nya habang nagkakamot ng noo nya kaya medyo natawa ko pero hindi ko pinakita sa kanya
"Okay, I'm Ashley Xarien Steve. I'm the princess of Light and fire kingdom. Twin sister ni Eshton. Nice meet you"pakilala ko at inalok ko pa yung kamay ko sa kanya
Tinanggap nya naman ito saka ngumiti. Ngumiti sya?! May gumagwapo sya kapag nakangiti sya
"I'm Dane Travis Death" sabi nya din kahit alam ko na naman ang pangalan nya
"Ashley, Travis pumumta na kayo dito kakain na tayo" rinig namin sigaw ni Rhea
Nagulat ako ng inalalayan nya akong tumayo at maglakad papunta sa kusina
Nadatnan namin na nakahain na ang mga pagkain sa lamesa at may mga plato narin kaya naupo na ako sa upuan ko, sa gitna nila
"Don ka na maupo Travis" sabi ni Chen at tinuro yung katapat kong upuan kaya naupo narin sya don
---------------------
Xarien--- ganto sya banggitin (say-rain) basahin nyo lang yung say-rain sa english
![](https://img.wattpad.com/cover/225897524-288-k961348.jpg)
YOU ARE READING
We Are Different (Completed)
RandomThey thought it's over They thought the enemies are all dead But what if something happens What if the new generations wont survive She is the girl who had the strongest power The girl in the prophecy But what if she fall in love with the enemy What...