Chapter 38

387 18 1
                                        

Nagising ako dahil sa mga ingay sa labas. Para silang nagkakagulo don. May naririnig din ako na mga sumasabog kaya agad akong napabalikwas ng bangon

Hindi ko na inalala yung itsyura ko at basta nalang ako lumabas ng kwarto pero napatigil agad ako ng biglang may bumuhos sa akin na tubig

"Pagyelohin mo yung tubig" utos ni Chen kay Eshton at naramdaman ko nalang na nanigas na ako at hindi makagalaw

Mga bwisit talaga ang mga ito!!!

"Masaya ba sa kalagayan mo, my dear twin sister?" Natawang sabi ni Eshton habang naikot pa sa akin

Humanda ka sa akin mamaya!! Pinainit ko ang katawan ko at unti unti namang natunaw yung yelo

"Xarein. Wala akong alam diyan" sabi ni Dane na wala na namang emosyon

"Hoy, Travis!! Idea mo ito tapos sasabihin mo na wala kang alam dito?!"reklamo agad ni Rhea

Humanda kayong lahat sa akin pagnatapos na matunaw ito!! Sisuguraduhin ko na hindi kayo makakagalaw!!!

Nung natunaw na yung yelong nakapalibot sa akin ay unti unting napangisi yung labi ko sa kanila na ikinaatras naman nila

"Masaya ba?..... Masaya ba na makita akong ganon?"nakakakilabot na sabi ko

"Ahhmmmm. Wala akong ginawa diyan. Electricity and air ang powers ko"tanggi agad ni Ella

"Ako rin. Nature and water ang powers ko pero promise. Hindi sa akin nanggaling yung tubig. Kay Eshton"tanggi ni Rhea na kanina lang ay tawa ng tawa

"Mas lalo naman ako. Ice at metal ang powers ko pero hindi ako ang nagpayelo sa iyo. Si Eshton yon"tanggi din ni Chen na kanina lang ay inutusan yung kakambal ko na pagyelohin ako

Ngumiti ako sa kanila ng matamis "Don't worry, wala naman akong gagawin sa inyo"sabi ko pa at parang lumiwanag ang mukha nila

"Thank you"

"Hays buti naman"

"Wala naman talaga akong gagawin sa inyo kaya wag kayong matakot. Wala akong gagawin sa inyo..... na mabuti!"pagkatapos non at inangat ko ang parehas kong kamay at saka sila pinagyelo lahat

Nanigas sila pero hindi ko parin binababa yung kamay ko para masigurado ko na hindi nila matutunay yung yelo

"Chen, alam mo ba na hindi ako binge? Narinig ko kanina na ikaw ang nagutos kay Eshton na pagyelohin ako. Anong pakiramdam na yelo rin ang kapangyarihan mo pero nababalot ka ngayon ng kapangyarihan na katulad ng sayo?"tanong ko pero syempre. Hindi sya nakasagot

Tumingin ako kila Ella at Rhea "Kayong dalawa. Masaya ba na nandiyan sa sitwasyon nyo ngayon? Ngayon kayo tumawa kasi parang ang sarap marinig ang tawa nyo habang nababalot kayo ng yelo"nakangising sabi ko at saka ako tumingin kay Eshton

"Ikaw naman Eshton, ikaw naman ang tatanungin ko ng tanong na tinanong mo kanina sa akin. Masaya ba sa kalagayan mo ngayon, my dear twin brother? Alam ko naman na ikaw ang gumawa sa akin non kaya pasensya nalang. Magdusa ka muna diyan"

Tumingin naman ako kay Dane "wala ka talagang alam dito? Sa tingin mo ba ay maloloko mo ako. Nabasa ko ang isip ni Rhea na ikaw ang nakaisip nito. Tsk.. tsk. Magsisinungaling ka na nga lang at yung nahuhuli ko pa"

Tiningnan ko sila lahat "Masaya ba kayo? Yung mga kapangyarihan nyo ang hindi nyo magamit para matulungan ang sarili nyo. Tsk! Nagmadali pa naman ako bumangon kasi nakakarinig ako ng pagsabog pero yun pala ay prank nyo lang."

Nagtawa ako ng pilit gumagalaw si Eshton pero hindi nya magawa

*Booogsssss

Halos mapatalon ako sa gulat ng marinig ko na may sumabog na malakas

Isa isa ko silang tiningnan at agad na kinabahan ng marealize ko na ganon din yung mga pagsabog na naririnig ko kanina pero paano nangyari yon kung pinagyelo ko sila at hindi makagalaw?

Agad akong tumakbo sa bintana ng dorm namin at nanlaki ang mata ko ng makita ko ang mga dark magicians na nakikipaglaban sa mga studyante sa labas

What the hell?!! Agad kong tinanggal yung pagkakayelo ng lima. "may mga kalaban sa baba!" Sigaw ko at saka nagteleport sa pinaglalabanan

Agad akong gunawa ng metal sword at tinulungan yung ibang studyante

"Bakit ba pabalik balik kayo dito? Hindi nyo ba maintindihan na ayaw namin ng gulo"inis na sigaw ko at saka sinaksak yung isa na agad din namang naglaho

Tatakbo na sana ako palapit don sa isa pa ng makita ko yung isang babae na sasaksakin ng isang dark magicians sa likod kaya agad kong inihagis yung espada ko sa dark magician na tinamaan naman sa dibdib kaya agad din itong naglaho

Tumakbo ako sa isa pang kalaban at saka nakipaglaban din dito

Puro tunog ng mga nagtatamang espada at pagdaing ang naririnig ko

Buong paligid ko ay may naglalaban at nakikita ko rin ang ibang professor na tumutulong na rin pero pakiramdam ko ay hindi nauubos ang kalaban namin

"Ang dami nila" sabi ni Ella ng nakalapit sya sa akin

"Hindi tayo pwedeng sumuko" sabi ko habang patuloy na nakikipaglaban kami sa mga dark magicians

"Bakit parang hindi kayo nauubos?!" Galit na tanong ni Rhea don sa isang kalaban nya

"Hulaan mo"nakangising sagot naman nito

"Kung ayaw mo sabihin edi wag, hindi ako manghuhula!" Sigaw nito at pinatamaam ng nature power nya

"Dito lang kayo. Titingnan ko kung saan sila pumapasok" utos ko sa kanila at saka ako lumpiad at agad na inilibot ang paningin

Marami na akong nakikita na mga istudyante na may mga sugat at yung iba ay nakahiga nalang sa lupa at sa tingin ko ay wala ng buhay

Mas lalong tumindi ang galit ko dahil sa nakita ko kaya agad kong itinaas ang kamay ko at ginamot ko lahat ng may sugat na studyante

Agad na nanumbalik ang lakas ng ibang istudyany pero hindi ko na nagawang buhayin yung mga namatay na

Napatingin ako sa isang direksyon at agad na naginit ulit ang ulo ko ng makita ang isang bukas na portal at don nalabas ang mga dark magicians

"Humanda kayo sa akin" madiin na bulong ko at saka lumapit don at naglabas ng apoy sa kamay ko.

Inangat ko ang kamay ko sa tapat ng dibdib ko at pinagsama ang mga apoy sa kamay ko at saka hinulma itong bilog at mas pinalaki pa ito at saka ko ibinato sa portal

Agad nasira ang portal kaya napangiti ako "yan ang napapala nyo"

Bumalik ako sa mga naglalaban pa at saka gumawa ako ng malaking water barrier sa isang gilid at saka ko pinalutang yung mga studyante na nakikipaglaban at ipinasok don

Sunod kong pinalutang yung mga nakahiga nang istudyante at pinasok din don

We Are Different (Completed)Where stories live. Discover now