"Xander! Sinabi ko ng wag kang tumakbo" sigaw ko sa makulit kong anak
"Kuya, I told you to wait for me!" Sigaw din nung kapatid nya at tumakbo palapit dito
Ang kukulit talaga ng mga batang yan eh! Hindi masaway!
"Dane, sawayin mo yang mga anak mo. Matatamaan yan sa akin" banta ko dito
Napapakamot ito ng noo na lumapit sa dalawa at binuhat si Vishna at hinawakan naman sa kamay si Xander
"Wag kayong makulit. Nagiging monster na si mommy nyo. Sige kayo kakainin kayo nyan"bulong ni Dane sa mga ito pero narinig ko parin dahil sa special hearing ko
Inis akong lumapit sa kanya at saka sya piningot sa tenga nya "kaya namamana sa iyo yang mga anak mo eh. Isa ka paring matigas ang ulo"
"Aray naman babe!"reklamo nito. Binitiwan ko yung tenga nya at saka ko hinawakan sa kamay si Xander para hindi na ito tumakbo
"Mom, nandon ba si Rhian at Zack?" Tanong nito at tumango naman ako
Sila nga pala si Xander Death at Vishna Death, anak namin ni Dane. Walong taon na si Xander at si Vishna naman ay lima at sobrang kulit talaga nila
Si Eshton at Ella naman ay may anak narin, si Zack. Tapos si Rhea at Chen naman ay si Rhian
Papunta kami sa academy ngayon para dumalaw don. Miss na namin kasi yung academy, ilang taon narin kaming hindi nakakapunta don kasi masyadong busy sa pamilya
"Buti naman at nandito na kayo" sabi ni Rhea na parang inip na inip na
"Si Daddy po kasi, parang pagong. Ang bagal po kumilos" sumbong ni Vishna na buhat parin ni Dane
"Ikaw kaya ang mabagal kumilos. Gusto mo ay nakagown ka pa eh pupunta lang naman tayo dito sa academy"sabi naman ni Dane na pinisil pa yung pisngi nito
Actually, parehas silang mabagal kumilos. Kung ano ano pa ang ginagawa ni Dane tapos si Vishna naman ay pinipilit na gown yung isusuot nya
"Xander" excited na sabi ni Zack at lumapit dito saka sila naglaro
Si Rhian naman ay buhat ni Chen at mukhang natutulog
"Tara na" sabi ni Eshton na may dalang basket
May balak kasi kaming magpicnic sa garden dito. Bonding narin namin
Nagpunta na kami sa garden at agad naman silang naglatag don at sabay sabay kaming umupo habang naglalaro yung apat na bata, gising na si Rhian
"Ang tagal na rin nung huli tayong nakapunta dito" sabi ko at tiningnan yung paligid
Ang dami nang nagbago dito at nakakamiss yung mga nangyari dito
Dito kami naging masaya, naging close, at nagmahalan
Tiningnan ko yung mga anak namin. Balang araw. Sila naman yung papasok dito para matuto at harapin ang hamon ng buhay
Napatayo ako agad ng biglang madapa si vishna at bigla itong umiyak
Nilapitan agad namin ito ni Dane at binuhat nya ito habang pinatatahan
"Daddy, it hurts" sumbong nito
"Shhhh gagamutin yan ni mommy"sabi nito
Hinawakan ko yung tuhod nito at saka ginamot na agad namang naghilom
"Tahan na, wala na yung sugat mo" sabi ko
Dinala namin sya sa latag saka inupo namin sya don. Nilapitan naman sya ng kuya nya at saka pinahid yung luha nya
"Wag ka ng umiyak. Andito si kuya" sabi nito ay niyakap pa
Napatingin ako kay Eshton na nakangiti sa dalawang anak ko saka sya napatingin sa akin
Ganyan na ganyan kami nung maliit pa kami. Lagi syang protective sa akin at sya din yung nagpapatahan lagi sa akin
Sa loob ng ilang taon. Ang dami nang nangyari. Nagpakasal na kaming magkakaibigan, at nagkaanak
Lahat ng nangyari sa buhay namin ay hindi namin makakalimutan. Masyadong mahalaga yon para lang kalimutan
"Oh sandwich, kumain muna tayo" sabi ni Rhea at binigyan kami ng sandwich isa isa
"Namimiss ko na yung dorm natin" sabi ni Ella at nagsisangayunan naman kami
"Pumunta tayo don mamaya"sabi naman ni Chen
"Mas malakas ako sayo kuya"rinig naming sabi ni vishna
"Mas malakas ako kasi lalaki ako" sabi naman ni Xander
"Hindi naman porket lalaki ka eh mas malakas ka na sa amin" sabat din ni Rhian
"Mas malakas ang lalaki"sabi naman ni Zack
Sa kanilang apat si Vishna ang pinakabata. Halos magkakaedad lang sila Rhian, Zack at Xander
"Lahat tayo ay malalakas, meron tayong iba't ibang lakas. Hindi pare pareho ang mga kapangyarihan natin pero hindi yon sapat na dahilan para masabi natin na hindi malakas ang isang tao"sabi ni Ella sa mga ito
Napatingin sa amin yung mga bata "diba sabi ko sayo eh, hindi porket lalaki kayo ay malakas na kayo" sabi ni Rhian na nilabas pa ang dila
"Babe, inaantok ako" sabi ni Dane na yumakap pa sa akin
"Tara na sa dorm" sabi ko
Inayos namin yung mga pagkain at saka pumunta sa dorm namin. Pumasok kaming apat sa dating kwarto ko at don nahiga
"Daddy, inaantok ako" sabi ni Vishna na pumunta sa ibabaw ni Dane at dumapa don saka pinikit ang mata
Yumakap naman sa akin si Xander na nasa gitna namin
Nagkatinginan nalang kami ni Dane at saka natawa "daddy, wag kang malikot" inaantok na sabi ni Vishna
Napahinto naman sa pagtawa si Dane at saka niyakap si Vishna "tulog na"
Pipikit na sana ako ng bigla nalang nagsalita ulit si Dane "babe, malaki na sila. Gusto ko pa ng isa pang anak"
Ngumiti ako sa kanya "sige"
"Talaga?"excited na tanong nya
"basta ikaw ang magbubuntis. Nasa magic world tayo at alam mo na posible yon"nakangising sabi ko sa kanya
"wag na pala"nakasimangot na sabi nya at natawa naman ako
"matulog nalang tayo" sabi ko sa kanya
Pumikit nalang ako na may ngiti sa labi
Marami man nangyari pero masaya parin ako kasi kasama ko silang mga kaibigan ko at pati narin yung nga anak namin
Kahit ano man ang mangyari basta sama sama kami ay ayos lang. Haharapin namin ang bawat pagsubok sa buhay namin ng sama sama
"I love you" sabi ni Dane kaya napamulat ako at ngumiti sa kanya
"I love you too" sabi ko sa kanya
Masaya na ako sa buhay ko ngayon kasama ang pamilya ko at ang mga kaibigan ko
The end
----------------
4:22 pm, January 16 2021 ko natapos ang istoryang ito.
Thank you for supporting this story. Thank you sa pagtyatyagang magintay ng matagal na update
Marami pa akong story na nakatambak sa drafts ko at may mga fantasy din don
Magfofocus muna ako sa 'we're just friends' na story ko bago ako magpost ng iba para hindi magulo.
Focus muna din ako sa module ko kasi graduating na ako ng grade 10 kaya kailangan magaral ng mabuti

YOU ARE READING
We Are Different (Completed)
عشوائيThey thought it's over They thought the enemies are all dead But what if something happens What if the new generations wont survive She is the girl who had the strongest power The girl in the prophecy But what if she fall in love with the enemy What...