Ella POV
Nasaan na ba kasi si Ashley, kanina pa kami nagaalala sa kanya rito
Ilang beses na naming nilibot ang buong academy pero hindi parin namin sya natatagpuan
Wala rin naman kaming nahanap na paraan para makalabas dito sa academy na ito
Natatakot na kami kasi baka kung napaano na sya tapos wala pa kami sa tabi nya
"Nasaan ba si Travis?" Parang naiinis na tanong ni Chen
Isa pa yung lalaking yon, hindi namin makita. Kanina pa namin sya hinahanap para magpatulong sa paghahanap kay Ashley pero hindi din namin sya makita
"Baka magkasama sila" sabi ni Rhea
"Kung magkasama sila, saan sila pupunta?"wala sa sariling tanong ni Eshton
Alam ko na sa aming lahat ay sya yung pinakanagaalala kasi kakambal nya si Ashley
Sabay sabay kami na napatingin sa pinto ng may kumatok don na parang gusto ng sirain yung pinto
"Lumabas kayo!" Rinig naming sigaw sa labas
Nagkatinginan kami at saka nagtakbuhan sa pintuan at agad na binuksan yon
Natagpuan namin don ang isang babae na hawak sa braso ng dalawa pang babae na parang pinipigilan sya
"Nasaan ang walangyang Ashley na yon?!" Galit na sigaw nya
Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi nya, sinabihan nya ng walangya si Ashley!
"Miss, ano ang problema mo? Sino ka para sabihang walangya ang kaibigan namin? Hindi mo ba alam na sya ang prinsesa ng light kingdom?"parang nauubusan ng pasensya na tanong ni Rhea
"Prinsesang mamatay! Pinatay nya ang kaibigan ko!"
Lahat kami ay nagulat sa sinabi nya at agad na uminit ang ulo ko dahil don
Hindi na ako nagulat ng magpalabas si Eshton ng apoy sa kamay nya
"Isang beses pang magsabi ka ng masamang salita sa kakambal ko, susunugin kita ng buhay!"sigaw nya
"Bakit? Tunay naman ah! Sya ang pumatay sa kaibigan ko. Pinatay nya si Mitch! Binantaan nya ang kaibigan ko ng magaway sila kaya sigurado ako na sya ang pumatay sa kaibigan ko"
"Earlene, tama na yan. Mga prinsesa sila at prisepe kaya igalang mo sila"sabi nung isang babae
"Manahimik ka, hindi ko hinihingi ang opinyon mo!"sigaw nito at nagulat nalang kami ng makita na may hawak itong espada at agad na itinutok sa amin
Parang automatic na gumalaw ang kamay ko at pinatalsik sya gamit ang hangin
"Umalis ka ngayon din sa harapan namin!" Sigaw ko sa kanya pero nagpumilit syang tumayo kaya inihanda ko ang air ball ko
Pero hindi pa sya ulit nakalalapit sa amin ng bigla nalang syang pumaloob sa isang bula na gawa ni Rhea at tinangay syang palay9
"Pasensya na po, nagluluksa lang po talaga sya ngayon dahil sa pagkamatay ni Mitch"sabi nung isang babae
"Bakit namatay si Mitch?"tanong ko
Sino ang pumatay sa kanya? Huling nakita ko sya ay nung nakaaway sya ni Ashley dahil sa mga bintang nya
"Natagpuan po namin sya sa garden na wala ng buhay at duguan"sagot naman nung isang babae pa
"Aalis na po kami"
"Sige"
Nagsipasukan ulit kami sa loob at walang nakibo
Iniisip ko yung sinabi ni Earlene kanina, si Ashley ang pumatay kay Mitch?
Imposible yon! Nakaaway man ni Ashley yon pero sigurado ako na hindi nya yon magagawang patayin
Kilala ko si Ashley, mabait sya at hindi nya kayang manakit ng mga kakampi namin
Pero kung hindi si Ashley, sino? Sino ang pumatay sa kanya?
"Puntahan natin si Mitch" sabi ni Rhea at nagsitanguhan naman kami bago sabay sabay na nagteleport sa ground nitong academy
Pansin ko ang ibang mga tingin ng mga studyante dito at pakiramdam ko ay nilalayuan nila kami
Nung nakita kasi nila kami ay agad silang tumakbo palayo na para bang may nakakahawa kaming sakit
Sinubukan kong lapitan yung pinakamalapit na babae sa akin pero agad din syang lumayo na parang ayaw nyang madikit sa akin
"Anong nangyayari? Bakit sila nalayo sa atin?" Takang tanong ni Rhea
"Dahil kay Ashley" napatingin kami kay Chen ng sabihin nya yon
Anong ibig sabihin nya na dahil kay Ashley kaya nalayo sa amin yung mga studyante dito?
"Baka inaakala nila na si Ashley ang pumatay kay Mitch at dahil don ay lamalayo sila sa atin"dugtong nya
Napabuntong hininga ako at saka napatingin don sa isang babae na lumayo sa amin at saka ko binasa ang isip nya
'andyan na sila, nakakatakot sila baka pati tayo ay patayin nila'
Nagpalabas ako ng kuryente sa at punalibot ito sa kamay ko at saka ko ito itinutok don sa babaeng binasa ko ang isip
"Anong ibig sabihin mo sa iniisip mo? Anong tingin mo sa amin, mamatay? Tigil tigilan mo ang pagiisip ng masama tungkol sa amin kung ayaw mo na kuryentehin kita"galit na sabi ko
Hinawakan ni Eshton ang braso ko at ibinaba yon "Wag mong gagawin yan" bulong nya habang seryosong nakatingin sa akin at saka sya tumingin don sa mga studyante na parang natatakot na nakatingin sa akin
"Hindi kami mamamatay, hindi ang kakambal ko ang pumatay kay Mitch na yon!"sigaw nya
"Yang kakambal mo lang naman ang nagbanta sa kanya kaya sigurado kami na yung kakambal mo lang ang pumatay kay Mitch. Baka nga kayo ay kayo nyo rin pumatay kaya maigi na lumayo kami sa inyo kasi baka hindi namin namamalayan na gusto nyo na pala kaming patayin"sagot naman nung isang babae
"Mana-"
"Tama na yan"pigil ko agad kay Eshton at saka hinawakan sya sa braso nya at nagteleport pabalik sa dorm
"Shit! Sino sila para sabihan ng mamamatay ang kakambal ko?"
"Hindi si Ashley ang pumatay kay Mitch, okay? Kilala natin sya at hindi nya yon kayang gawin"
"Nasaan na ba kasi si Ashley, humanda sya sa akin pagbalik nya dito. Sisiguraduhin ko na hindi sya makakalabas ng dorm na ito kung hindi ang classroom ang pupuntahan nya"nagtitimping sabi nya
Lagot talaga si Ashley paguwi nya! Kilala ko si Eshton. Alam ko na lahat ng sinasabi nya ay tinototoo nya kaya sigurado ako na hindi nga makakalabas si Ashley ng ilang araw
"I'm back, guys!" Sabay sabay kami na napatingin sa likod namin at natagpuan namin don si Ashley na madumi ang damit pati narin yung katawan at mukha nya pero ang laki ng ngiti nya
"ASHLEY XAREIN STEVE, YOU'RE GROUNDED FOR TWO MONTHS!!"sigaw ni Eshton sa kanya at nakita ko kung paano nawala yung ngiti nya sa labi at gulat na tiningnan si Eshton
YOU ARE READING
We Are Different (Completed)
De TodoThey thought it's over They thought the enemies are all dead But what if something happens What if the new generations wont survive She is the girl who had the strongest power The girl in the prophecy But what if she fall in love with the enemy What...