Ella POV
Siguro mukha na akong kamatis ngayon. Kasi naman si Eshton hindi binibitawan yung kamay ko
Simula ng lumipad kami kanina ay hindi nya na binitiwan ang kamay ko at ang nakakahiya pa ay namamawis na ito
Dahan dahan kong tinatanggal yung kamay nya pero hindi na naman ako nagtagumpay kasi hinawakan nya na naman ito ng mahigpit!
"Ayaw mo bang hawakan kita?" Nakakunot noong tanong nya
Nahihiya akong ngumiti sa kanya "hindi naman sa ganon, pawis na kasi ang kamay ko"
"Edi sa kabila naman"nagulat nalang ako ng lumipat sya sa kabilang side ko at yung kamay ko naman don yung hinawakan
Tumingin ako sa side kung saan wala sya at saka don inilabas ang ngiti na kanina ko pa pinipigilan
Natutuwa naman talaga ako na hinahawakan nya yung kamay ko. Sino ba naman ang hindi matutuwa kung yung mahal mo ay hawak hawak ang kamay mo?
Tss, bakit ba kasi ang manhid nya! Hindi nya maramdaman na mahal ko sya kahit ginagawa ko naman ang lahat para maramdaman nya ito!!
"Kambal, pulang pula na ang mukha ni Ella oh" nagulat nalang ako ng lumampas sa amin si Ashley at nakangisi sa amin habang nakaupo sa loob ng balloon nya
"H-hindi ahh" tanggi ko pa pero alam ko na mas pumula ang mukha ko dahil don
Naramdaman ko rin ang tingin sa akin ni Eshton pero hindi ko sya tiningnan
"Bakit ka namumula? May sakit ka ba?" Tanong nya na nakapagpainis sa akin
'Bakit ba ang manhid mo? Bakit hindi mo maramdaman na namumula ako dahil sayo? Ang manhid mo! Manhid' sigaw ko sa kanya sa isip ko, alangan sabihin ko yan sa kanya
"Mainit lang" sabi ko nalang
"Eshton na manhid"pangaasar ni Ashley
Lahat naman sila ay alam yung feelings ko para kay Eshton, si Eshton lang talaga ang hindi nakakaalam. Kasi nga manhid sya!
Yung mga kaibigan ko ay nahalata yung nararamdaman ko kay Eshton kaya nalaman nila pero dahil nga dakilang manhid si Eshton ay hindi nya manlang yon naramdaman
Lagi akong sumusunod kung nasaan man sya. Ako ang nagaasikaso ng pagkain nya. Ako yung nandiyan kapag kailangan nya ng masasandalan pero dahil manhid nga sya ay hindi nya yon napapansin!
Nung isang araw na binigyan nya ako ng punishment ay sinabi nya na ako ay sa kanya lang pero wala naman syang ginagawang paraan
Ayoko naman umamin kasi natatakot akong mareject. Saka babae parin naman ako at dapat ang lalaki ang unang umaamin
"Bilisan na natin, maggagabi na kaya kailangan na natin makahanap ng matutulugan"sabi nya at saka ako hinila
Hindi ko namalayan na nakahinto na pala ako sa ere at nakatingin lang sa kanya
Rhea POV
"Sagutin mo na kasi ako" pangungulit ng lalaking ito
"Sinabi ng kakaumpisa mo pa lang manligaw kaya maghirap ka muna"sabi ko
Aba! Kahit gusto ko sya ay hindi ako easy to get. Kailangan nya muna mapatunayan ang sarili nya
Hindi porke mahal nyo ang isa't isa ay papasok na kayo sa isang relasyon, dapat isipin nyo muna ang maaaring mangyari bago kayo pumasok sa relasyon
Gusto ko muna malaman kung sya na nga ba yung lalaking para sa akin, kung deserving sya sa pagmamahal ko
Hindi pa lumalabas ang propesiya pero hinihiling ko na sya na nga yung nakatadhana sa akin kasi sya lang ang nakakapagpasaya sa akin at sya ang mahal ko
"Eh kelan mo ba ako sasagutin?" Tanong nya na naman
Nakaupo kami sa loob ng balloon ko kasi pumasok sya kanina dito at hindi nya na ginamit yung ice wings nya
Buti nalang talaga at hindi madaling pumutok ang balloon na ito kundi mataas ang lalagpakan namin
"Hindi ko alam"
'Kung kelan ko mapapatunayan na seryoso ka nga sa akin, kung kelan ko mapapatunayan na hindi mo ako lolokohin at iiwan at kung kelan ko mapapatunayan na mahal mo nga talaga ako'
"Paanong hindi mo alam?"
"Hindi ko alam" paguulit ko
"Bakit hindi mo alam?"
"Kasi hindi ko nga alam"
"Tsk ang gulo mo, bakit kasi hindi mo nalang ako sagutin ngayon na para tayo na?"
"Kasi nga kakaumpisa mo lang manligaw"
"Edi liligawan nalang kita araw araw kapag sinagot mo ako saka ang relasyon ang pinatatagal hindi ang ligawan"
Ilang beses ko na bang narinig ang mga linyang yan. Yan naman lagi ang sinasabi ng mga lalaki sa babaeng nililigawan nila eh
"Hindi ako naniniwala diyan" sagot ko
"Hindi ka naniniwala na liligawan kita araw araw?" Parang gulat na tanong nya pa
Ang OA nya rin minsan eh. Para nga syang babae minsan sa sobrang pagka-OA
"Hindi ako naniniwala sa relasyon ang dapat pinatatagal hindi ang panliligaw. Ilang beses ko na ba yan narinig pero sa huli naman ay naghihiwalay din sila"
"Ibahin mo tayo sa kanila"sabi nya pero hindi ko yon pinansin at ipinagpatuloy lang ang sinasabi
"Mas naniniwala ako sa kasabihan na ang babaeng pinaghihirapan ay hindi pinakakawalan"
Ashley POV
Ayoko na! Ayoko na tingnan sila kasi naiinggit lang ako! Bakit kasi hindi pa dumating si mr right?! Bakit hindi pa nalabas yung propesiya ng pagibig para naman mahanap ko na yung nilalang na para sa akin
Paano kung nadadaanan ko na sya? Paano kung nandiyan lang pala sya sa tabi tabi? Kelan ba kasi sya magpapakita?
Ang sweet ng mga kasama ko tapos ako ay lonely. Mga nagtatawanan sila tapos naghaharutan samantalang ako ay pinapanood lang sila
'Dane, bakit hindi ka kasi sumama?! Edi sana may kasama ako dito kahit wala ka laging emosyon ay ayos lang basta may makausap lang ako'
Dapat pala sinama ko nalang si Dane edi sana hindi ako magisa, tsk!!
Kahit naman laging walang emosyon ay naging komportable na ako sa kanya at sya na lagi ang kasama ko
Minsan nga lang ay nakakapagtaka na minsan ay nawawala na lang sya bigla, minsan ay hindi ko sya
San kaya yon napunta? Baka naggagala lang? Pero kasi parang wala sa personality nya ang pagiging gala. Parang mas gusto nya pa matulog kesa gumala
Paano kung nambababae lang yon?
'Bakit ganto? Parang ang sakit sa dibdib nung huli kong tanong. Bakit parang ayaw ko yon marinig? Bakit parang ayaw ko yon mangyari?'
YOU ARE READING
We Are Different (Completed)
AléatoireThey thought it's over They thought the enemies are all dead But what if something happens What if the new generations wont survive She is the girl who had the strongest power The girl in the prophecy But what if she fall in love with the enemy What...