Tinititigan ko lang sila ngayon habang natawa. Nasa tabi ko naman si Dane na nakitingin sa akin pero hindi ko sya pinapansin
Nakailang ulit narin ako sa pagkuha ng picture nila ng makarinig kami ng malakas na pagsabog sa labas na syang nagpagising sa apat at sabay sabay kaming tumakbong anim don
Buti nalang at hindi nila tiningnan ang isa't isa kanina nung magising sila kasi nagsitakbuhan na kami
Nung makarating kami sa field ng academy ay nakita namin ang mga dark kingdom na kinakalaban ng mga studyay dito
Agad kong pinalabas ang espada ko at saka nakipaglaban narin sa mga dark kingdom
Hinagisan ko agad ng Land ball yung isang dark magician na sasaksak sana dun sa isang babae kaya agad itong naglaho
Pinagpatuloy ko ang pakikipagespadahan dun sa mga nakapaligid sa akin at ng maubis ko sila ay tinulungan ko naman yung ibang estudyante
"Matuto kang magingat" napatingin ako sa tabi ko ng marinig ko ang boses don ni Dane at nakita ko naman sya na may sinaksak na taga dark kingdom na lalapit sana sa akin
"Thank you" sabi ko at saka ko pinagpatuloy ang ginagawa ko
Nung mairita na ako sa mga dark magicians na ito ay nagpalabas ako ng maraminh water spike at saka pinagbabato sila, dinamay ko narin yung kalaban ng ibang studyante
"Ella, lagyan mo lahat ng studyante ng air shield" utos ko at halos mapatawa na naman ako ng makita ko ang mukha nya
Sinunod nya ang sinabi ko, pinagsama sama nya lahat ng studyante at nilagyan nya ng air shield, kasama si Dane
Nagpalabas ako ng iba' ibang kapangyarihan ko at ginawa itong balls at spikes sa itaas ng kamay ko, sinama ko narin ang light magic ko. Si Eshton ay pinalabas din ang kapangyarihan nya at ginawa ang ginawa ko
Si Ella ay nagpalabas ng electricity at air balls at spikes. Si Rhea ay land and water. Si Chen ay metal at ice
"In a count of three!" Sigaw ko "three.....two.....one!" Sabay sabay naming pinatama yung mga kapangyarihan namin sa mga dark magicians na umubos sa kanila kaya napangiti ako at hinarap ang mga studyante saka tinanggal ang shield nila at ginamot ang mga sugat nila
Napangisi nalang ulit ako ng magsilabas ng cellphone ang mga light magicians at kinuhanan ng picture yung apat kaya nagtataka silang napatingin sa isa't isa na ikinagulat nila
Agad akong nagtago sa likod ng mga studyante habang tatawa tawang nanonood sa kanila
"Ashleyyyyyyy!!!!!" Sigaw nila at saka naglaho
Makakapaggala na ako! Yehheeyyy! Excited akong lumakad papunta sa mall pero hindi pa ako nakakatatlong hakbang ay may humila na sa akin at ang sunod ko nalang nalaman ay nasa dorm na ako at kaharap yung apat na ang sama ng tingin sa akin habang nasa tabi ko si Dane na syang nagdala sa akin dito
Agad akong napatago sa likod ni Dane ng makita ko kung gaano kasama ang tingin nila sa akin
"Bakit kayo ganyan makatingin sa akin?" Tanong ko
"Umalis ka diyan, Dane" nakakatakot na sabi ni Eshton kaya napakapit ako sa damit ni Dane habang pilit na nagtatago sa likod nya
"Pinahiya mo kami sa harap ng maraming studyante" nakangusong sabi ni Ella
Wala ng mga marker sa mukha nila, nalinis na nila
"Wala naman akong ginagawa sa inyo ahhh" painosente kong sabi
"Wag mo kaming lokohin" sabi ni Chen na mukhang inis na inis parin
"Dane, diba wala akong kinalaman sa kanila?" Kinurot ko pa yung likod nya
"Arrraaaaayy" ay baliw! Bakit sya umaray! Mahahalata ako
"Yan, kinukurot mo pa si Dane para pagtakpan ka! Dane, kung ako sayo aalis ako diyan"
"Hindi ka aalis diyan, diba babe?"ewwwww
"What did you say?"tanong nya na nakangisi saka sya humarap sa akin
Binigyan ko sya ng matamis na pekeng ngiti "diba wala akong alam sa kanila, babe?"
"Ahmmmm, oo....... Umalis kasi sya kanina tapos nakipagkita kay Nate, nagdate yata sila"
Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi nya. Akala ko ay tutulungan nya ako pero pinalala nya lalo yung sitwasyon saka ako nginisian
"WHAT?!!" unti unti kong binalik yung tingin ko kay Eshton na ngayon ay nanggagalaiting nakatingin sa akin
"Hindi totoo yon"
"Dagdag ng isang linggo pang hindi ka makakalabas!!"sigaw nito na nakapagpalumo sa akin
"Bwisit ka Dane! Hindi nga ako nakapabas kaht saglit kanina eh"pinaghahampas ko sya pero para syang walang pakialam. Para syang hindi nasasaktan
"Dane naman kasi eh" maluha luha na ako habang hinahampas sya tapos nung mapaiyak na ako ay napasandal nalang ako sa dibdib nya
Naramdaman ko na niyakap nya ako "Dito ka nalang sa loob ng dorm nyo para wala ng makakalapit sa iyong lalaki at hindi ka mapahamak.....sasamahan nalang kita lagi"naramdaman ko pa lalo yung pagpatak ng luha ko
Hindi ko alam kung bakit ako naiyak, basta ang alam ko lang ay ayaw ko na manatili pa dito sa dorm ng mas mahaba kasi naboboring na ako
"Wag ka ng umiyak. Promise, sasamahan kita lagi dito sa dorm nyo" sabi nya na pinapatahan parin ako saka pinunasan yung luha ko
Tiningnan ko si Eshton na nagaalalang nakatingin sa akin "hindi tayo bati" sabi ko saka sya inirapan
Pumunta nalang ako sa kusina para kumain. Hindi pa kasi ako kumakain eh
Hindi ko namalayan na sumunod pala sa akin si Dane at pinanood akong kumain kaya medyo nailang ako
"Iiwas mo nga ang mata mo sa akin. Hindi ako makakain ng ayos dahil sayo"
"Bakit hawak ko ba ang bibig mo para hindi ka makakain ng ayos"tanong nya kaya sinamaan ko sya ng tingin saka ko ipinagpatuloy nalang yung pagkain ko
"Alisin mo sabi yang mata mo sa akin. Naiilang nga ako" sabi ko ulot sa kanya
Nakakailang kaya na sa bawat subo mo ng pagkain mo ay may nakatingin sayo kasi pinapanood ka
"Hindi mo naman mata it kaya wala kang pakialam kung titigan kita"
"Hindi ko nga mata yan pero mukha ko naman ang tinititigan mo"
"Bakit ba ang ganda mo?"
"Tanong mo sa magulang ko. Nainlove ka na sa akin no?" Pangaasar ko pero hindi ko inaasahan ang isinagot nya
"Oo, mahal na kita. Unang kita ko palang sayo"
YOU ARE READING
We Are Different (Completed)
RandomThey thought it's over They thought the enemies are all dead But what if something happens What if the new generations wont survive She is the girl who had the strongest power The girl in the prophecy But what if she fall in love with the enemy What...