Chapter 46

357 17 0
                                        

Nagising ako kinabukasan na maayos na yung pakiramdam ko kaya nagtaka ako at ng tingnan ko yung sarili ko ay wala na akong mga sugat

Baka ginamot nila habang natutulog ako

Nagayos ako ng sarili ko at nagsuot ng uniform namin dito kasi papasok pa kami sa klase namin

Lumabas ako ng kwarto ko at natagpuan ko yung apat na nakaabang don

"Nagluto na kami ng pagkain. Tara na kumain" nakangiting sabi ni Eshton

"Busog pa ako"sabi ko at nilampasan sila

Akala ba nila nakalimutan ko na yung nangyari kahapon? Naiinis parin ako sa kanila

"Kumain ka muna" sabi ni Ella at narinig ko sila na sumunod sa akin pero nagteleport na ako papunta sa room namin

Hindi ako umupo sa upuan ko. Don ako umupo sa tabi ng upuan ni Dane

Teka nga lang! Nasaan na ba yung lalaking yon? Simula ng pumunta ako sa mga dark magicians ay hindi ko na sya nakita. Hindi din sya pumunta sa dorm namin kagabi

Inubob ko nalang ang ulo ko at inintay sya. Hindi ko sya magawang puntahan sa dorm nya kasi naman yung magaling kong kakambal ay pinagbawalan ako pumunta sa kung saan bukod sa classroom namin at sa dorm

Nakakairita sya. Lagi nya nalang ako grina-grounded na parang sya na yung tatay ko

Nagagalit ba ako kapag hindi sya nagpapaalam kapag may pupuntahan sya?!

Naramdaman ko na dumating na yung apat pero hindi ako nagangat ng tingin sa kanila

"Ashley" tawag sa akin ni Rhea pero hindi ko sya pinansin

Nasaan na ba kasi yung lalaking yon? Antagal nya naman dumating. Naboboring na ako dito oh!

Nagangat ako ng tingin at itinaas ko yung kamay ko. Minanipula ko yung hangin at nagform ng bilog don at saka yon inutusan

"Inuutusan kita na pumunta kay Dane at sabihin mo na pumunta na sya dito sa room"sabi ko

Nung makita ko na gumalaw na yung hangin na bilog ay umubob na ako

Ilang minuto na akong naghihintay pero wala paring Dane na dumating hanggang sa dumating na yung prof namin ay wala parin sya

Nagumpisa ang klase namin at maya maya ako tumitingin sa pinto pero walang dumating na Dane

Nung matapos ang klase namin ay nagsitayo yung mga classmates ko at naiwan akong nakaupo

Nilapitan naman agad ako nung apat pero hindi ko sila pinansin "tara na kumain" sabi ni Eshton na hinawakan pa ang balikat ko

"Ayoko. Dito lang ako" sabi ko at hinila ang braso ko

"Ashley naman. Sorry na, nagalala lang naman talaga ako sayo eh" umupo sya sa harapan ko pero hindi ko parin sya pinansin

"Ashley, sorry din"sabi din ni Chen

"Umalis na kayo. Hindi ako sasama sa inyo. Busog pa ako"

Nagtatampo lang naman ako sa kanila eh. Lalo na sa kakambal ko. Grounded na naman kasi ako

"Ashley. Please naman oh. Hindi ka na kumain kanina kaya kumain ka naman ngayon"

Gutom na ako pero hindi non maaalis yung pagtatampo ko sa kanila

"Mamaya na ako kakain"

'Dane! Nasaan ka na ba?! Puntahan mo ako dito!' sigaw ko sa utak ko

"What's happening here?"

Parang biglang nagliwanag ang mundo ko ng marinig ko yung boses nya kaya agad akong napatayo at nilapitan sya saka niyakap

"Samahan mo ako kumain. Gutom na ako" pasimpleng bulong ko sa kanya

Nagteleport ako sa dorm namin kasama sya "What happened? Bakit hindi mo sila pinapansin?" Tanong nya

"Nagtatampo ako sa kanila"sabi ko at pumunta sa kusina.

"Ano ang nangyari?"

"Wag mo nalang alamin. Tulungan mo nalang ako magluto kasi kaninang umaga pa ako hindi nakain at gutom na gutom na talaga ako"

Nagumpisa kami magluto at saka kami sabay na kumain. Buti nalang talaga at hindi dumating yung apat kasi konti lang talaga ang niluto ko

"Gusto mo maggala?" Tanong nya

"Gusto ko pero hindi pwede kasi grounded ako ng two months" nakakainis kasi si Eshton eh

"Bakit ka naman nagrounded?"takang tanong nya

"Kasi pumunta ako sa mga dark magicians na walang paalam" sagot ko

"Anong ginawa mo don?"

"Pinarusahan ko sila. Sinubukan ko na makipagusap ng maayos sa kanila pero hindi sila nakinig sa akin kaya ginamit ko ang kapangyarihan ko para parusahan sila sa mga ginawa nila"

Nagtaka ako ng makita ko si Dane na masama ang tingin sa akin pero ng ipikit ko yung mata ko at muling imulat ay wala na syang emosyon. Baka namamalikmata lang ako

"Bakit mo naman kasi ginawa yon. Yan tuloy grounded ka" sabi nya

"Wala akong choice eh. Iginanti ko lang yung mga kakampi natin"nakangiti kong sabi

"Paano kung napahamak ka?"

"Bakit ba lagi nyong inaalala yan? Hindi pa ba sapat na nasa harapan nyo ako ngayon at buhay na buhay?"

Nagteleport nalang ako sa garden para naiwasan sya.  Baka mauwi din sa pagaaway namin yung usapan na yon

Alam ko naman na nagaalala lang sila pero hindi ba pwedeng kalimutan nalang nila yon kasi nakikita naman nila akong ligtas eh

"Tsk. Makatulog na nga lang" inis na sabi ko

Ilang oras pa naman bago ang sunod na klase namin eh kaya pwede pa akong matulog

Ipinikit ko na yung mata ko pero agad akong napamulat ng maramdaman ko na may kakaiba sa paligid ko

Nilibot ko yung mata ko at agad akong napatayo ng makakita ng isang lalaking nakatayo sa puno at may hawak na pana na nakatutok sa akin

Nung makita ko na bibitawan nya na yung pana ay agad akong nagteleport sa likod nya at tinulak sya kaya nahulog sya saka ako nagteleport sa unahan nya at nagpalabas agad ng metal sword at tinutok sa leeg nya habang nakaupo sya

"Sino ka?" Tanong ko

"Wala ka ng pakialam kung sino ako" inangat nya yung ulo nya kaya nakita ko yung mukha nya. Itim na itim ang mata nya at may malaki syang peklat sa pisngi nya

"Bakit mo ako gustong patayin?" Galit na tanong ko sa kanya

"Sa tingin mo, sino ang hindi nanaisin na patayin ka ngayon na sinira mo ang aming tahanan. Marami ang namatay sa mga kasama namin at dahil yon sayo"galit na sabi nya

"Dark magicians"bulong ko

We Are Different (Completed)Where stories live. Discover now