Chapter 23

469 22 1
                                    

Nandito pala ako sa cafeteria at syempre kumakain ako dito, alangan naman natutulog

Actually, magisa lang ako dito kasi yung apat ay nagde-date. Hindi ako sumama sa kanila kasi ayaw ko naman maging sabit

Gusto ko silang magkaroon ng alone time at wala silang iniintindi kundi ang sarili lang nila

Ewan ko ba sa mga yon kung umamin na sa isa't isa, hindi ko alam kung bakit ayaw pa agad umamin.

Ito ang mahirap sa walang lovelife eh, lagi nalang ako magisa pag nagde-date silan I'mg apat, I'm looking forward to find the right man for me

"Hello, Ashley" napatingin agad ako sa likod ko ng may bumati sa akin

"Hello" nakangiting bati ko

Ito na ba ang sign? Kanina lang sinabi ko na gusto ko na makita yung tamang lalaki para sa akin tapos biglang binati nya ako

"Pwedeng pasabay kumain, nakita ko kasi na wala kang kasama, ayaw naman kita makitang malungkot"napangiti ako sa sinabi nya

"Ano ka ba, Nate? Syempre oo na--"

"No, kasabay nya ako" napatigil ako sa pagsasalita ng may nakisabat sa sinasabi ko kay Nate

Inis akong tumingin sa pangahas na pumutol sa akin sa pagsasalita pero agad nawala yung inis ko ng makita ko na si Dane pala yon

"Pero nauna ako, so kami ang magkasabay, right Ashley?"

"Ano naman kung ikaw ang nauna. Kahit ikaw pa ang nauna, ako naman ang pipiliin nya kasi gusto nya ako, diba Xarein?"

Napanganga nalang ako sa sinabi ni Dane, hindi dahil sa gulat kundi dahil sa hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi nya

Ang kapal naman ng mukha nya para masabi nya na may gusto ako sa kanya, nararamdaman nya ba yung nararamdaman ko para masabi nya yon?!

"Sino namang baliw na nilalang ang nagsabi na may gusto ako sa assuming na katulad mo?"nakataas ang kilay na tanong ko

"Bakit hindi ba?"

"Hindi nga, hindi ako magkakagusto sayo. Ang cold cold mo tapos para ka pang walang pakialam sa paligid mo. Gwapo ka nga pero hindi ka sweet"

"Hindi mo ako gusto pero ang dami mong napansin sa akin"napaisip ako sa sinabi nya

Hindi naman porket ang dami kong napapansin sa kanya ay gusto ko na sya. Sino naman kasi ang hindi makakapansin sa kanya kung ang cold nya tapos tahimik pa

Ngumiti ako sa kanya bago sya sinamaan ng tingin "Ewan ko sayo, si Nate ang nauna kaya sa kanya ako sasabay" inirapan ko pa sya saka ko hinila na si Nate sa bilihan ng mga pagkain

"Thank you"

"Bakit ka nagpapasalamat?"takang tanong ko kay Nate

"Kasi ako ang pinili mo"

"Ahhh wala yon, naiirita lang kasi ako kay Dane eh"sagot ko

"So napipilitan ka lang?"

"Hindi ahh"sagot ko agad

"Kung hindi ka nainis kay Travis, edi hindi ka sasama sa akin" sasagot na sana ako kaso may biglang umakbay sa akin at napunta na kami sa dorm namin

"Ano ba Dane! Bitawan mo nga ako" inis na sabi ko

"Ako ang kasabay mo kumain" inis akong tinanggal yung pagkakaakbay nya sa akin pero binalik nya lang ulit yon

"May kasabay na nga ako kumain kaya bitawan mo ako"

"Meron ka na ng kasabay" babatukan ko na ito eh, alam naman pala nya na may kasabay na ako pero hila parin ng hila sa akin

"Alam mo naman pala eh kaya bitawan mo na ako"

"Ako nga ang kasabay mo, ipagluluto kita"Parang biglang nagbago ang isip ko ng marinig ko na ipagluluto nya ako

"Talaga?" Excited na tanong ko

"Oo kaya bawal ka sumabay sa lalaking yon, halika na" hinila nya na ako sa kusina at saka pinaupo sa isang upuan don

"Marunong ka ba talagang magluto, baka hindi yan masarap" aba! Malay mo, marunong syang magluto pero hindi masarap edi nasayang lang

"Magpriprisinta ba akong magluto kung hindi ako marunong. Gamitin mo ng utak mo, prinsesa ka pa naman"

Ano naman kung prinsesa ako? Hindi ba pwedeng isipin ko yung mga posibilidad na mangyari kapag nagluto sya

Sinamaan ko sya ng tingin saka ko sya hinagisan ng tubig kaya ang ending? Mukha syang basang sisiw

"Yan ang napapala mo! Malay mo, marunong kang magluto pero hindi naman masarap"

"Xarein!"sigaw nya sa akin pero imbis na matakot ay natawa pa ako sa itsyura nya

"Bakit, Dane?" Inosenteng tanong ko

"Anong bakit? Tingnan mo ang ginawa mo sa akin tapos tatanungin mo pa kung bakit?"

"Ano bang ginawa ko sayo?"hindi ko mapigilan ang mapahalakhak sa itsyura nya

"Hindi mo alam?" Unti unti syang lumapit sa akin habang nakangisi kaya napaurong ako kasama yung inuupuan ko

"Anong gagawin mo?" Kinakabahang tanong ko

Nagulat nalang ako ng niyakap nya ako ng mahigpit habang tumatawa sya "Dane, lumayo ka sa akin! Nababasa ako!" Sigaw ko pero tinawanan nya lang ako saka niyakap pa ako ng mahigpit

Napatingin nalang ako sa damit ko ng humiwalay sya sa akin at nakita ko na basa narin ito

"Alam mo na ang ginawa mo sa akin?" Nakangising tanong nya

Napangisi rin ako bago itinapat yung kamay ko sa damit ko. Hinigop ko yung tubig sa damit ko gamit ang kamay ko at saka binalik sa kanya

"Xarein!" Sigaw nya ulit kaya nagtatakbo ako paalis ng kusina

Akala nya ha! May kapangyarihan kaya ako!

Natatawa ako ng makita ko sya na lumabas ng kusina at masama ang tingin sa akin pero agad nawala ang ngiti ko ng bigla syang nawala sa kinatatayuan nya

Nawala man sya sa paningin ko ay alam ko naman na nandito sya kasi nararamdaman ko yung presensya nya sa paligid ko

"Dane, lumabas ka nga. Alam ko naman na nandito ka pa" utos ko

Pinikit ko yung mga mata ko at saka pinakiramdam yung paligid at napangiti ulit ako ng maramdaman ko na nasa likod ko sya

Mabilis kong iminulat yung mata ko at saka tumalikod pero agad akong napahinto ng maramdaman ko ang isang malambot na bagay na lumapat sa labi ko

Ang sunod na nalaman ko ay biglang lumitaw sa harap ko si Dane at nakalapat yung labi nya sa labi ko

We Are Different (Completed)Where stories live. Discover now