Chapter 69

554 19 0
                                    

Rhea POV
Dalawang taon na ang lumipas simula nung mangyari yung digmaan

Sakit, lungkot, galit. Yan yung mga naramdaman namin nung araw na yon at nung mga nagdaang araw, nung mga nagdaang taon

Bumalik sa dati ang lahat pero may kulang. Naging maayos ang academy, naging masaya ulit sila kahit na may mga namatay sa mga mahal nila sa buhay

Bumalik ang dating sigla ng academy. Masaya na ang lahat at nagpapasalamat na nakaligtas sila

Pinipilit namin maging masaya at ineenjoy nalang ang buhay namin kahit may kulang

Dalawang taon na ang lumipas at wala na ulit nanggulo sa amin mabilan nalang sa mga pasaway na taong nagaaway pero agad din namang nasusulusyonan

Masasabi ko na payapa na ang buhay namin ngayon.

May biglang yumakap sa akin at sisikuhin ko na sana ito ng bigla itong magsalita "Ang lalim na naman ng iniisip mo babe"

Si Chen, oo nga pala, kami na ni Chen. Isang taon narin ang nakalipas at ngayon ay anniversary namin.

May konting salo salo sa palasyo namin para ipagdiwang yon pero hindi ko parin maiwasan na isipin yung kulang

Si Ella at Eshton ay naging sila din pero kita parin ang lungkot nila dahil sa nangyari

"Iniisip ko lang yung nangyari" sabi ko sa kanya

Naramdaman ko na ipinatong nya yung baba nya sa balikat ko at humigpit yung yakap nya sa akin

Tungkol naman kay Ashley at Travis. Wala na sila

Sabay silang namatay nung panahon na yon. Nalaman namin kay Tita Elliza na hindi pala pwedeng magsama ang light magic at dark magic dahil parehas na mamamatay ang mga may hawak nito at ganon nga ang nangyari kila Ashley at Travis

Flash back

"No hindi pa patay ang kakambal ko, mom. Buhay pa si Ashley"umiiyak na sabi ni Eshton habang pilit na binubuhay si Ashley

Habang si Chen naman ay pilit din na ginagamot si Travis

Tumulo yung luha ko ng pumasok sa isip ko yung nangyayari.

"Ashley" sabi ko at lumapit sa katawan nito at niyugyog ito "gumising ka diyan. Nagsisinungaling lang sila diba? Hindi ka pa patay diba?"parang baliw na tanong ko sa kanya

"Ashley, hindi mo naman kami iiwan diba? Nagloloko ka lang eh. Bumangon ka na diyan. Kailangan ka pa namin"tinatapik pa ni Ella ang mukha nito

"w-wala na sila. Wala na tayong magagawa" sabi ni tita Elliza na yumakap kay Tito Dark na umiiyak na din

"No, mom! Nagsisinungaling lang kayo. Malakas ang kakambal ko. Hindi nya tayo iiwan! Diba dad?!"hindi na napigilan ni Eshton ang magtaas ng boses sa mommy nya

"Anak"tanging nasabi lang ni tita na wala na ring tigil sa pagiyak

"Ashley naman. Nagbibiro ka lang diba, kambal. Mahal mo kami at hindi mo kami iiwan" nakikiusap na sabi ni Eshton

Nanghihina akong napaupo dito sa lupa at agad naman akong nilapitan nila mom at dad at niyakap

"Mom" tawag ko sa kanya habang patuloy na umiiyak

Ang sakit! Ang sakit mawalan ng kaibigan na nakasama mo buong buhay mo. Lagi kaming magkasama eh.

At dahil sa digmaan na ito ay nawala sya! Kung alam ko lang sana edi pinigilan ko na sya sa gagawin nila ni Dane

Ang saya saya ko pa nung matalo nila si Alexander pero hindi ko naman alam na ganto pala ang ang mangyayari!

Dumadagdag pa sa sakit ang makita mo yung mga kaibigan mo na nagiiyakan dahil sa pagkawala ng matalik mong kaibigan

Hindi ko alam kung gaano kasakit ang nararamdaman ngayon ni Eshton.

Magkasama sila lagi ng kakambal nya at alam ko na mahal na mahal nya yung kakambal nya higit pa sa buhay nya

End of flashback

Naramdaman ko na naman na may tumulo na luha sa mata ko. Tuwing naaalala mo yung araw na iyon ay hindi ko maiwasan na malungkot

Dalawang matalik na kaibigan namin ang nawala, yun na siguro ang pinakamasakit na nangyari sa buhay namin

Iniharap ako sa kanya ni Chen at saka ulit ako niyakap "tumahan ka na. Nasasaktan ako kapag umiiyak ka" sabi nya

Pinunasan ko yung luha ko at pilit na ngumuti sa kanya. Dumating si Ella at si Eshton na magkasama

"Happy anniversary sa inyo" sabi nila na nakangiti

"Thank you" sabi namin ni Chen

"Tara na kumain na tayo sa loob, baka lumamig pa yung mga pagkain don" yaya ko sa kanila

Sabay sabay kaming pumasok sa loob at nadatnan namin sila mommy don na nagkwekwentuhan

"Magsiupo na kayo" sabi ni dad

Sabay sabay kaming umupo at tahimik na kumain

Malaking epekto yung pagkawala nila Travis at Ashley sa buhay namin

Parang nagbago ang lahat, yung saya sa tuwing nagkikita kita ay wala na kasi laging may kulang at hindi namin alam kung paano pupunan yung kulang

Tiningnan ko yung upuan ni Ashley lagi dito sa palasyo namin pag dumadalaw sila

Wala ng nakaupo don pero may plato at kutsara parin na nakalagay don

Nakasanayan na namin ang gawin yon para narin sa pagalala sa kanya

"Kamusta ang academy?" Tanong ni mom

"Maayos naman po. May mga pasaway parin na studyante pero nasusulusyonan naman po"sabi ni Ella

"Mabuti naman kung ganon"sabi ni tita Elliza na walang emosyon

Bihira nalang sya magkaemosyon simula nung nawala si Ashley at hindi namin lahat alam kung paano yon maibabalik

Si tito Dark naman ay mas lalong naging cold at halos hindi na magsalita

Naiintindihan naman namin sila. Kung sa amin nga na kaibigan lang nila Ashley at Dane ay nasasaktan, sila pa kayang mga magulang ni Ashley

"Kumain ka pa" sabi ni Chen na nilagyan pa ako ng kanin at ulam

Kahit anniversary namin ngayon ay hindi ko pa rin maiwasan na malungkot

Kasama namin si Ashley sa lahat ng magagandang nangyayari sa buhay namin pero ngayon ay wala sya at hindi namin alam kung nasaan sya

"Alam mo yung masakit? Yung kumakain sila pero hindi man lang nila tayo inintay"

"Biruin mo, isang araw at isang gabi lang tayong nawala pero parang kinalimutan na nila tayo"

"Bumalik nalang kaya tayo, mukha namang wala na silang pakialam sa atin eh"

"Tara, para masolo kita don"

We Are Different (Completed)Where stories live. Discover now