Chapter 21

540 23 1
                                        

"Sino ka naman para hindi pumayag?" Nakataas ang kilay na tanong ko

"Papayagan ka ba ng kuya mo?" Nakangising tanong nya

Papayagan naman siguro ako kasi mabait naman si Nate at saka wala na namang mananakita sa akin kasi nga may barrier na

"Oo naman, kilala na ni Eshton si Nate at sakalagi ko syang kapartner sa mga activity"

Kasi si Eshton ay lagi akong niyayaya maging partner sa activity pero kasi alam ko naman na gusto nya maging partner si Ella kaya umaayaw ako tapos lumalapit naman si Nate

"Hindi ka naman mageenjoy kasama sya" paano nya naman nalaman, sya ba ako?!

"Paano ka nakakasigurado?"

"Kasi manggugulo ako" kumain na ulit sya habang ako ay nakakunot ang noo sa kanya

"Ewan ko sayo"kumain nalang ulit ako ng burger at nung maubos ko yon ay kinain ko na yung cake

Ang sarap! Sino kaya ang nagluto nito? Ang galing nya naman magluto. Hindi kasi ako magaling magbake ng cake. Nung huli akong nagluto ay sunog tapos yung iba ay matabang o kaya naman ay sobrang tamis

"Ang amos mo kumain" nagulat nalang ako ng hawakan nya ang gilid ng labi ko at parang pinunasan yon

"Thank you" nahihiyang sabi ko

Pinagpatuloy ko na ulit yung pagkain ko at sinigurado ko na hindi na ako magiging maamos

Nung matapos kami kumain ng cake ay dinala ko yung fries ko at pati narin sya papunta sa laruan

"Dun tayo" excited ko pang tinuro yung kuhanan ng teddy bear

"Para kang bata" sabi nya pero hinila nya rin naman papunta don

Ano bang masama sa paglalaro non? Hindi naman masayang magsaya ahh. Kung masaya ka sa gawain mo ng bata ka eh bakit mo titigilan kung yung parin ang ikakasaya mo kahit matanda ka na

"Bili ka muna ng tokens, libre mo huh?"

Sa mga napapanood ko kasi ay yung lalaki ang laging nanlilibre kapag may kasamang babae

"Hinila mo ako dito tapos ako pa yung bibili. Sinama mo lang ata ako para magpalibre eh"puro nalang sya reklamo eh nagsaya rin naman sya ah

"Aisshhh, ako na nga lang"pupunta na dapat ako sa bilihan ng hilahin nya ako pabalik at saka sya ang pumunta don

Bibili rin naman pala sya! Gusto ko lang naman maranasan na may nanlilibre sa akin bukod sa kuya ko

Ang tagal naman non! Ilang minuto na sya don eh, magisa lang naman syang pumuli. Nakikipag-flirt pa ata!

Inis akong lumapit sa kanya at nagtaka ako ng mapansin ko na nakakunot ang noo nya

"Ang tagal mo naman" nagtaka pa ako ng humarap sya sa akin na halatang naiinis

"Ayaw kasi akong bigyan ng babeng ito ng two thousands pesos na tokens. Babayaran ko naman"halos mapatawa ako sa reklamo nya

Anong gagawin nya sa two thousands pesos na tokens?!

"Tumabi ka nga diyan" bahagya ko pa syang tinulak at saka ako ngumiti sa babae " One hundred pesos nga po"

"Eto po" tumingin ako kay Dane ba nakakunot parin ang noo "pahingi ng one hundred" nilahad ko pa ang kamay ko at saka ko sya nginitian

Kinuha nya yung wallet nya sa bulsa nya at nagulat ako ng black card ang binigay nya sa akin

"Woaah, may black card ka" kokonti lang kasi ang may black card

Nakakakuha ng black card kung tatanggapin mo yung challenge ni hm at mananalo ka don

Sinubok namin yon at halos pagsisihan ko na ginawa ko yon. Binigyan kasi ako ng ten na apple non tapos kailanga ko raw yon ubusin

Tuwang tuwa pa ako non kasi sabi ko ang dali tapos pagkagat ko ay halos iluwa ko yon kasi sobrang anghang. Naiyak na ako non habang pilit na inuubos yung ten na apple at nagawa ko naman. Bawal gumamit ng kapangyarihan don

Espesyal kasi yung na black card kasi sabi ni hm ay pwede naming bilhin ang kahit ano gamit yon kasi marami yong laman na pera pero may limitations

"Bakit ikaw lang ba ang pwede magkaroon nyan?" Nakakairita na ito ahhh

"Ewan ko sayo" binigay ko yung card don sa babae at binalik nya naman agad yon pagkatapos bawasan yung laman non

"Tara na" excited na hinila ko sya papunta don sa mga teddy bear

Naglaro agad ako at pilit na kinukuha yung baboy na teddy bear pero nakalimang beses na ay wala parin

"Ang bulok mo! Ako nga" tinulak ako ni Dane at sya yung naglaro

"Bulok ka rin naman. Tingnan mo, apat na beses ka ng naglalaro pero wala ka paring nakukuha" tinatawanan ko lang sya kasi mukhang inis na inis na sya

Ang daya kasi ng laro na ito, ayaw kumapit. Pag nasa taas na sya ay parang lumuluwag kaya nahuhulog ulit

"May daya ito!" Inis na sabi nya

Aha! Alam ko na! Minanipula ko yung hangin sa loob ng machine at saka pinalutang yon papunta sa butas at syempre nahulog na sya

Tuwang tuwa akong kinuha yung teddy bear na baboy at saka niyakap yon

"Kuya, magkano ito? Kinuha ko lang po kasi sya gamit ang hangin so babayaran ko nalang po" sabi ko don sa nakita ko na lalaking nagbabantay

Aang sama ko naman kung hindi ko ito babayaran, kinuha ko lang kasi basta ito

"Wag na po prinsesa, regalo ko nalang po yan sayo" malapad akong napangiti dahil sa sinabi nya

"Thank you po"masayang sabi ko

"Tara na, may pupuntahan tayo" nagulat ako ng hilahin ako palabas ni Dane pero bago kami tuluyang makalabas ay kinalabit ko yung isang bata don at saka binigay ko yung natirang tokens

"Saan ba tayo pupunta?" Kanina pa kami paikot ikot dito sa loob ng mall pero wala naman kaming pinupuntahan

"Doon" turo nya sa isang bilihan ng teddy bear? Ano na naman ba ang gagawin nya diyan?

"Bibili ka?" Takang tanong ko

"Oo" nagumpisa sya maghanap ng hindi ko alam kung anong uti ng teddy bear, basta ako ay pinapanood lang sya sa paghahanap

Baboy na teddy bear? Anong gagawin na naman nya don? Kumuha sya non tapos lumapit sa akin at nagulat ako ng inagaw nya yung hawak kong teddy bear

"Akin yan" inagaw ko sa kanya pero nilayo nya lang saka binigay sa akin yung isa pang teddy bear

"Ito nalang sayo, ang panget nyang teddy bear na bigay nung lalaki. Hindi ka dapat basta basta natanggap ng mga gamit na galing sa taong hindi mo kilala"inabot nya sa akin yung teddy bear na mas malaki pa sa binigay nung lalaki kanina

We Are Different (Completed)Where stories live. Discover now