Chapter 15

673 24 0
                                        

Ella POV
Nagpatuloy kami sa pagiimbestiga sa mga may pangalang prince pero natapos na namin lahat ay wala kaming nakuhang sagot

Lahat sila walang alam sa pangyayari at napatunayan nila yon sa amin, hinahanapan namin sila ng butas at kung ano ano ang tinatanong namin pero nasasagot nila yon agad na walang alinlangan

Dahil narin sa wala kaming mahanap sa pageembistiga namin ay bumalik kami sa clinic para dalawin si Ashley

Halos hindi na kami pumapasok sa mga klase namin kasi lagi nalang kaming nandito, si Travis ay hindi ko alam kung nasaan kasi hindi ko na sya nakikita simula nung madatnan namin sya dito, nung unang araw ni Ashley dito sa clinic

Sobra na akong nagaalala sa mga kaibigan ko kasi nakikita ko na nahihirapan din sila sa mga nangyayari

Alam ko na si Eshton yung pinakanahihirapan sa amin kasi sya yung kakambal ni Ashley at kung ako yung nasa kalagayan nya ay baka hindi ko narin alam ang gagawin ko

Lagi ring may napunta dito na mga studyante dito para bumisita at makibalita kung kamusta si Ashley at ang lagi naming sinasagot ay magiging maayos din sya

"Sa tingin nyo sino ang gumawa nito sa kanya?"tanong ni Rhea

Walang nakasagot sa amin kasi wala kaming alam na posibleng gumawa nito sa kanya, wala naman syang nakaaway

"Kausapin kaya natin ang mga magulang natin" sabi ni Chen

"Oo nga baka may maitulong sila"

"Teka asan nga pala si Travis, hindi ko na sya nakikita"sabi ni Chen

Napansin din pala nya na hindi nagpapakita si Travis, simula nung pumasok sya dito lagi na namin syang kasama at minsan pa nga ay sa dorm namin sya natutulog kaya nakakapagtaka kung wala sya

"Baka marami lang ang ginagawa at saka pumapasok sya sa klase natin" sabi ni Rhea

"Hindi narin naman kaso tayo napasok sa klase natin eh buti nga hindi tayo napapagalitan"sagot ko nalang at saka naisandal ko nalang yung likod ko sa sandalan nitong upuan

"Miss ko na si Ashley, ilang araw ko na syang hindi maririnig na magsalita"

"Ilang araw na syang tulog"

"Kelan ba sya gigising?"

"Malakas sya kaya kakayanin mya yung lason sa katawan nya"pagpapalakas ko ng loob kay Chen at Rhea

Nanatiling tahimik si Eshton na nakatingin kay Ashley. Mahal na mahal nya talaga ang kapatid nya

Nung isang araw ay nagulat nalang kami ng pumunta sya sa library at nung tinanong namin sya ku g bakir sya pumunta don ay sinabi nya naghahanap sya ng paraan para mapagaling si Ashley

Kahit sinabi na samin na wala ng paraan para magamot si Ashley kundi ang sarili nya ay hindi parin tumitigil sa paghahanap si Eshton sa pwedeng gawin

Naghanap sya ng naghanap pero kagaya ng sinabi nung healer ay wala syang nahanap para makatulong kay Ashley

"Ashley gumising ka na" bulong ko

Ashley POV
Nagising ako sa pagkakatulog ko na umiikot ang paningin ko dahil nahihilo ako kaya ipinikit kong muli ang mata ko at saka ito iminulat para mawala ang hilong nararamdaman ko

Nadatnan ko ang isang puting kisame kaya nilibot ko yung paningin ko at nakita ko sila Eshton na naguusap

"Eshton" nanghihinang sambit ko, nahihirapan akong magsalita kasi parang may nakabara sa lalamunan ko

Pakiramdam ko ay tumalon ako sa mataas na building at walang sumalo sa akin kundi ang semento at nagkalasog lasog ang katawan ko dahil sa sobrang sakit nito

Pakiramdam ko lahat ng parte ng katawan ko ay nakirot at hindi ko ito maayos na maigalaw, kahit ang pagbuka ng bibig ko ay nahihirapan ako

"Ashley" bulong ni Eshton at sabay sabay silang apat na humarap sa akin

"Ashley, buti naman gumising ka na" masayang sabi ni Rhea habang naluluha pa

Imbis na magsalita ay ginamit ko yung isip ko at ikinonekta sa kanila para don ko nalang sila kausapin

'ang sakit ng katawan ko'daing ko sa kanila

"Baka dahil yan sa lason sa katawan mo" sagot sa akin ni Eshton

'anong lason' takang tanong ko

"Ang pana na ginamit sayo ay may lason, hindi kayang tanggalin yan ng mga healer kahit sila mommy ay sinubukan na rin pero walang nagawa dahil sabi nila ay ikaw lang daw ang makakapagtanggal nyan" paliwanag nya ulit

"Alam mo ba na pinagalala mo kami at ilang araw kang tulog!"sabi naman ni Ella

'sino ang nagpana sa akin?'

Kailangan ko malaman kung sino at bakit nya ginawa yon. Imposible na wala syang dahilan para panain ako. Muntik na ako mamatay at masakit ang buong katawan ko ngayon kaya pagumayos na yung pakiramdam ko ay hahanapin ko sya

"Walang nakakaalam, we tried to investigate pero wala kaming nakuha kung hindi ang pana at ang Keychain na may nakasulat na prince"sabi ni Chen na ikinataka ko

Anong connect nung keychain sa kalagayan ko ngayon? Saka sinong prince? Ang alam ko ay dalawa lang ang prinsepe dito, sila Eshton at Chen

"Hinanap namin ang may mga pangalang prince dito at lahat sila ay walang alam at napatunayan nila yon"sabi namin ni Rhea

'Maaring wala sa academy ang pumana sa akin'sagot ko sa kanila sa isip ko

"Posible nga, kailangan nating magimbestiga sa labas nitong academy" sabi ni Ella

Sino ang babalakin na patayin ako kung alam nila na isa ako s mga prinsesa at ang pinakamalakas sa mundong ito

Mas malakas pa ako sa mommy ko kahit halos parehas lang kami ng kapangyarihan kasi yung fire nya at ni daddy ay pinagsama kaya naging blue fire yung sa akin

'Dark magicians' siguradong sabi ko

Nakita ko naman na natigilan sila at mukhang napaisip hanggang sa sabay sabay nilang isigaw yung salitang "oo nga!"

Kung tama ang hinala nila na may dark magicians pa dito edi ibig sabihin ay pwedeng sila ang gumawa nito sa akin

"Sakim ang mga dark magicians kaya posible na sila talaga ang nagtankang pumatay sayo dahil ikaw ang pinakamalakas dito. Kapag nawala ka na ay mas malaki ang tyansa na mapamunuan nila ang mundong ito"sabi ni Eshton

"Kailangan natin paghandaan sila, at kailangan narin natin na siguraduhin kung may dark magicians pa nga"

We Are Different (Completed)Where stories live. Discover now