Chapter 26

466 24 1
                                    

Alam nyo ba kung nasaan ako ngayon?

Nandito lang naman ako sa dorm ng magnanakaw ng halik na si Dane

Bakit ako nandito? Simple lang, blinack mail lang naman ako kay Dane na sasabihin nya sa magulang ko na boyfriend ko sya kapag hindi ko sinunod yung mga utos nya

Biruin nyo, prinsesa ako pero pinaglilinis lang ako ng isang normal na studyante dito sa academy

Matatanggap ko pa kung prinsepe din sya eh pero hindi!!

"Bilisan mo magligpit diyan, ang bagal mo kumilos!!" Rinig kong sigaw nya

Nandito kasi ako sa kusina nila at nagliligpit habang sya ay nakaupo lang sa sala at nanonood

Kung hindi nya lang talaga sasabihin sa magulang ko na boyfriend ko sya ay hindi ako maglilinis dito

"Magintay ka nga diyan, isusumbong kita kila daddy! Pinaglilinis mo ako!!" Sigaw ko rin pabalik

"Edi magsumbong ka! Sasabihin ko sa kanila na girlfriend kita at hinalikan mo ako"sinundan nya pa ito ng nakakainis na tawa

"Ang kapal din naman ng mukha mo no? Ikaw ang nanghalik, hindi ako! Mas gugustuhin ko pa halikan si Nate at yung ibang classmates natin kesa sayo!"

Aba! Wala na akong pakialam kahit nagsisigawan na kami at may makarinig na sa amin. Basta hindi ako magpapatalo sa lalaking yan

Nagulat nalang ako ng bigla nalang sya lumitaw sa gilid ko kaya halos mapatalon ako palayo

"Ano ba?! Papatayin mo ba ako sa gulat?!" Inis na tanong ko pero sinamaan nya ako ng tingin

"Pakiulit nga ang sinabi mo"

"Alin don? Marami yon eh. Yung sa isusumbong kita sa daddy ko o yung makapal ang mukha mo o yung mas gugustuhin ko na halikan yung mga classmates natin kesa sayo?"

Nagulat nalang ulit ako ng hawakan nya yung magkabilang pisngi ko at saka ako tiningnan ng mas masama pa kesa sa una

Pakiramdam ko ay hindi ako makagalaw. Literal na hindi makagalaw!! Pinipilit ko gumalaw pero hindi ako makagalaw kahit ang mga mata ko ay nananatili ang tingin sa kanya at hindi ko maiiwas

"Hindi ka magpapahalik kahit kanino, kundi sa akin lang kasi akin ka lang. Naiintindihan mo ba? Papatayin ko ang lahat ng hahalik at hahawak sayo. Tandaan mo yan?"nanlaki ang mata ko hindi dahil sa sinabi nya kundi dahil hinalikan nya na naman ako at sa pagkakataon na yon ay mas pinilit ko na igalaw ang katawan ko para itulak sya at nagawa ko naman

"Pervert!! Kinuha mo na nga ang first kiss ko tapos kinuha mo pa ang second"pagkatapos ko yung sabihin ay sinapak ko sya sa mukha nya

Aalis na sana ako ng makita ko yung dalawa nya pang kadorm na nanonood sa amin habang natatawa

"Sinong nagpahinto ng katawan ko?" Inis na tanong ko

Aba! Hindi ako papayag na hindi ako makakaganti sa kanya. Dahil sa kanya ay nawala ang second kiss ko!!

Tumingin yung isang lalaki don sa isa pang lalaki na nakatingin sa akin na parang kinakabahan kaya nginisian ko sya

Pinagyelo ko ang kalhati ng katawan nya. Simula bewang hanggang paa "yan ang napapala mo. Enjoy" sabi ko at kinindatan ko pa sya

"Hoy, Xarein!! Bakit mo sya kinindatan? Ako lang ang dapat mong kinikindatan!!"rinig kong sigaw ni Dane kaya naman binato ko sya ng fire ball saka ako tuluyang lumabas sa dorm nila

Ella's POV

Kagaya ng sinabi ni Eshton ay binigyan nya nga ako ng punishment ngayon kaya eto ako nagdudusa

Kaming tatlo ay nabigyan ng punishment at wala kaming nagawa kasi blinack mail nila kami. Kung ano ano ang sinabi nila para mapapayag kami

Ginawa lang naman akong personal maid ni Eshton at kanina pa ako inis na inis

"Kuha mo ako tubig" utos nya

Sinamaan ko muna sya ng tingin saka ako tumayo at kinuha sya ng tubig "ayan na" sabi ko at nilapag ang tubig sa harapan nya

"Subuan mo ako ng pagkain"

"Wala ka bang kamay? Anong silbi ng kamay mo kung hindi mo rin naman pala gagamitin?! Edi sana pinutol mo nalang yang kamay na yan dahil wala rin naman palang silbi"galit na sabi ko

"Kukunin ko ang first kiss mo"agad kong kinuha yung kutsyara nya saka sya sinubuan

Yan ang lagi nyang sinasabi. Dahil ayoko na mawala ang first kiss ko ay sinusunod ko sya

Alam ko na kaya nya yung gawin kaya naman sinusunod ko nalang ang sinasabi nya. Mas malakas parin sya sa akin

Pero dahil ako si Ella at hindi ako papayag na matatalo ako ay dinamihan ko yung pagkuha ng pagkain at sinubo sa kanya yun lahat kaya halos mabulunan sya kung hindi sya uminom ng tubig

"Papatayin mo ba ako? Gusto mo ba mawalan ng mapapangasawa? Gusto mo ba na tumandang dalaga?"

"Ang kapal mo naman! Paano mo naman nasabi na ikaw ang mapapangasawa ko huh? Wala pang propesiya na lumalabas kaya ibig sabihin ay pwede ko pang mapangasawa yung taong gusto kong mapangasawa"

"Sa tingin mo hahayaan kita? Baby, akin ka lang at hindi ko hahayaan na may makalapit sayong ibang lalaki para agawin ka sa akin"

Rhea's POV

Alam nyo ba kung ano ang punishment ko?

Magprepretend lang naman ako na girlfriend nya sa loob ng one week!!

Wala akong magawa don kasi blinack mail nya ako na ipagkakalat nya sa buong academy na isip bata daw ako at nagsusumbong pa daw sa magulang

Nakakairita sya! At alam nyo ba kung ano ang mas nakakairita? Yung mga pangiinis nya sa akin

"Hon, lumapit ka nga sa akin" yan! Lagi nya akong tinatawag na hon

Sobrang feel na feel nya!

"Ilang beses ko bang sinabi na tigilan mo ang pagtawag sa akin ng hon?!"

"Maraming beses na rin hon, bakit mo naitanong?"pangiinis nya pa kaya binato ko sa kanya yung hawak kong remote na sinalo nya lang naman

"Nakakairita ka na, lumayo layo ka nga sa akin"

"Ayoko nga, boyfriend mo ako diba?"

"Pretend boyfriend!"

"Kahit na, magiging boyfriend mo rin naman ako"

Oh diba feel na feel nya habang ako inis na inis na sa kanya kasi may iba akong nararamdaman kapag nagsasabi sya ng mga ganyan

Parang kinikilig ako

"Bwisit ka!" Nagulat nalang ako ng nagkasabay sabay kami ng salita nila Ella at Ashley

Si Ella ay galing sa kusina habang si Ashley ay kakapasok lang sa dorm habang kasunod nila si Eshton at Travis

We Are Different (Completed)Where stories live. Discover now