Chapter 22

505 23 0
                                    

Napapangiti akong tinitigan yung teddy bear na nasa higaan ko, ano kayang ipapangalan ko dito?

Baboy? Palaka? Aso? Baka? Haysss, baboy nga ito hindi kung ano ano mang hayop! Wait, alam ko na! Dahil galing ito kay Dane at sa akin nya ito binigay, ipapangalan ko ito sa amin

DaneandXarein? Xada? Darein! Oo nga maganda naman yung Darein diba?

"Hi Darein, katabi kita matulog huh?" Pagkausap ko dito na parang naiintindihan ako nito

Humiga nalang ako saka niyakap sya tapos natulog na. Kinabukasan ay maaga akong gumising para magluto ng pagkain namin

Nung matapos ako magluto ay naligo muna ako bago lumabas ulit ng kwarto para kumain at nadatnan ko naman sila na nasa lamesa na

"Ang tagal mo naman, kanina ka pa namin inaantay"ang sarap talaga batukan nitong si Chen

"Hoy! For your information, ako ang nagluto ng mga pagkain na yan. Inuna ko yan saka palang ako nagayos ng sarili ko"

"Sorry na po"umarte pa syang parang bata na nakalapat ang mga kamay at nakatingin sa akin habang pumipikit ng ilang beses

"Yakkk! Chen, tigila mo yan. Hindi bagay sayo!" Hinampas pa ni Rhea si Chen sa balikat

"Okay lang yan, mahal mo naman ako eh"ngumisi pa ito

"Asa ka pa!"umarte pa si Rhea na parang nasusuka

Napatahimik nalang si Chen at saka kumain nalang. Alam ko na nasaktan yan sa sinabi ni Rhea. Bakit kasi hindi nalang sila magaminan ng feelings nila sa isa't isa? Lagi nalang nila tinatanggi

"Kumain na nga tayo, nagugutom na ako" sabi ko para makuha yung atensyon nila kasi tumahimik solang apat

Kumuha nalang ako ng pagkain ko at saka kumain na, ganon din sila pwera nalang kay Chen na nauna na kumain

Pagkatapos naming kumain ay sabay sabay kaming lumabas at naglakad na papunta sa room namin

"Pwede ko ba muna mahiram si Xarein?" Bungad sa amin ni Dane nung papasok na sana kami room

"Bakit?" Takang tanong ko

"Basta" tumingin sya kay Eshton na parang nagtatanong

"Okay, pero ingatan mo yan. Pagyan nasugatan kahit maliit, lagot ka sa akin"pinakita pa ni Eshton yung apoy nya sa kamay kaya hinila ko na si Dane paalis don at papunta sa garden

"Anong kailangan mo?" Umupo ako sa ilalim ng puno at tumabi naman sya

May kinuha sya sa bulsa nya "ibibigay ko lang ito, regalo ko sayo" ipinakita nya sa akin ang isang itim na kwintas na may pendant na heart na itim

"Hindi ko naman birthday ahh" walang okasyon ngayon kaya bakit sya magbibigay ng regalo?

"Hindi kailangan ng okasyon para magregalo. Pwede kang magbigay ng regalo sa isang taong importante sayo kahit walang okasyon"natigilan ako habang nakatingin lang sa kanya

"Im-importante ako sayo?" Naguguluhang tanong ko

"Oo higit pa sa kaibigan" ngumiti sya sa akin at isinuot yung kwintas sa leeg ko

Higit pa sa kaibigan? Isa lang ang alam ko na higit sa kaibigan pero ayoko mag-assume

Tiningnan ko na lang yung kwintas sa leeg ko, maganda sya pero ang weird ng kulay nya kasi black. Ngayon lang ako nakakita ng kwintas na black

"Itago mo yan sa kanila at mangako ka na hinding hindi mo yan tatanggalin" tumingin ako sa kanya na naguguluhan pero pagtingin ko sa kanya ay parang nawala ako sa sarili na tumango

"Pangako" inilagay ko ang kwintas ko sa loob ng damit ko habang sinasabi sa sarili ko na hindi ko yon tatanggalin kahit anong mangyari

"Good! Tara na sa room baka nandon na ang prof natin ngayon" tumayo sya at inilahad sa akin ang kamay nya kaya tininggap ko yon saka don kumuha ng pwersa para tumayo

Sabay kaming naglakad papunta sa room habang hindi nya parin binibitawan ang kamay ko.

Nung makarating kami sa room ay bumitaw ako sa pagkakahawak nya saka lumapit kila Eshton na nakatingin sa akin

"Anong ginawa nyo?" Tanong ni Ella

Wala sa sariling napatingin ako sa likod nila at nakita ko don si Dane na bahagyang umiling

"Sa cafeteria lang, ku-kumain lang kami" dahilan ko

Ang weird lang ni Dane kasi ayaw nya ipasabi na binigyan nya ako ng kwintas, nahihiya ba sya?

"Maupo ka na, baka dumating na si prof" umupo ako sa upuan ko saka wala sa sariling napahawak sa dibdib ko para kapain yung kwintas

Nang dumating na si prof ay nagsitayuan kami para bumati at magbigay galang. Nagumpisa ang klase namin at nakinig lang ako hanggang sa matapos ang klase at labasan na kami para kumain

"Sa cafeteria nalang tayo kumain" nagsipuntahan kaming anim sa cafeteria at yung tatlong lalaki ang umorder ng pagkain namin

"Nilibre na kita ng pagkain mo" inilapag ni Dane yung pagkain sa lamesa ko at napatitig naman ako dito

"Anong tawag dito?" Wala sa sariling tanong ko

"Hindi ko rin alam"natatawang sabi ni Dane

Pagkain ba talag ito? Color brown sya na may nakalagay na ibat ibang uri ng kulay green na dahon

"Kumain ka nalang Ashley, ilang taon na tayong nakain dito pero hindi ka parin nasanay sa pagkain dito"natatawang sabi ni Rhea

Inilagay ko yung kutsyara ko sa pagkain saka iniangat yon na may laman na at tinitigan ko

Napangiwi nalang ako sa itsyura non "sigurado ka ba na pagkain ito, Dane?"

"Nakalagay yan don so yan nalang ang binili ko. Parehas lang tayo ng pagkain"

Kinain ko nalang yung nasa kutsyara ko at agad na nailuwa ko ito sa plato ng malasahang sobrang pait nito

"Yakkk, kadiri ka Ashley" nakangiwing sabi ni Rhea

"Ang pait" inagaw ko yung bottled water ni Dane saka yon ininom "ayoko na nyan"

"Hahaha, ibibili nalang kita ng bago" napatitig kaming lahat kay Dane na parang nagtatakang nakatingin sa amin

"Tumawa ka!" Hindi ako pwedeng magkamali, sya yung tumawa! First time yon

"Bawal na ba tumawa ngayon, tao rin naman ako ahh"

"Hoy, wag kang assuming. Hindi ka tao, magician ka"sabi ko

"Edi magician"

"Bibili lang ako ng pagkain ko"tumayo na ako pero pinigilan ako no Dane

"Ako na" sabi nya saka pumunta na sa bilihan ng pagkain

"Kayo na ang sweet" parang kinikilig pang sabi ni Ella

We Are Different (Completed)Where stories live. Discover now