Chapter 35

503 23 3
                                        

"Dito nalang muna tayo magpahinga" sabi ni Eshton pagkababa namin sa isang patag na lupa

"Oo nga napapagod narin ako eh" sabi ko at umupo sa damuhan

"Kung makapagreklamo ka naman ay parang ang haba ng nilakad mo eh samantalang nakaupo ka lang naman sa bubble mo"puna ni Rhea kaya napairap ako

"Bakit hindi ba pwedeng mapagod ako sa pagupo?"

"Matulog nalang tayo para makapaglakbay tayo bukas ng maaga"sabi ni Ella

Dahil sa ayoko na makita pa silang magkakasama at sweet, isama narin na naiinggit ako ay kaming tatlo lang na babae ang pinalibutan ko ng metal shield at hinayaan ko yung dalawa sa labas. Tsk, kaya naman nilang gumawa ng kanila

Naglagay ako ng light power sa tabi ng mga metal shield namin para maliwanag

"Oh bakit hindi mo sila sinama?" Tanong ni Rhea habang nakakunot pa ang noo

"Wala lang"nagpalabas ako ng hangin at saka pinalibot sa amin para hindi kami maubusan ng hininga

"Bitter" rinig kong bulong ni Ella at saka sila nagtawanan kaya napairap nalang ako

Gumawa ako ng bubble na korteng higaan saka kami nahiga don

Hindi basta basta naputok itong bubble na ito kasi matibay ito at ginagamit ko ito in case of emergency

Natulog nalang kami pero nagising ako sa kalampag sa labas. Hindi sya basta ingay kasi alam ko na may pumipilit sirain yung shield namin

Niyugyug ko yung dalawa "gising, may sumisira ng shield natin"

"Maya na, inaantok pa ako" sabi ni Ella at umayos pa ng higa

"Oo nga" sabi naman ni Rhea na naghikab pa

Napatampal nalang ako ng noo ko at hinayaan ko na sila. Tinanggal ko yung metal shield na nakapalibot sa amin at saka ko pinatamaan yung mga mukhang halimaw na kalaban

Agad kong nilagyan ulit ng metal shield yung dalawang mahimbing parin na natutulog

Tsk! May mga kalaban pero natutulog parin sila tapos sila Eshton naman ata ay hindi nakakaramdam. Hinahayaan nila akong lumaban magisa!

"Ano na naman ba ang problema  nyo huh? Natutulog pa kami tapos ginagambala nyo! Hindi ba kayo makapagintay na magising kami?"inis na tanong ko sa kanila pero sila ay wala man lang sinabi

Naiinis na nga ako na kulang ang tulog ko tapos dumagdag pa sa inis ko ang hindi nila pagsagot sa akin. May mga bibig naman sila ahh. Aanohin nila ang mga bibig nila kung hindi naman pala nila ginagamit!

Sabay sabay silang tumakbo papunta sa akin kaya medyo napaurong ako. Aba! Apat kaya sila at magisa lang ako kaya syempre hindi ko sila malalabanan ng sabay sabay

Agad kong pinalabas ang pakpak ko saka lumipad pataas. "Teka naman! Isa isa lang naman kayong sumugod. Magisa lang ako tapos apat kayo, marunong ba kayong magbilang?"

Pinagbabato ko sila ng mga air gem ko habang nasa taas ako pero nagulat nalang ako ng bigla nalang silang nagkaroon ng pakpak

"Oh my gosh, halimaw na may pakpak! Anong tawag sa inyo? Monsters with wings? Tsk, parang napkin lang"sabi ko

Gumawa ako ng mga ice spikes at ipinagbabato sa kanila pero nagulat nalang ako ng hindi yon tumama sa kanila bagkus ay bumalik sa akin

Lumipad pa ako paitaas para maiwasan yung mga yelo at saka binato sila ng fire ball pero kumumpas lang yung isa ay bumalik sa akin lahat kaya todo iwas ako

Shit, hindi ako pwedeng gumamit ng kapangyarihan kasi ginagamit din nilanito laban sa akin

"Wala ba kayong kapangyarihan? Bakit yung akin yung ginagamit nyo?" Inis na tanong ko pero agad na naging alerto ng lumipad sila palapit sa akin

Agad akong nagpalabas ng metal sword at nagpadaloy ako ng electricity dito para makuryente din sila once na tumama ito sa kanila

"Kanina pa ako naiirita sa inyo eh, hindi ko naman kayo inaano pero inistorbo nyo ang tulog ko"

Agad akong nakipaglaban gamit ang sword ko at sila naman ay gamit ang mga kamay nila

Kahit wala silang gamit na sword ay nagagawa parin nila akong saktan dahil sa matutulis nilang kuko. Tsk! Mga hindi marunong maggupit ng kuko

"Arayy ko ahhh" reklamo ko ng masugatan ako nung isa sa braso

"Grrrrrrr" ungol nya

"Tsk anong silbi ng bibig mo kung ungol lang naman ang nailalabas nyan"sabay saksak sa dibdib nya at nung hinugot ko yung sword ay bumaksak sya sa lupa

One down!

"Grrrrrr" ungol ulit nung isa

"Tatlo nalang kayo" sabi ko saka sumugod sa pinakamalapit sa akin ay saka nakipaglaban at syempre talo sya hahahaha

Two down!

Lumapit ako ulit don sa isa at nakipaglaban pero bumulusok ako sa lupa ng sipain ako ng isa

Ang sakit! Ang lakas ng pagkakasipa nya ahhh. Babae ako! Babae!

Hindi pa ako nakakatayo ng biglang may umapak sa likod ko at parang binabali ang mga buto ko don

"Eshtonnnnnnn!!!!!!" Malakas na sigaw ko

"What the hell is happening here?!"Bwisit! Nagtanong pa talaga eh nakikita nya naman ako. May pa english pang nalalaman!

"Tu-tulungan mo a-ako" nahihirapang sabi ko habang masama ang tingin sa kanya

"Sinaktan mo ang kakambal ko!" Hindi ba obvious Eshton? Kitang kita naman eh kaya bakit kailangan mo pa sabihin. Tulungan mo nalang ako!

"Ahhhh" daing ko ng mas tinapakan pa ako ng halimaw

Pinaapoy ko yung katapon ko para mapaso yung halimaw pero mukha atang manhid ito kasi wala syang nararamdaman jahit ginamit ko na yung kuryente ko

Nakahinga ako ng ayos ng biglang tumalsik yung halimaw pero agad din yon nawala ng madaganan ako ng paa ng halimaw

Nakita ko na nilalabanan ni Ella at Rhea yung isang halimaw habang si Eshton at Chen naman ay sa halimaw na nakadagan sa akin

Naiirita na ako sa halimaw na ito ahh!!! Alam nya ba kung gaano sya kabigat?

"Y-yung pa-paa" nahihirapang sabi ko

Pinagtulungan nila Eshton at Chen na tanggalin ang paa ng patay na halimaw sa akin at nung matanggal nila ay agad na lumapit si Eshton sa akin at saka inalalayan tumayo

Natalo rin nila Ella yung isang halimaw kaya lumapit silang lahat sa akin habang ako ay nakahawak kay Eshton dahil nanghihina pa ako

"Ang dami mong sugat!" Sabi ni Rhea matapos akong ikutan

"Patay tayo kay Travis, nasugatan sya. Sabi pa naman non ay wag natin sya hahayaang masugatan" parang nagpapanic na sabi ni Ella kaya napabuntong hininga nalang ako

Hindi ba nila naisip na may kapangyarihan kami at kaya ng iba sa amin na gumamot ng mga sugat?

Tumingin ako kay Eshton "gamutin mo ako, hindi ko kayang gamutin ang sarili ko ngayon kasi nanghihina pa ako"sabi ko at pinakita yung mga sugat ko na agad nya namang ginamot

"Maghanap na ulit tayo" sabi ni Chen

We Are Different (Completed)Where stories live. Discover now