Nandito kami sa room namin at ang gagawin naman namin ngayon ay training, ang alam ko ay nagpatraining sila kasi sinabi nila mommy na hindi pa nila sure kung wala na talagang dark magicians
Nasabi na yon sa mga studyante dito at luckily, walang umalis. Sabi nila ay handa daw sila na lumaban kung may dark magicians pa daw
"Pupunta tayo ngayon sa field para don gawin ang training nyo kaya tara na"sabi nya at nagteleport na
Sabay sabay kaming naglakad papunta sa field at nung makarating kami don ay nakita namin si prof na nakatayo sa gitna
"Ang una nyong gagawin ay ang tumakbo paikot dito sa field ng limang beses"halos lahat kami ay napanganga sa sinabi nya
Limang beses? Eh halos mas malaki pa itong field sa mga mall na malalaki eh tapos iikutin pa namin ng limang beses
"Kailangan paunahan kayo makabalik dito at syempre kailangan nyo maglaban laban para kayo ang mauna"sabi nya na mas lalong nagpagulat sa amin
Tatakbo na nga kami tapos maglalaban pa, ano nalang mangyayari sa amin nito kung limang beses pa kaming iikot?
"Maari na kayong magumpisa" sa sinabing yon ni prof ay agad silang nagtakbuhan samantalang ako ay nakatayo lang dito
Nakita ko kung paano sila naglaban laban ngunit walang ginagamit na mga abilities kasi hindi kami makakagamit ng kapangyarihan kasi may ginawa si prof para pigilan yon
Marami na sa kanila ang bumabagsak sa lupa dahil sa paglalaban nila at nakita ko na yung mga royalties ang nangunguna sa takbuhan pero naglaban laban din sila kaya ayun mga napatigil sa pagtakbo
Ang dami ng nakahiga at kokonti nalang ang natitirang naglalaban na nanghihina narin
Napangiti ako nung makita ko silang nanghihina na pati yung mga royalties na naglaban laban
Nagumpisa na akong tumakbo at dahil sa mga nanghihina na sila ay wala ng kumalaban sa akin kaya libre na akong nakakatakbo ngayon
Yung mga nakakatakbo pa kanina ay napatigil na dahil sa pagod sa pakikipaglaban at pagtakbo
Napangiti nalang ulit ako nung nakatatlong ulit na ako at nagpatuloy lang ako sa pagtakbo hanggang sa matapos na ako
Nakita ko sila na naglalakad pabalik dito sa amin ni prof habang yung mga royalties ay masama ang tingin sa akin kaya nginisian ko sila
"Madaya ka, hindi ka tumakbo agad para makipaglaban" sabi ni Eshton na masama ang tingin sa akin
"Big bro, for your information wala namang sinabi si prof na kailangan agad ang tumakbo ang sabi nya lang ay pwede na tayo magsimula. Mas mabuting umiwas nalang sa gulo kesa sa lumala pa ito. Tingnan nyo ang sarili nyo, nanghihina na kayo eh ako na umiwas sa gulo ay malayang nakatakbo at nauna dito. Hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay kailangan nyo lumaban, kung kaya nyo naman umiwas sa gulo edi umiwas nalang kayo"sabi ko na nakangisi at saka humarap sa prof na nakangiti sa akin
"Magaling prinsesa" nakangiting sabi nya at mas lalong lumapad ang ngiti ko "sa pangalawang pagsubok nyo ay pagtarget ang gagawin natin, bibigyan lang kayo ng tigiisang pana at bala at kailangan na maitama nyo ito sa ta-target-tin nyo"sabi nya biglang may lumabas na bow and arrow sa mga kamay namin at yung tatargetin namin sa unahan namin
"Ang makatama ay makakakuha ng premyo at ang sasablay ay kailangan magensayo pa at hindi muna makakasali sa susunod na training"sabi ni prof
Itinutok ko na yung bow and arrow ko sa target siniguradong sasakto yon sa gitna nung target
Medyo mahirap ang gagawin namin kasi malayo yung tatargetin namin at kapag nagkamali kami ng tira ay siguradong lampas yon o kapos
Hindi din malaki ang tatargetin na namin kasi parang kasing laki lang ito ng plato tapos malayo pa kaya parang ang liit
Pinakawalan ko yung arrow ko at saka ipinikit yung mata ko bago iminulat yung kaliwa kong mata para dahan dahang tingnan kung tumama ba yung arrow
Nanglaki yung mata ko nung makita ko na nakatusok yung arrow sa target ko at nakahinga din ako ng maayos
Nung tingnan ko yung iba ay may mga natamaan yung arrow at syempre kasama don yung mga kaibigan ko. Meron din naman na hindi natamaan at mukha silang malungkot
"Sa larong ito ay kailangan nyo lang mag-concentrate at gamitin ang mga mata nyo. Kailangan maging matalas ang paningin nyo para siguradong matamaan nyo ang target"paliwanag ni ma'am at nagsitanguhan naman kami
"Magpahinga muna kayo para sa next training nyo"sabi ni ma'am at pumunta naman kami nila Rhea sa pinakamalapit na upuan
"Nakakapagod yung mga ginawa natin" sabi ni Ella na hinihilot yung braso nya
"Oo nga eh, ang hirap tumakbo habang nakikipaglaban" sabi din ni Rhea na hinihilot yung paa nya
"Patingin nga ng paa mo" napatingin ako kay Chen ng lumuhod ito sa harap ni Rhea at hinawakan yung paa nito at tiningnan na parang sinusuri
"Okay lang ako" sabi ni Rhea na medyo namumula pa at pilit inaagaw yung paa nya pero hindi ito binitawan ni Chen at hinilot pa ito
"Ashley, tubig oh inom ka muna" napatingin ako sa harap ko at nakita ko si Nate don na nakatayo at inaabot sa akin yung bottled water
Aabutin ko na sana yung tubig ng may nauna dito at nung tingnan ko ito ay si Dane at binuksan na yung tubig saka ininom
"Akin yan eh" sabi ko sa kanya na nakasimangot
"Ito nalang sayo" sabi nya at inabot sa akin yung isang bottled water din
Meron naman pala sya pero bakit ininom nya pa yung binibigay ni Nate sa akin, weird
Kinuha ko ito sa kanya at saka tumingin kay Nate na nakatayo parin at nakatingin sa akin kaya nginitian ko sya
"Thank you" sabi ko sa kanya at ngumiti naman sya sa akin
"Bakit ka sa kanya nagte-thank you eh ako ang nagbigay ng tubig sayo"angal ni Dane na nasa gilid ko
"Kinuha mo kaya yung tubig na binigay nya tapos hindi ka nagthank you kaya ako nalang ang nagthank you"sabi ko sa kanya at sumama naman yung mukha nya na tumingin kay Nate
"Kailangan ko pa ba magthank you sayo" tanong nya na masama ang tingin kay Nate
"Actually hindi na, sapat na yung thank you ni Ashley" sabi nya na nakangiti
YOU ARE READING
We Are Different (Completed)
RandomThey thought it's over They thought the enemies are all dead But what if something happens What if the new generations wont survive She is the girl who had the strongest power The girl in the prophecy But what if she fall in love with the enemy What...
