One week and three days from now, mangyayari na ang digmaan at simula nung malaman ni Dane ang totoo, hindi ko na sya nakita
Lagi ko syang inaantay na dumalaw sa academy pero hindi parin sya napunta
Gusto ko na sya makita pero hindi naman ako makalabas ng academy
"Dane, nasaan ka na?" Tanong ko sa hangin
"Nandito" agad na lumawak yung ngiti ko at napatingin sa itaas ng puno na sinasandalan ko dito sa garden
"Dane!" Excited na sabi ko at nagteleport sa taas ng puno "buti naman bumalik ka na, bakit ba ang tagal mong pumunta ulit dito?"tanong ko sa kanya
Ginawa kong invisible yung sarili ko na ginaya naman nya "hindi ako makahanap ng magandang tyempo para umalis lalo na't parang nagdududa na sa akin si Alexander dahil sa madalas kong pagalis"sabi nya
"Sorry, kung kailangan mo pa itong gawin. Bakit kasi hindi ka nalang dito tumira. Tatanggapin kita, namin"
Sinabi ko yon kahit hindi naman talaga ako sigurado kung magagawa nga ba nilang tanggapin si Dane
"Xarein, nababasa ko ang isip mo. Alam ko na hindi nila ako tatanggapin"sabi nya
"Paano ka nakakabasa ng isip?"tanong ko
Ang alam ko ay teleportation at invisibility lang ang abilities nya
"Meron akong lahat ng abilities kaya nagagawa kong basahin ang isip mo. Prinsepe din ako at hindi basta basta magicians lang"
Oo nga pala, katulad din namin sya. Malakas din sya
"Ano na ang disisyon mo?" Tanong ko sa kanya at seryoso syang tiningnan
Nakikita ko sya kahit nakainvisible sya at ganon din sya sa akin. Pwede namin gawin yon, ang piliin kung sino lang ang pwedeng hindi makakita sa amin
"Hindi ko parin alam" malungkot na sabi nya
Niyakap ko nalang sya at saka hinagod ang likod nya "Okay lang, handa akong magintay hanggang sa alam mo na ang dapat mong gawin"
"Mahal kita pero mahal ko rin ang kapatid ko at hindi ko kayo kayang saktan pareho"naramdaman ko rin na yumakap sya pero agad kaming napahiwalay ng may malakas na pagsabog ang narinig namin
"Ano yon?" Gulat na tanong ko sa kanya pero hindi ko na inintay yung magiging sagot nya kasi nagteleport na ako papunta sa ground ng school at don ko nakita na nagkakagulo na silang lahat
Madami ng sugatan, may mga light at dark magicians na naglalaban, may mga nakahiga na sa lupa at wala ng buhay
Sumulpot din sila Eshton sa tabi ko kasama si HM "kailangan nyo ng pumunta sa mga nakaassign na lugar para inyo"
Napatingin ako sa langit at hinanap yung buwan at nagulat nalang ako ng kulay pula na iyon
"Mas umaga ang paglabas ng buwan kesa sa inaasahan natin" sabi ko sa seryosong boses ko
"Umalis na kayo. Kailangan nila ang tulong nyo"nagmamadaling sabi ni HM
Nagsitango kami at si Eshton ay agad akong niyakap "Magiingat ka. Babalik kami agad" sabi nya at bigla nalang naglaho
"HM kailangan na natin kumilos" sabi ko at agad na naglabas ng metal sword at nakipaglaban
Hindi namin inaasahan ito. Ang alam naming lahat ay sa isang linggo pa lalabas ang pulang buwan kaya hindi kami nakapaghanda agad
Pero wala na kaming magagawa kundi ang lumabas, wala na kaming magagawa kundi ang pumatay kesa sa mamatay
"Gods and Goddesses, patnubayan nyo sana kami" bulong ko
Patuloy akong nakipaglaban sa mga dark magicians, patuloy sa pagkikipagespadahan at pakikipagpatayan
Mga tunog nalang ng mga espada at kung ano pang kagamitan ang maririnig pati narin ang mga sigawan at daingan ng mga nandito
Nagpatuloy ang laban hanggang sa naubos ang mga dark magicians na kinakalaban namin pero alam ko na hindi pa tapos
Nararamdaman ko na parating na sya kasama ang mga bagong kalaban
Pumunta ako sa unahan ng mga studyante habang nasa likod ko sila HM at yung nga prof namin
"Magsihanda kayo kasi parating na sila" sabi ko
Itinaas ko yung kanang kamay ko at nagpalabas ng healing magic kaya agad nawala yung mga sugat nila kasabay ng medyo panghihina ko
Hindi ko na kayang buhayin ang mga namatay na, hindi ako diyos para magawa yon
Bigla nalang sumabog yung gate at alam ko na sya na ang may gawa non
Pumasok si Alexander kasama ang mga dark magicians. Nakangisi sya ng nakakakilabot pero imbis na matakot at mas lalong umusbong ang galit ko
"Xarein!" Napatingin ako sa kanan sa bandang unahan ko ng marinig ko ang boses nya
Nagpapabalik balik na yung tingin nya sa amin ng kuya nya at mukhang naguguluhan na sya
"Travis, pumunta ka na dito at sabay nating patayin yang babaeng yan at isunod ang mga kaibigan at pamilya nya"sinundan pa yon ng malakas na tawa ni Alexander
Nanatili ang tingin ko kay Dane na bakas na bakas na ang pagkalito sa mukha nya at alam ko na nahihirapan na sya sa sitwasyon nya
"Dane, sinabi ko na sayo na piliin mo yung sa tingin mo ay tama" sabi ko lang sa kanya
Mas lalo pa syang naguluhan kaya tinanggal ko na yung tingin ko sa kanya at nilipat nalang kay Alexander
Ako yung nasasaktan para sa kanya, alam ko na nahihirapan na sya sa sitwasyon nya ngayon at hindi ako magagalit kung sila Alexander ang piliin nya pero hindi ko rin maipapangako na hindi ko sya makakalaban
"Wala ka ng laban sa amin" nakangising sabi ni Alexander at hindi na ako nagulat ng magpalabas sya ng iba't ibang kapangyarihan na kinuha nya galing sa akin
"Tingin mo ba ay matatakot ako sa sarili kong kapangyarihan na ninakaw mo lang sa akin. Hindi sayo yan at sigurado ako na hindi mo pa alam kung paano gamitin ang mga yan"
Gumawa sya ng mga fire ball at hinagis sa direksyon namin kaya agad akong naggawa ng water shield para iharang sa amin at tinanggal ko rin agad ito ng tumigil sya sa pagbato
"Yan lang ba ang kaya mo?" Pangaasar ko pa sa kanya "hindi mo pa ako kilala kaya wag kang umasta na parang ang lakas lakas mo na" sabi ko sa kanya
Itinaas ko yung kamay ko kasabay ng pagpitik ko sa hangin at don nagumpisang magbagsakan ang lampas kalahati ng mga kasama nya
Kitang kita ko ang gulat sa mga mata nya at ang pagtataka kaya mas lalo akong napangisi
"Ang tanga mo para hindi mahalata na peke na ang mga kasama mo. Pinalitan namin ng mga kaibigan ko ang ibang dark magicians at lahat sila ay patay na"
"Ngayon, magumpisa na ang laban!"sigaw ko
Madali nalang namin matatalo ang mga dark magicians pwera nalang kay Alexander dahil alam mas marami kami sa kanya
Nagteleport ako palapit kay Dane na ngayon ay parang hindi nya parin alam ang gagawin nya
"Ipagtanggol mo ang sarili mo. Magiingat ka" sabi ko at hinalikan sya sa labi nya bago nagteleport ulit sa mga naglalaban
YOU ARE READING
We Are Different (Completed)
RandomThey thought it's over They thought the enemies are all dead But what if something happens What if the new generations wont survive She is the girl who had the strongest power The girl in the prophecy But what if she fall in love with the enemy What...
