"Hoy saan ka pupunta?" Agad akong napabalik sa upuan ng mapansin nya ako
"Tinitingnan ko lang yung pinto, may dumi kasi eh" dahilan ko saka ko sya inirapan
Sobrang naboboring na ako dito sa dorm. Biruin nyo, isang linggo na akong nandito sa loob. Nakakalabas lang ako kapag papasok kami tapos lagi pa silang nakasunod sa akin
Tinotoo talaga ni Eshton yung sinabi nya na hindi ako pwedeng lumabas ng isang buwan!!
"Subukan mong lumabas, lagot ka sa akin" sabi nya at saka pumunta na sa kusina
Magkwekwento na nga lang ako tungkol sa lovelife ng mga kaibigan ko
So ayun na nga! Nalaman namin na nagprepretend lang pala si Rhea at si Chen na sila ng isang linggo. Hindi namin yon nahalata kasi naman halatang gusto talaga nila ang ginagawa nila
Tapos ngayon ay ang sweet parin nila tapos nabalitaan ko nalang ay nanliligaw na pala si Chen kay Rhea
Tungkol naman sa baliw kong kakambal at kay Ella. Ayun torpe parin ang kakambal ko tapos yung isa naman ay nagmamanhid manhidan kaya ayun ang ganda ng relasyon nila ngayon
Buti ako walang prinoproblema kundi si Dane na laging bakabuntot sa akin. Daig nya pa ang aso!
Simula nung isang linggo ay hindi na sya lamalayo sa akin, kahit saan kasunod ko sya! Kahit sa simpleng pagkuha ko ng tubig ay sumusunod sya kasi daw baka tumakas ako at makipagkita kay Nate!
Buti nalang talaga at wala sya dito ngayon kaya hindi ako mahihirapan sa pagtakas
Tiningnan ko ang buong living room para siguraduhin na walang makakakita sa akin
Tatakas lang talaga ako para maggala lang kasi naman sobrang boring na ako dito dahil sa kawalan ng magawa
Dahan dahan akong naglakad papunta sa pinto para walang makarinig sa akin pero halos batuhin ko ng vase yung taong sumigaw
"Eshton! Si Ashley, tatakas!" Sa inis ko ay pinagbabato ko si Chen ng water ball pero nakagawa agad sya ng metal shield
"Bwisit ka!" Inis na sigaw ko sa kanya "Rhea, wag mong sasagutin itong tukmol na ito huh!"
Inis akong bumalik sa pagkakaupo ko habang sila Eshton naman ay lumabas sa kusina na masama ang tingin sa akin
"Bakit ba ang kulit mong babae ka?! Sinabi ko na wag kang aalis pero nagpupumilit ka pa rin?"parang galit na tanong ni Eshton
"Eh paano naman kasi, isang linggo na ako dito sa loob ng bahay tapos wala akong magawa kundi kumain at matulog tapos nakakalabas lang ako kapag pumapasok tayo tapos balik na ulit dito sa dorm pagkatapos. Ni hindi nyo nga ako hinahayaan na makapunta manlang sa cafeteria para kumain kasi sabi mo ay meron naman tayong pagkain dito"inis na sabi ko habang maluha luha pa
"Ikaw naman ang nay kasalanan! Sinabi ko na sa iyo na pakawalan mo na kami don sa metal na yon pero hindi mo naman ginawa. Isang buong araw kaming nanatili don sa mainit at madilim na shield na yon"
Natigil ang pangingilid ng luha ko sa sinabi nya at halos mapahagalpak ako ng tawa ng maalala ko na naman ang itsyura nila non nung tinanggal ko na yung metal na pinagkulungan nila
Para sila non naligo sa pawis nila, as in naligo. Mga basa ag buhok nila tapos yung mukha ay may mga pawis pa tapos ang mga damit nila ay basa din. Tapos pare-parehas silang naghahabol ng hininga dahil daw nahirapan sila huminga sa loob
"Oh tapos ngayon ay tatawa ka pa?! Baka nakakalimutan mo na mas matanda ako sayo kaya dapat ako ang sinusunod mo pero sinusuway mo lang ako"
"Yeah, mas matanda ka nga. Pero para sabihin ko sayo, mas matanda ka lang sa akin ng dalawang minuto kaya KUYA"pinagdiinan ko pa talaga ang salitang kuya
"Mas matanda parin ako sayo"
"Kahit na, matanda ka nga pero torpe ka naman!"
"Hoy, ikaw na babae-----"
Hindi nya natapos ang sasabihin nya ng magumpisa akong kumanta ng lullaby na nagpaantok sa kanila hanggang sa bumagsak nalang sila sa sahig at nakatulog
Bakit nga ba hindi ko naisip na patulugin sila agad? Edi sana lagi na akong nakakatakas
Ngingisi ngisi akong naglakad papunta sa pinto at saka yon binuksan pero halos mapaurong ako sa gulat ng makita don si Dane
"Anong ginagawa mo diyan?" Tanong ko pero sinamaan nya ako ng tingin
"Ikaw ang anong ginagawa diyan? May balak kang tumakas no? Pwes hindi kita hahayaan"sabi nya at saka hinila nya ako papasok ulit sa dorm
Kumanta ulit ako para makatulog sya pero ilang minuto na akong nakanta ay hindi parin sya nakakatulog kaya itinigil ko nalang
"Hindi mo yan magagamit sa akin" sabi nya at saka may kinuha sa magkabila nyang tenga
Inis kong tiningnan yon, isa iyong headset pero hindi mahahalata pag suot sa tenga. Hindi rin ito pangkaraniwang headset kasi may mahika ito na kayang prumotekta sa mga music user
"San mo naman nakuha yan?" Nakataas ang kilay na tanong ko
"Nabili ko lang dun sa mall" sabi nya at saka binalik yon sa tenga nya
"Okay" sabi ko at saka pumunta sa pinto pero nagulat nalang ako ng maunahan nya ako don kasi nagteleport sya
Hindi ko kasi magamit yung teleportation ko palabas nitong dorm kasi may ginawa si Eshton na paraan para hindi ako makalabas, so ang daan lang talaga ay yung sa pinto
"Umalis ka nga diyan" inis na sabi ko at pilit syang tinatanggal sa pagkakaharang nya sa pinto pero hindi parin sya natitinag
"Hindi ako aalis dito"
Kailangan kong gamitin yung acting skills ko, hayss ang hirap naman kasi umalis dito eh!!
Bumalik ako sa upuan at saka don yumuko tapos umiyak habang pinapakiramdaman ko yung paligid ko
"G-gusto ko lang naman na l-lumabas pero b-bakit ba h-hindi nyo a-ako pinapayagan"mas nilakasan ko pa ang iyak ko
Naramdaman ko na tumabi sya sa akin kaya mas nilakasan ko pa ang pagiyak ko. Pinaharap nya ako sa kanya at saka pinunasan yung luha ko
Napangisi nalang ako dahil mukhang umuubra yung acting skills ko sa kanya
"Wag ka ng umiyak..... hindi mo ako maloloko diyan dahil alam kong peke yan" napatigil nalang ako dahil sa sinabi nya
Nginisian nya ako kaya inis akong pumunta sa kwarto ko at saka kumuha ng marker don
Ayaw nila akong palabasin huh! Pagtritripan ko nalang sila
Bumalik ako sa sala at saka lumapit sa apat na nakahiga sa sahig saka sila drinowingan sa mukha
Ginawa kong matanda si Eshton. As in matanda! Nilagyan ko ng mga kulubot yung mukha nya tapos yung ilong nya. Kinapalan ko rin ang kilay nya!
Sunod akong lumapit kay Ella at ginawa ko syang pusa, tapos si Rhea naman ay daga
Sunid kong nilapitan si Chen pero napatigil ako ng kunin ni Dane yung marker sa akin
"Akin na yan!" Inaagaw ko pa sa kanya pero hindi nya binigay bagkus ay lumapit sya kay Chen
"Ako na ang maglalagay, ayokong hawakan at titigan mo sya"sabi nya
"Okay"naiilang na sabi ko "Lagyan mo sya nyan sa palibot ng mata at kilay nya tapos lagyan mo sya sa ilong nya ng bilog tapos sa dalawang pisngi nya ay bilog din. Lagyan mo narin ang ang palibot ng bibig nya"
Sinunod nya lahat ng sinabi ko at napatawa nalang ako ng makita ko ang mga mukha nila
Kinuhan ko sila ng picture isa isa saka sila tinitigan. Yan ang napapala nya! Sayang, hindi nakatulog si Dane. Eh di sana ay kasama sya diyan!
YOU ARE READING
We Are Different (Completed)
RandomThey thought it's over They thought the enemies are all dead But what if something happens What if the new generations wont survive She is the girl who had the strongest power The girl in the prophecy But what if she fall in love with the enemy What...
