Chapter 47

364 16 0
                                        

"Nararapat lang sa inyo ang ginawa ko. Sa tingin mo ba ay nakakatuwa na may mga namatay sa amin ng dahil sa inyo?"galit na tugon ko

"Alam mo kung bakit may mga namatay sa inyo? Simple lang naman ang sagot diyan eh. Kasi wala kang kwenta. Wala kang nagawa para buhayin sila. Wala kang kwentang prinsesa kasi hindi mo manlang naipagtanggol sila. Hindi mo manlang napigilan ang pagkamatay nila. Naisip mo ba na kasalanan mo naman talaga kung bakit sila namatay! Kasalanan mo at ng magulang mo kung bakit nangyayari itong mga ito kaya wag mo sa amin isisi ang pagkamatay ng mga kasama mo!"

Hindi ko napigilan ang sarili ko dahil sa mga sinabi nya kaya sinaksak ko yung espada sa puso nya saka hinila ito paalis

Agad syang natumba at naglaho. Pinaglaho ko yung espada ko at walang buhay na naglakad paalis don sa garden

Hindi ko namalayan na tumutulo na pala yung luha ko dahil narealize ko na tama sya

Tama sya sa part na kasalanan ko kung bakit namatay yung ibang estudyante dito. Kasalanan ko na hindi ko sila nailigtas

Kasalanan ko ang mga nangyayari kasi wala akong magawa. Wala akong kwentang prinsesa

"Lumayo tayo. Andiyan yung mamamatay na prinsesa"

"Oo nga baka patayin din nya tayo."

"Posible yan. Si Mitch nga ay nagawa nyang patayin kaya sigurado na kaya nya rin tayong patayin"

"Tama ka"

"Prinsesang mamamatay! Hindi dapat sya ginagalang"

Hindi ko napigilan na pansinin yung mga nagbubulungan. Nakalimutan ko na pinagbibintangan pa nga pala nila ako na pumatay kay Mitch

Wala naman akong ginawa ahhh. Bakit ganon? Kahit may gawin ako o wala ay ako parin ang masama?

Hindi pa ba sapat na may nagawa akong tama? Hindi pa ba sapat yung pinakita ko sa kanilang kabutihan para husgahan nila ako?

Napayuko nalang ako habang naglalakad ako at tuloy tuloy sa pagtulo ang luha ko

Ayoko na! Sawang sawa na ako sa mga problema na dumadating!

Ni hindi ko na nga mabilang kung ilang beses akong napahamak dahil sa mga dark magicians

Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad kahit hindi ko naman alam kung saan ako pupunta habang naririnig ko yung patuloy na panghuhusga sa akin

Sila ba? Sila ba yung handa kong iligtas kahit ag kapalit ay mapahamak ako? Sila ba yung pilit kong pinagtatanggol?

Hindi pa ba talaga sapat para sa kanila yung mga nagawa ko?

Nakarating ako sa likod ng dorm namin at walang tao don kahit isa kaya naupo nalang ako sa damuhan don at ipinikit ang mga mata ko

Ilang minuto na ako don na akong nakapikit ng maramdaman ko na may nakatayo sa gilid ko at isang malamig na bagay ang lumapat sa leeg ko

Walang gana kong iminulat yung mata ko at saka tumingin don sa taong nasa gilid ko

"Hindi nyo ba talaga ako titigilan? Sawang sawa na ako makipaglaban sa inyo! Hindi pa ba kayo masaya sa mga nagawa nyo?"malamyang tanong ko

Bakit ba kung saan ako pumunta ay laging may kapahamakan na nakasunod sa akin? Hindi ba pwedeng matahimik yung buhay ko kahit ilang araw lang

Gusto ko lang naman ng payapang buhay pero bakit parang ang hirap hirap ibigay yon sa akin?

"Gumaganti lang kami sa ginawa mo sa mga kasamahan namin!"

"Ang kapal naman talaga ng mukha nyo para gumanti. Kayo ang may ginawang kasalanan sa amin tapos kayo pa ang gaganti"

Nahiga ako sa damo para maiwasan yung espada na nakatutok sa leeg ko at saka ko itinaas yung isa kong paa at sinipa yung braso nya kaya tumalsik yung espada

Agad akong bumangon at saka nagpalabas ng tubig sa kamay ko at nilagyan ko ng kuryente saka ko inihagis sa kanya

"Nanahimik yung buhay ko pero pilit nyong ginugulo. Kelan nyo ba talaga ako titigilan?!"galit na tanong ko

"Hindi ka namin titigilan hanggat hindi ka namamatay. Buhay ang nawala sa amin kaya buhay din ang pambayad!"

Sinugod nya ako pero hindi ako nagpatalo kasi naglabas ako ng ice sword at nakipagespadahan sa kaniya

"Namumuro na kayo sa akin!" Sigaw ko sa kanya at saka sya sinaksak sa puso nya ng makahanap ako ng pagkakataon

Napaluhod nalang ako ng maglaho na sya at saka nagteleport sa dorm namin

Nadatnan ko don si Dane na nakaupo sa sofa "Buti naman bumalik ka na. Kanina pa kita inaantay. Sumama ka sa akin.  May pupuntahan tayo"nakangiti nyang sabi

Umayos ako ng upo sa sahig at saka sya inilingan "Ayoko muna umalis. Napapagod ako. Napapagod yung isip at katawan ko. Napalaban ako sa dalawang dark magicians kanina at gusto ko muna magpahinga"

"Sumama ka sa akin at sigurado ako na magugustuhan mo ang makikita mo don. Tara na"sabi nya at hinawakan ako sa braso at hinila patayo

"Dane, nakakalimutan mo ba na bawal ako lumabas kasi nga grounded ako ng dalawang buwan?"inis na tanong ko sa kanya

"Saglit lang naman tayo don eh. May ipapakita lang ako sayo"nakangiti nyang sabi

Paano ko ba naman kasi sya matatanggihan kung ganyan sya makangiti sa akin?

"Siguraduhin mo lang na saglit lang tayo don kasi baka mapagalitan na naman ako ng kakambal ko"

"Oo nga"sabi nya at saka nagteleport kasama ako at nagtaka ako ng makita na nasa labas na kami ng gate

"Paano tayo nakalabas dito?! Hindi tayo pwedeng lumabas!"

Hindi kami nagpaalam kaya imposible na nakalabas kami!

"Wag ka ng maraming tanong. Sumama ka nalang sa akin" sabi nya at hinila ako pero hindi ako nagpahila

"Dane, hindi tayo pwedeng lumabas. Kailangan muna natin magpaalam kay HM" sabi ko pero umiling lang sya

"Saglit nga lang tayo don kaya hindi mo na kailangan magpaalam sa kanya. Babalik din tayo agad pagkatapos ko ipakita sa iyo yung surprise ko"

Surprise? Ano namang surprise yung sinasabi nya?

"Dane. Magpaalam muna tayo" sabi ko at tumalikod sa kanya at naglakad palapit sa gate pero bago pa ako makalapit don ay naramdaman ko nalang na may tumakip na sa ilong at bibig mo at namalayan ko na lang ay nahilo ako at nagdilim na yung paligid ko

We Are Different (Completed)Where stories live. Discover now