Chapter 42

352 15 0
                                        

Rhea POV

Nagising ako dahil sa tunog ng alarm clock ko kaya agad akong bumangon at nagayos ng sarili ko

May pasok kami ngayon kaya medyo maaga akong gumising

Pagkatapos ko maghanda ay dumiretsyo ako sa kusina para tingnan yung iba pero ng wala akong nadatnan ay pumunta ako sa mga kwarto nila

Inuna kong puntahan yung kwarto ni Ella saka ito kinatok "Ella, gising na. May pasok pa tayo"

"Ito na" rinig kong sabi nya at saka lumabas na nakapajama pa

"Samahan mo muna akong gisingin yung iba, mamaya ka na magayos para sa magpasok natin"

Sunod naming pinuntahan yung kwarto ni Ashley at kakatok na sana ako ng may makita akong sticky notes sa pinto nya kaya agad ko itong tiningnan at binasa ng malakas

"Can't go to our class. May pinuntahan lang ako at babalik din ako agad. May dapat lang akong ayusin na gusot. Wag nyo na ako hanapin at pumasok nalang kayo. Good luck sa klase nyo"nagkatingin kami ni Ella at saka ako napatakbo sa kwarto ni Chen at sya ay kay Eshton at nagmamadali namin silang ginising

Hihikab hikab pa silang lumabas ng kwarto nila "Umalis si Ashley" sabi ko at saka ipinakita sa kanila ang sulat ni Ashley na agad naman nilang binasa

"Where the hell is she?!" Malakas na tanong ni Eshton at napailing kami

"Hindi nya sinabi. Nakita lang namin yan na nakadikit sa pinto nya"

"Sa tingin ko ay may gagawin sya na maaaring ikapahamak nya"sabi ni Chen kaya lalo kaming nagalala

"Magayos kayo ng sarili nyo. Hanapin natin sya. Hindi natin sya pwedeng pabayaan" sabi ni Eshton kaya bumalik ako sa kwarto ko at tinanggal ang uniform ko at nagpalit ng pantalon at saka t-shirt

Alam ko na hindi kami papasok sa klase namin ngayon kasi kailangan namin mahanap si Ashley. Kilala namin sya, alam ko na hindi yon matatahimik hanggat wala syang nagagawa para sa ikatatahimik nitong lugar na ito

At posibleng nasa kapahamakan sya ngayon!!

Nagmamadali akong lumabas ng kwarto at nadatnan ko naman yung iba at sabay sabay kaming nagteleport papunta sa school ground

"Maghiwa hiwalay tayo. Ako sa north, si Chen sa South, si Rhea sa East at si Ella ay sa west"sabi ni Eshton at sabay sabay kaming tumango

Gumawa ako ng malaking bubble sa hangin at saka ako pumasok don at lumipad papunta sa East habang tinitingnan yung paligid

Wala pa masyadong studyante dito kasi masyado pang maaga para sa umpisa ng klase

Tiningnan ko rin ang loib ng bawat room pero wala akong makita na Ashley

Nalibot ko na yung buong East part ng academy pero wala parin akong nakikitang bakas ni Ashley kaya dismayado akong bumalik sa school ground at natagpuan ko din sila don na nakabalik na

"Hindi ko sya nakita eh" sabi ko

"Ako din" sabi nila

Isa nalang ang lugar na maari naming pagtanungan kung nasaan sya

"HM"sabi ko at saka kami sabay sabay na nagteleport papunta sa head master office

Nadatnan namin sya don na nakaupo habang maraming inaasikaso na mga papel na hindi ko alam kung tungkol saan

"HM" tawag ko sa kanya

Halos mapalundag sya sa gulat pero imbis na matawa ay seryoso namin syang tiningnan

"Ano ba naman ang mga batang ito. Basta basta nalang kayo sumusulpot. Gusto nyo ba akong patayin sa gulat"

"Nasaan si Ashley?"seryosong tanong ni Ella

We Are Different (Completed)Where stories live. Discover now