Masama ang loob ko. Para akong pagod na pagod. Akala ko iba sya. Akala ko sya na. Akala ko si Liam na talaga ang para sa akin.
Nalulungkot ako.
Mahal ko si Liam.
Pero mas mahal ko ang sarili ko.
Napapagod na ako masaktan.
Bakit ganon?
Para akong option lang..
Hindi naman ako mapag hangad. Simpleng relasyon lang. Yong ako lang. Bakit ako pa ang nagiging 'other woman'.
Ang masaklap pa ay may anak sya. Hindi ko man lang nalaman o naramdaman. Ito ba ang reason kaya lagi syang wala. Kaya di nya ako makontak?
Nahihiya ako ng sobra.
At sobrang nasasaktan.
Masama ba akong tao?
Nagising ako at tumulo nanaman ang luha sa mga mata ko. Naramdaman ko na may nakahawak sa kamay ko at napalingon ako sa kanya. Nakatungo sya sa higaan at natutulog.
Napatingin ako sa wall clock. Mag 5AM na pala.
Napatingin ako sa kanya na hawak hawak ang kamay ko. Marahan ko itong binawi.
"Hey, I am glad you are awake." sabi nito nang magising siya. Na guilty naman ako dahil binantayan nya pa ako.
Nakaabala nanaman ako.
Naalala ko na nahimatay nanaman ako dahil sa di ako makahinga.
Naramdaman ko nalang ang mga palad nya na humaplos sa mukha ko at gamit ang thumb nya ay pinunas nya ang luha.
"It is going to be okay." malambing nyang sabi sakin.
Nakagat ko ang ibabang labi ko para pigilin ang iyak. Pero di ko magawa. Kusa nang nag uunahan ang mga luha sa mata ko.
I really feel terrible.
Sobrang sakit.
Umupo sya sa gilid ng kama ko at niyakap ako.
"I'm here.." alo nya sa akin. Wala na akong nagawa kundi ang yumakap sa kanya at umiyak ng umiyak. Ngayon ko lang nalabas ng sobra ang sama ng loob ko.
Kasama ko sila Quinn at Alexi sa mga panahon na lugmok ako. Pero hindi ko sa kanila pinakita na ganito ako. Na sobrang hopeless ko.
Umiiyak ako mag isa at ayaw ko na nakikita nila ako na ganito ka miserable. Pero nagawa ko sa harap ni Robbie.
Hindi sya nagtatanong sa akin.
Hinayaan nya lang ako na nakayakap sa kanya at umiiyak sa braso nya.
Kahit paano pakiramdam ko may kakampi ako. May karamay ako.
Kinuha ko ang kumot at pupunasan ko sana ang balikat nyang may luha ko nang pigilan nya ako.
"Hey, what are you going to do?" tanong ko.
"Im sorry for crying in your shoulder. Its wet with my tears." nahihiya kong sabi at napayuko. Hinawakan nya ang baba ko para iangat ang mukha ko. Ngumiti sya sa akin. Ang ganda nya talaga.
"Im always here.. You are my precious one, Mazz." sabi nito at hinalikan ako sa noo.
"Thank you, Robbie." tanging nasabi ko. Ang sweet nya sa akin.
Kinahapunan ay niyaya nya akong lumabas. Medyo maga ang mga mata ko kaya nag suot ako ng salamin sa mata na transition ang glass. Simpleng pants, blouse at jacket lang ang suot ko. Saka white shoes.
BINABASA MO ANG
As I Thought So (Dallas and Mazee)
RomanceThis will be another gxg story :'). I never expected this to happen in my life.. Sa isang iglap lang yumaman ako at nagawa ko ang mga gusto ko. My name is Mazee and I am the lucky girl! I bring luck to people around me and thats why they kept me o...