38

1.3K 100 20
                                    

Umiwas na muna ako kay Dallas. Pakiramdam ko kasi para akong napagod. Yong disappointment ko ay hindi pa rin maalis. Mas mabuti na rin siguro na umiwas na muna.

Abala din siya sa mga kaso na hawak nya at maging ang buong opisan ay sobrang busy.

May client siya na sa tingin ko ay bata pa. Nahihirapan si Dallas dahil tahimik lang ito. Isa siyang rape victim pero parang iba ang pinapalabas. May relasyon daw sila at ginusto naman daw ito ng babae.

Walang sinumang babae ang ginusto na ma-rape! Naaawa ako sa kanya, alam ko ang nararamdaman nya, lalo pa dalawang beses na muntik na iyon na mangyari sa akin.

Ang pinakamasakit ang huli. Sumasakit ang dibdib ko sa tuwing maaalala ko. Napakamesirable.

Napansin ko na para ng naiinis si Dallas at lumabas na muna siya. Siguro pupunta nya si Joan. Lumapit ako sa kliyente na may dalang kape. Hindi ko alam paano, pero gusto ko syang matulungan.

"I know it is difficult." panimula ko. Napatingin siya sa akin na parang gusto nyang umiyak. "You look scared. I know how you feel. Trust me, you got the best lawyer." sabi ko at hinawakan ang kamay nya.

"No one understands me." tugon nya. "They never been in my shoe. My parents want to do the settlement." ramdam ko ang bigat na dinadala nya. Settlement sucks! Parang si daddy, gusto nya pa ipakasal ako sa walang hiyang iyon.

"Why don't you tell to Atty Lindel?" tanong ko sa kanya. Para siyang nainis sa akin. Kaya sinundan ko agad. Hindi ko gusto ang idea ng settlement sa ganitong kaso. "And let her know that you will push through the case."

"You do not understand!" inis na sabi nya sa akin at kita ko na gusto na nyang umiyak. "No one wants to help me! I am the victim, but why.." napansin nya na seryoso lang akong nakikinig sa kanya.

"I've been there. I know how it feels." mapait kong sagot sa kanya. "I almost got raped twice." Napatingin siya sa akin. "My bestfriend beg me not to file a case against her husband's sister. And what worst is the second one, my dad wanted to talk over about it since he was his friends son. They wanted a settlement and what I hate the most, it feels like my father even wanted it to happen just because I am not straight. They want us to get married. They do not want to file a case." nakinig siya akin. Ngayon ko lang nasabi ang bagay na ito.

"This is just between the two of us." sabi ko sa kanya at tumango siya. "Whatever burden you have in your heart, do what you want. Don't let them dictate what you need to do. Atty. Lindel will surely help you and I will too. If you need someone to talk to, I am here." sincere na sabi ko sa kanya. Niyakap nya ako bigla at saka umiyak sa akin. Sa totoo lang nagulat ako. Ramdam ko ang sakit na nararamdaman nya. Niyakap ko siya na tinatapik sa likod. Gusto ko maramdaman nya na may kakampi siya na may dadamay sa kanya.

Noong una si Dallas ang nasa tabi ko, yong pangalawang pangyayari ako lang ang nakaalalam at ang pamilya ko at wala akong kakampi ng mga panahong yon.

Gusto ko syang matulungan kahit paano, kahit sa simpleng pag kausap lang.

Nilabas nya ang sama at hinagpis nya sa akin. Nakinig lang ako sa kanya at sinabi nya ang lahat lahat.

Bumalik si Dallas na kasama si Joan.

"Is everything okay here." tanong ni Joan. Inabot ko ang tissue kay Chloe. Pangalan ng client nila na kausap ko. Pinunasan ang luha.

"Yes, everything is fine." sagot ko. Tatayo na sana ako nang hawakan nya ako sa sleeve ng damit ko.

"Please stay.." pakiusap nya sa akin. Tumingin ako sa mga abagodo at ngumiti si Joan at tumungo naman si Dallas.

As I Thought So (Dallas and Mazee)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon