Nagising ako na sobrang lakas pa rin ng ulan pero maliwanag na sa labas. Ang bigat bigat ng pakiramdam ko at ang init ng katawan ko.
Pinilit kong bumangon dahil kailangan ko ng gamot. Nag aalala ako kay Dallas sa totoo lang. Baka napaano na siya kaya di siya pumunta.
Nag madali akong maasikaso at naglagay na rin ng face mask. Sinisipon na rin kasi ako. Nag jacket at kinuha ang payong at umalis na.
Sumakay ako ng taxi at nagpahatid sa apartment ni Dallas. Bahagya akong nahihilo dahil sa sipon. Giniginaw na din ako ng sobra. Bahagyang naninikip ang dibdib ko. Siguro kasi kinakabahan ako.
"Lagnat lang to. Sa Pilipinas nga ay nakakapag exam at pasok pa ako kapag may lagnat e." pagchecheer ko sa sarili ko.
Sumakay na ako agad ng elevator papunta sa unit nya. Kumatok ako agad sa pintuan. Ilang saglit lang ay lumabas siya na may hawak na wallet. May inaasahan ata syang order.
" What are you doing here?" tanong nya. Nakasuot siya ng clear eye glasses at nakatali ang buhok nya. Ganyan ang itsura nya kapag may inaaral siya o trabaho.
"Uhmm." medyo paos kong sabi. Di ko tinatanggal ang mask ko. Pinakatitigan nya ako mula ulo hanggang paa.
"You know, I'm busy so tell me what are you doing here?" masungit nyang tanong.
"I was waiting for you last night. You did not came. I was worried that something might had happened. I am just relief that you're fine." agad kong sagot.
"I can take care of my self." cold nyang sabi.
"Why didn't you came?" tanong ko.
"Is that our pizza?" narinig kong boses ng isang babae. Sigurado ako siya yong kasama nya sa salon. Siguro di na ako dapat pang magtanong.
"No Joan." nakangiting sagot nya.
"Excuse me." yon nalang ang nasabi ko. Kasama nya pala yong bagong girlfriend nya. Pinigil ko na maubo at lumakad na agad nang narinig ko na sumara na ang pinto at saka ako naubo. Sobrang sakit sa dibdib ng ubo na yon at mas lalo akong nahilo. Nanginginig din ang tuhod ko dahil sa may kasama si Dallas.
Bakit kasi ang tigas ng ulo ko. Mapait na tinawanan ko ang sarili at napasandal sa pader. Para na kasi akong tutumba. Dahan dahan akong pumunta sa elevator dahil sobrang nag iiba ang pakiramdam ko. Nagdidilim na rin ang pakiramdam ko.
Sa wakas umabot din ako sa elevator. Siguro pupunta na muna ako sa hospital. Pag bukas ng elevator ay parang nagdodouble ang paningin ko at may lalaki akong makakasalubong na may dalang pizza.
Yong order nila..
Parang sumabog ang kakaibang sakit sa dibdib ko gawa ng masamang pakiramdam ko. Para na akong tutumba, pasalamat nalang ako nahawakan nya sa braso.
"Miss? Are you okay?" tanong nya. "Miss, you are burning hot!" napansin nya ata na iba na ang itsura ko kaya hinawakan nya ako sa noo.
"I'm.." hirap kong sabi na parang may pumintig na sakit sa ulo ko at tuluyan na nag dilim ang paningin ko.
"Miss miss!" tawag sa akin ng lalaki. "Hang on! I'm calling an ambulance!"
Huli kong narinig at tuluyan na akong nawala sa sarili na parang lumulutang. Bahagya akong parang nanghihinang dinidilat ang mata ko. Narinig ko ang Serena ng ambulansya. May mga boses na parang tinatanong ako. Hanggang sa parang may bumuhat sa akin..
"Dallas.." yon ang huling sinabi ko na para akong naubusan ng hangin. Para akong lumulutang
Hindi ko alam ang nangyayari. I feel helpless. I feel alone.
BINABASA MO ANG
As I Thought So (Dallas and Mazee)
RomanceThis will be another gxg story :'). I never expected this to happen in my life.. Sa isang iglap lang yumaman ako at nagawa ko ang mga gusto ko. My name is Mazee and I am the lucky girl! I bring luck to people around me and thats why they kept me o...