03

1.8K 77 2
                                    

Gabi na subalit hindi pa rin ako dinadalaw ng antok at inis na inis na ako dahil patuloy sa pag ikot sa utak ko yong mukha ng Dallas na iyon. Yong una ko siyang nakita sa CR hanggang doon sa bar counter, yong pagkanta niya.

At sa tuwing naaalala ko na hinalikan siya nong babae na yon ay naiinis ako.

Tumaob ako sa unan para sumigaw dahil naiinis ako. Ayaw ko naman maglikha ng kung ano mang ingay.

"Hindi ko siya gusto!" Sigaw ko sa isip ko.

Wala na akong nagawa kundi magpaikot ikot sa higaan ko. Nakakainis talaga. Pero bakit ba ako maiinis? Ano bang kinakagalit ko? Minsan talaga ang weird ko ring talaga.

Kinabukasan, maaga rin akong nagising kahit halos walang tulog. Hanggang umaga naiisip ko pa rin siya. Plano kong umalis ngayon kaya nag asikaso na ako, rest day kasi ng kapatid ni Brad at naiilang ako kapag siya lang ang nandito. Kakaiba kasi siyang tumingin.

Gusto ko ring maglibot libot para kahit papaano ay mawala ang mga bagay na nasa isip ko.

"Good morning." Bati ni Claire.

"Good morning." Sagot ko naman sa kanya.

"You're going out?" Tanong niya at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Tipid lang na tumungo ako.

"Don't you wanna stay here with me?" Tanong niya pero may iba akong nahihimigin sa mga boses niya.

"I'll meet a friend." Pagsisinungaling ko at umalis na. Hindi ko na nakita si Brad at Alice, mukhang maaga silang umalis ngayon. Nagmadali nalang ako na umalis kahit hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayon.

Nagpunta ako sa isang coffee shop pra makapag almusal na rin. Gustong gusto ko talaga ang amoy ng coffee shop. Napaka relaxing naman kasi.

Tumitingin ako ng catalog kung saan ako pupunta. Para kasing gusto kong masilip ang New York University. Namamangha kasi ako sa school na yon. Inaaalam ko kung paano pumunta doon.

"That's a nice place to visit." Narinig kong boses na nagpabilis ng tibok ng puso ko. Marahan akong napatingin sa kanya. Iba talaga ang dating nya. Nakatali ang buhok nya ngayon. Nakasuot siya ng longsleeve sa loob bg nakabukas nyang leather jacket.

"Staring is rude, but you are an exemption." Sabi nya sabay ngiti at naupo sa bakanteng upuan sa harap ng mesa ko.

Kinuha ko ang coffee ko at bahagya akong napangiwi dahil mapait pala yon.

"It seems that coffee is too strong for you. You should have chooses this kind of coffee." Offer nya ng coffee nya.

"I'm fine." Nahihiya kong sagot.

"I insist." Ngiti nya ulit. "I haven't drink the coffee." Inilapag nya ito sa harap ko at kinuha ang coffee ko. Bahagya pa yong may lipstick dahil nainuman ko na.

"Wait, I already drank tha.." putol kong sabi nang inumin na niya yon. Pakiramdam ko nag init naman ang pisngi ko.

"I don't mind. And this is somekinda' sweet." Saka tumaas ang sulok ng labi. Meron pa siyang binulong pero di ko naintindihan.

"Dina läppar är söta." Mahinang sabi nya.

"What?" Tanong ko.

"It's nothing." Napansin ko na napatingin siya sa mga guides na hawak ko. "Are you really going to NYU alone? Do you have someone that can accompany you?" Para siyang nag aalala.

"I'll be fine." Sagot ko.

"It's not that, you know, you are still a woman. You're not from here. There are places that you cannot go alone." Seryosong sabi niya na nag aalala.

As I Thought So (Dallas and Mazee)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon