14

1.3K 92 2
                                    


Nagtatalo ang isip at puso ko. Sa kabilang banda gusto ko pa ring magtiwala sa kanya. Mahal niya ako. Pero hindi rin mawala sa isip ko yong picture na nakita ko. Hindi ba masyadong naging mabilis ang lahat at di ko talaga siya lubusang kilala? I need to relax and calm myself. Naisipan kong magbabad sa bath tub. Weird, right? Ganito kasi ako, para kumalma at makapag isip, nagbabad ako sa tub.

I close my eyes as soon as I submerge into the water. I tried my very best to calm myself and not to over think. Hindi ko napansin na lumuluha na pala ako. Paano kung narealize nya na masyado akong boring? na hindi pala nya ako mahal? Mahal ko si Dallas.. nalulungkot ako na maisip na mawawala siya sa akin. Ang sakit maisip na may kasama siyang iba? Paano kapag malayo na ako sa kanya? Paano kami?

Pero mahal niya ako, nararamdaman ko naman yon. She cared about me and she saved me more than once.  Napapikit hagnggang sa di ko namalayan na nakatulog pala ako.

------------------------

Nagulat na lamang ako nang biglang may bumuhat sa akin. Para akong natauhan nang mukha nya ang makita ko. Napaiktad ako, nakabalot na ako ng towel pero basang basa rin ito kahit si Dallas ay basang basa.

"What just happened!? I was looking for you and I found you unconscious in the tub! What are you just doing?" galit na tanong niya pero alam ko dahil nag aalala lang siya sa akin. Nanginginig ako dahil sa lamig. Naramdaman ko nalang na niyakap niya ako. Naiiyak ako.. nalulungkot ako na maisip na may iba siya. Hindi ako makaimik. Lahat ng katarayan ko nawala. Ganito pala mainlove..

"You better get dressed." saka niya ako kinuha ng mga damit.

"Get out." mahina kong sabi pero sapat na na marinig niya. Kumunot ang noo niya na nakatingin sakin. "I need to change too." sagot naman niya. Umirap nalang ako at nagtago sa may bandang closet niya para makapag bihis. Habang nagbibihis, naalala ko na nasa tub ako. Buhat niya ako? Saka ko lang napagtanto na nakita niya na ang lahat! Pakiramdam ko uminit ang buong mukha ko sa hiya. Ngayon pa?! 

Nang makapagbihis ay agad naman ako lumabas at nahiga sa kama saka nagkumot. Narinig ko ang mga yapag nya pababa. Nanatili akong nakatalukbong at hindi ako papayag na makita nya akong umiyak. Ilang sandali pa ay narinig ko nanaman ang mga yabag nya. 

"Mazz, get up. Drink this." malumanay niyang sabi pero nanatili lang akong nakatalukbong. Bahagya nya akong inuyog. Hindi ako umiimik at nang maramdaman ko na tila tatanggaling nya na ang kumot saka ako nagsalita.

"Leave me alone!" Alam ko mahihimigan sa boses ko ang pagka irita. Hindi na gumalaw pa ang kumot ko pero naramdaman ko ang mga yakap nya. Tumahimik ang paligid at kusa na lamang na tumulo ang luha sa mga mata ko.

"I can't blame you if you think that way." panimula nyang sabi. "I do not want to make any excuses." Nanatili akong walang imik.

"Mazz, can we talk. I do not want you to leave tomorrow that we are not okay." hindi ko sigurado pero para siyang pumiyok. Is she crying?

"jag älskar bara dig.." malambing nyang sabi. I wonder what she meant.. is she sorry for what she did.

"Please.. min kärlek, talk to me." she sounded pleading. I do not want her to see me crying.

"I want to sleep." mahinang boses kong sabi na sapat na na marinig niya.

"That woman is my cousin.. she eloped with her girlfriend and she needs my help. We were just too close like brothers and just so happen my co-worker thought, you know. I was like that before, but now that I have you; I can't jeopardize you." para akong nahiya sa sinabi nyang yong dahil kung anu ano na ang nasa isip ko. Pero hindi ko naman siya inaway. Okay sige, sour graping! 

As I Thought So (Dallas and Mazee)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon