Ginawa ko ang makakaya ko para maging professional lang sa trabaho. May mga oras din naman na sinusubukan kong kunin ang atensyon nya pero lagi syang abala sa trabaho nya. Nong magkasama pa kami ay hindi ko siya ginugulo. Talagang seryoso sya pagdating sa trabaho at Napakasipag nyang magtrabaho. Isa iyon sa mga hinahangaan ko yon sa kanya.
Lahat ng pinapagawa nya sa akin ay agad kong tinatapos. May mga related cases siyang mga pinapahanap sa akin. Nahihirapan ako sa ibang task pero hindi ko pinapabayaan na hindi ko matapos. Yong ibang empleyado ay nakasundo ko naman pero yong si Shirley, laging mainit ang dugo sa akin.
Sobrang napagod ako kaya nag paalam ako na mag break lang ako sa pantry. May free coffee kasi doon at masarap naman ang lasa. Nakakatamad kasi kung lalabas pa ako. Sayang ang oras.
I just need a cup of coffee.
Nang palabas na ako ay laking gulat ko nang biglang may sumulpot sa harap ko at nabunggo ako. Sa kasamaang palad natapon ang mainit na kami sa damit nya at kamay hanggang bandang braso ko dahil tumalsik din ito. Ramdam ko ang init ng kape.
"Oh my God, I am so sorry." Natataranta kong sabi at kinuha ang panyo ko sa bulsa ng skirt ko para mapunasan sya. Hiyang hiya ako sa nangyri. Hindi ko napansin na may nakasalubong pala ako.
"Mazee, relax." narinig kong sabi nya at kinuha ang tasa sa kamay ko. Nakangiti siya sa akin.
"Liam?" nagulat ako sa kanya. Kinuha nya ang panyo sa kamay ko at saka pinunasan ang kape sa kamay na umabot sa braso ko.
"I knew it was you so I followed you here. I am surprised that you are working here. When did you start?" tanong nya naman sa akin at nakangiti nya. Sa totoo lang napakagwapo nya. Very manly, strict sa unang tingin, pero mukha namang mabait.
"Just this week." sagot ko naman. "Are you also a lawyer?"
"Kind of." nakangiti nyang sagot. Marahan kong binawi ang kamay ko na hawak nya."We need to take care of that." turo nya sa braso ko na medyo namumula na.
"It is fine. Nothing serious. I can handle this." sagot ko. "I am really sorry, we're you hurt?"tanong ko.
"Nope, this coat is thick. I am worried in your arms and hand. It is so red." sabi niya at kinuha uli ang kamay ko.
"No, it is fine." sabi ko at inaagaw ko ang kamay ko sa kanya pero ayaw nyang bitiwan. "You look even pretty with your hair down" saka nya parang hahawakan ang ilang strands ng buhok na kumawala sa pagkakakapit sa tainga ko.
"Mazee!" nagulat ako sa biglang tawag ni Dallas. Para syang nagtataka pero seryoso ang mukha nya.
"Hey, Dallas!" masayang bati naman sa kanya ni Liam. Mukhang magkakilala sila. Parang ang awkward at ayaw ko rin mag isip ng kung ano si Dallas.
"Attorney, I am going back to work." nahihiya kong tugon sa kanya at pilit na inagaw ang kamay ko kay Liam. "Excuse me, Liam."
Saka nag mamadali na akong bumalik sa opisina ni Dallas.
Narinig ko pa na nagbatian silang dalawa. Nang makabalik na ako sa Station ko ay kinuha ko agad ang lotion ko para malamigan yong paso sa kamay at braso ko. Medyo mahapdi pero di naman siya nasunog o lumubo. Namumula nga lang. Mamaya nalang ako bibili ng ointment. Kunti lang naman ang kape na natapon sa blouse ko, hindi na halata. Mag coat nalang ako mamaya pag labas ng building.
Habang abala ako sa trabaho ay pumasok na si Dallas na may dalang mga documents. Lumapit siya sa akin at mukhang may uutos siya.
"You might want to buy some ointment before that get worst." sabi niya sa akin pero hindi sya nakatingin. Kailan mo ba ako uli lilingunin?
BINABASA MO ANG
As I Thought So (Dallas and Mazee)
RomantizmThis will be another gxg story :'). I never expected this to happen in my life.. Sa isang iglap lang yumaman ako at nagawa ko ang mga gusto ko. My name is Mazee and I am the lucky girl! I bring luck to people around me and thats why they kept me o...