Hirap na hirap ako.
Hindi ko malaman ang gagawin. Pareho silang mahalaga sa akin. Hindi ko pwedeng basta talikuran ang magulang ko.
Sana maunawaan mo ko Dallas.
Lumingon ako kay Dallas." Dallas, mahal na mahal kita.. Patawarin mo ko.." buong sakit na iyak ko at tumakbo papalapit sa tatay ko. Bagsak ang balikat ni Dallas at kinuha ang bag niya sa sala at tumakbo pa palabas.
"Dallas, wait!" iyak na tawag ko sa kanya.
"Matanda na siya kaya na niya ang sarili niya. Wag na wag kang lalabas ng bahay na ito kung hindi, hindi mo na kami makikita." banta ni daddy sa akin.
Gusto kong pagsisisihan ang desisyon ko. Pero wala.. Pumili ako. Mas pinili ko ang pamilya ko kaysa sa taong nagpapasaya at mahal ko. Ang taong mahal ako at nagbigay sa akin ng lahat..
Wala na akong nagawa kundi ang tumakbo sa kwarto ko. Kahit doon man lang ay masilip ko siya.
At iyon nga. Tumatakbo ang taong mahal ko papalayo. Muntik pa siyang mabunggo ng sasakyan. Sasakyan ni Dani.
Nakita ko na nag usap sila at saka sumakay si Dallas sa kotse nito.
Kahit papaano at naging kampante ako..
Binuhos ko ang lahat ng sakit na nararamdaman ko sa pag iyak.
Hanggang dito nalang ba kami???
Naiinis ako sa sarili ko..
Naiinis ako!!!
----------
Nagising ako na madilim na ang paligid. Nag aalala ako kay Dallas. Sobrang sakit din ng puso ko. Kala ko isang bangungot lang ang nangyari kanina. Pero totoo ang lahat.
Napatingin ako sa gamit niya. Andito pa sa kama yong suot nya kanina. Aalis dapat kami ngayon papunta sa mall. Wala akong nagawa kundi ang umiyak nalang at yakapin ang damit niya.
Parang huminto na ang takbo ng buhay ko.
Wala na si Dallas.
Wala na siya.
Buong sakit kong nilabas ang sama ng loob ko sa pag iyak. Wala akong kahit sinong pwedeng takbuhan ngayon. Parang gusto ko nalang mawala sa mundo. Sobrang hirap at sobrang sakit.
"Mazz.." narinig kong boses ni Gazelle. Pinunasan ko ang luha ko at binuksan ang pinto.
"Are you okay?" nag aalala nyang tanong. "I heard she left."
Muli nanaman tumulo ang luha ko.
"Pasok ka." halos walang boses na sabi ko. Marahan naman siyang naupo sa kama ko at hawak ang tyan nya.
"Gabi na lumabas ka pa. Baka mahamugan kayo ng babies mo." alalang sabi ko sa kanya.
Hinawakan nya ako sa mukha.
"You have been crying a lot like just like her." sabi ni Gazelle. "She did not speak and asked us to drive her to the airport. She tried to hold back her tears, but then she still burst out. I do not want to tell you this, but she looks like someone with trauma."
Mas lalo akong naiyak.
"She's with Dani. Sasabay siya kay Dallas papunta ng New York bukas. You are both hurting dahil sa nangyari. Maybe, give time bago kayo uli mag usap." suggest nya sa akin.
"Hindi ko alam Gazz. Baka wala ng kami. Ang tanga tanga ko. Hinayaan ko lang siya." pinunasan ko ang mga luha ko.
"Tell me what happened?" masakit mang balikan ay kinuwento ko sa kanya ang nangyari. Makinig lang siya sa akin.
BINABASA MO ANG
As I Thought So (Dallas and Mazee)
RomanceThis will be another gxg story :'). I never expected this to happen in my life.. Sa isang iglap lang yumaman ako at nagawa ko ang mga gusto ko. My name is Mazee and I am the lucky girl! I bring luck to people around me and thats why they kept me o...