Mabilis ang paglipas ng araw. 2 weeks na pala akong nakatira kay Dallas. Napansin ko na bihis na bihis siya. Aaminin ko na mas naging close kami at marami pa kaming nalaman sa isat isa. Totoo pala yong kahit bago mo lang nakilala parang ang tagal mo ng kilala. Basta ayon!
Magkikita nga pala sila ni Sugar nya, sa naiisip ko napasimangot ako.
"Why aren't you dressed up?" bigla nyang baleng sakin.
"Huh?" takang lingon ko sa kanya.
"I told you, we will go out tonight. Were you spacing out?" tanong niya.
"When did you ask?" hindi ko kasi maalala. Napasimangot siya.
"Go on, can you make it quick? My work is about to start after an hour."
"Oh fudge! Sorry!" nagmamadali na akong tumakbo paakyat para magpalit ng dami. Oo nga pala napag usapan namin na sasama ako sa bar na pinag tatrabahuhan nya every Friday para kumanta ng ilang set. Namangha nga ako na kumakanta pala siya. Isa ito sa mga sideline daw niya. Sasabihin ko na rin pala sa kanya na 1 week nalang ako dito sa US. Hindi kasi namin napag uusapan yongn tungkol sa pagbabakasyon ko dito.
Nagpants at blouse na makapal ako na pinatanguan ng mahabang winter coat na hanggang tuhod. Nag lip gloss lang ako at face powder. Buti natapos ko ng 20 minutes.
"Gorgeous as ever." sabi niya sa akin at hinawakan na kamay ko. Hinayaan ko nalang siya. Naka boots din ako kasi malamig. Nang makarating sa Bar marami ang bumati sa kanya. Sabi niya nasa 6 songs lang daw ang kakantahin niya sa araw na ito at depende kung may mag rerequest. Pinaupo niya ako sa mesa sa gilid na kung saan malapit sa kanya.
Ang ganda ganda ng boses niya. Naka dalawang set na siya na tag dalawang kanta. Sa tuwing natatapos siya tumatabi siya sa akin. Pero di pa rin makaligtas sa paningin ko ang mga babae na nagpapacute sa kanya.
"OMG! Dallas!" excited na sabi ng isang babae. Maganda siya at blonde.
"Hey Maggie!" masayang bati niya dito at tumayo para yakapin. Pero laking gulat ko nang halikan nito si Dallas sa labi. Smack lang yon dahil umiwas si Dallas pero tatawa tawa siya.
"When did you come back?" tanong ni Dallas.
"Just today. I went to your apartment this morning, but you weren't there." Nakapout na sabi nito. Huh? Nasa bahay lang naman kami buong umaga. May ibang apartment siya? Malandiiiii talaga!
"I was kinda busy." palusot ni Dallas.
"Oh! who's with you? A friend?" tanong nito nang mapansin ako. Bago pa makasagot si Dallas nagsalita nanaman siya uli. "Yeah! I remember, she must be her, your friend that you mentioned before! Hi I'm Margarette, but please call me Maggie." Inabot ko nalang ang kamay niya para sa shakehands.
"Mazee." tipid kong sagot.
"OMG! My favorite." puna niya sa pasta ni Dallas at walang keme keme na kinuha ang tinidor at kinain ang pagkain niya. Naiinis na ako sa babae na ito. "Hmmm, you must be missed me that much to order my favorite food."
" You are crazy." natatawang sabi ni Dallas.
"Sweetie, I missed you so much, can we go out?" tanong niya.
"I'm with Mazee." sagot naman niya.
"You can drive her to her home, then let's get sometime alone. I missed you so much." malanding sabi nito. at hinahaplos haplos sa balikat si Dallas. Napakalandi! Ito namang isa tatawa tawa pa. Mukhang gustung gusto naman. Inaya aya pa ako rito! Tapos ganyan?! Ang dami dami ko nang iniisip dadagdag pa siya. Manliligaw manliligaw? Kalokohan.
BINABASA MO ANG
As I Thought So (Dallas and Mazee)
RomanceThis will be another gxg story :'). I never expected this to happen in my life.. Sa isang iglap lang yumaman ako at nagawa ko ang mga gusto ko. My name is Mazee and I am the lucky girl! I bring luck to people around me and thats why they kept me o...