There maybe somethings that are meant to happen. Thus, it could be really painful. Somehow, I learned how to look on the positive view of life. All the pain I encountered had changed me a lot. It changed me to be a better person.
The better version of me that I love the most.
Yet, i know..
Something is not right.
Maybe, there are things that is never destined.
Nagising ako dahil sa parang umuga ang eroplano. Buti nalang nasa first class ako nakasakay ngayon at wala akong kasama. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin ng press powder ko at inayos ang buhok ko. Matigas kasi ang ulo ng nagbook ng ticket ko. Ayaw nya sa economy seats at nagulat nalang ako nang sinend nya sa email ko na may ticket na ako pabalik ng New York.
"There, you look good." nakangiti kong sabi. Hindi ko akalain na babalik ako agad sa New York. Mahigit dalawang taon na rin.
"I'll see you again, New York."
After ng insidente na iyon ay nag stay ako sa New Jersey muna.
Sa hometown nila Alexi.
Nang makabawi bawi ay bumalik muna ako sa Pilipinas para magpahinga ng ilang buwan. Bumalik din uli ako ng new york para sa business namin nila Alexi.
Sobrang daming nangyari at di ko akalain na dalawang taon na pala yon. Naramdaman ko ang kirot sa likod ko. Hindi pa rin nawawala ang trauma ko sa nangyari.
Akala ko, hanggang doon nalang ako.
Dahil second life ko na to. Ginawa ko lahat nang mga bagay na magpapasaya sa akin.
I travelled a lot. I've been in different countries in Asia and Europe. Masaya ako, sobra. Na enjoy ko ng sobra ang mga pinag kakaabalahan kong mga bagay.
Pinangako ko sa sarili ko na uunahin ko na muna sarili ko. At tinupad ko yon. Maiksi lang ang buhay at second chance ko na ito.
Mayroon na kaming tatlong branch ng salon. Sobrang umunlad ang negosyo namin nila Alexi. Marami na rin na mga tauhan at sikat na siyang hair dresser.
Si Hanna ang nagmamanage ng mga branches. Sikat na rin na fashion designer ni Gaby at make up artist si Jay. May contract sila sa mga kilalang advertising company.
Sa susunod na taon pa sana ako babalik, kaso opening ng new branch at may nangungulit din sa akin.
Excited na rin akong makita siya. Napangiti ako nang bahagya. Namiss ko rin sya. Sobrang busy nya kasi.
Halos apat na buwan pala ako sa Pilipinas namalagi. Sinilip ko ang pamilya ko at hanggang ngayon galit sakin ang tatay ko. Di ko rin sya kayang lapitan. Siguro kailanman di nya matatanggap ang tunay na ako.
Naka ka lungkot sa totoo lang. Pero hindi ko alam paano lalapit at kung ano ang gagawin.
Hindi ko pa kaya. Masakit pa rin yong nangyari.
Kila Alexi pa rin ako nakatira. Komportable ako sa lugar nila at para ko na talaga silang mga kapatid. Si Gigi ang laki laki na nya at ang lusog lusog. Namimiss ko na rin siya ng sobra. Stress reliver ko si Gigi, yong mga panahong iyak ako ng iyak habang nag rerecover ay sya ang kasama ko. Laging nakasunod sya sa akin at sa tuwing iiyak ako, lumalapit nya at tumatalon sa lap ko. Gustong gusto kong yakap si Gigi at mag kwento sa kanya. Para nya akong naiintindihan.
Nang makalapag ang eroplano ay pakiramdam ko may nagmamatyag sa akin. Para akong napaparanoid. Makarinig lang ako ng parang putok ay nenerbyos na ako. Sa totoo lang natrauma talaga ako sa nangyari na yon.
BINABASA MO ANG
As I Thought So (Dallas and Mazee)
RomanceThis will be another gxg story :'). I never expected this to happen in my life.. Sa isang iglap lang yumaman ako at nagawa ko ang mga gusto ko. My name is Mazee and I am the lucky girl! I bring luck to people around me and thats why they kept me o...