Halos isang linggo na ako dito sa New York. Nakakatuwa lang mamasyal at mamili ng mga ipang gamit. Gusto ko sanang mamili pa kaso baka mahirapan naman ako sa pag uwi ko.
Nagstay lang ako sa bahay nila Alice ngayon dahil para akong tinatamad na lumabas.
"Mazz!" Excited na tawag sa akin ni Alice sabay yakap. "Nagdilang anghel ka! Hindi talaga ako makapaniwala. Sobrang blessings na ang nangyayari sakin!"
"Congratulations! I'm so happy for you." Masayang sabi ko sa kanya.
"Nong una si Brad, tapos ngayon ako. Mukhang may swerteng dala pagbisita mo rito." Masayang sabi niya. "Mamaya pala, sa labas tayo magdidinner kasi nanalo ako ng full course menu sa isang fining restau dito sa new york."
"Wow! Ang swerte mo naman!"
"Mamaya ha! Formal." Masayang sabi niya. Masaya ako pra sa kaibigan ko. Ramdam na ramdam ko yong excitement at happiness niya sa mga nangyayari sa buhay nila. She's blessed.
————————
Nagsuot lang ako ng simpleng dress at naglagay ng light make up. Sa totoo lang ayaw ko na sanang sumama dahil para mag date nalang silang mag asawa, pero nagagalit si Alice dahil for three daw yong coupon nya at hindi daw siya papayag na maiwan ako.
Masaya kaming nagkukwentuhan habang papunta sa venue. Masaya silang nagkukwento sa mga blessings na nangyari sa kanila.
"Alam mo Mazz, para kang anghel na nahulog dito sa lupa, mula kasi ng dumating ka, sunod sunod na swerte na ang nangyari samin." Biglang sabi ni Alice.
"Hala siya?" Natatawa kong sabi. "Blessed kayo kasi mabubuti kayong tao."
"Im serious Mazz!" Seryoso ang mukha nya. "All these happens when you came."
"Yeah, I think so too. You seems like a fortune bringer." Singit naman ni Brad.
"It might just be a coincidence." Napapakamot na sabi ko.
"It can't just be a coincidence." Pilit ni Alice.
"It is." Pilit ko rin na natatawa. Kung anu ano ang naiisip ng mag asawang to. "You guys are just happy."
"Eh.." pilit parin ni Alice.
"Wait, cr lang ako." Paalam ko. "Excuse."
Pumunta na ako ng cr na naiiling nalang. Sa totoo lang gustong gusto ko ang restaurang na ito. Napaka classy at relaxing. Maganda at yong interior na new western style ay sobrang nakakamangha. Hindi ko siya maexplain. Parang sa mga movies ko lang nakikita ang ganitong lugar. Masaya ako na nakarating dito.
Pag pasok ko sa Cr may napansin akong babae na nag reretouch. Sa tingin ko ay Filipina siya. Napalingon siya sa akin kaya napangiti nalang ako. Ngumiti rin siya. Dumeretso na ako sa isang cubicle.
Maya maya pa narinig ko na parang may nagpapakilala.
"Hi, my name is Dallas." Narinig kong boses na medyo malaki. "Uhmm.. hey? Maybe I can atleast get your name?"
Hindi ko narinig kung may sinabi yong babae, narinig ko nalang na parang umalis. Pag labas ko ng cr napansin ko siyang naghuhugas ng kamay. Nagulat pa ako dahil kala ko lalaki. Pero ang masasabi ko, ang gwapo nya.
Hanggang batok ang buhok na silver, nakatali ito sa bandang taas. Matangkad siya at maganda ang katawan. Feeling ko di siya caucasian, para siyang taga Europe. Yong faded blue eyes niya. Thin lips. Basta ang gwapo niya ng sobra at ang ganda nya magdala ng damit niya. Pants, white top na panloob sa parang americana na polo ata yon.
BINABASA MO ANG
As I Thought So (Dallas and Mazee)
RomanceThis will be another gxg story :'). I never expected this to happen in my life.. Sa isang iglap lang yumaman ako at nagawa ko ang mga gusto ko. My name is Mazee and I am the lucky girl! I bring luck to people around me and thats why they kept me o...