05

1.2K 75 2
                                    

Sobrang sakit na ng paa ko at hanggang ngayon wala akong makitang matutuluyang hotel. Parang wala sa sarili akong naglalakad at hindi ko napansin ang lalaking sumasabay na pala sa akin. Masyado na akong maraming iniisip para pansinin ang paligid ko. Laking gulat ko nalang nang bigla akong akbayan ng isang lalaki.

"Don't dare or you'll be dead." Seryoso nitong sabi na nakatingin lang sa unahan. Pakiramdam ko lumaki ang ulo ko sa nerbyos. Hindi ko alam ang gagawin ko. Naiiyak ako ng sobra at halos hindi na ko makahinga sa takot.

Ano namang gagawin sakin ng mamang ito.

"If you need mon-" putol kong sabi nang magsalita siya.

"Shut up!" Singhal nito sa akin. Napansin ko na namumula ang mga mata nito na mas kinatakot ko. Mukha pa siyang adik at bakit ako pa ang napagdiskitahan nito.

Tulo na ng tulo ang luha ko sa takot. Nanalangin na sana may madaanan kaming pulis para matulungan ako.

Mas natakot ako dahil sa dadalhin niya ako sa may isang iskinita. Hindi ko na malaman ang gagawin. Nang mapansin ko na bahagyang maluwag na ang pagkakaakbay nya buong lakas kong tinapakan ang paa nya at nang mapayuko siya ay siniko ko naman ang lalamunan niya. Hindi na ako lumingon pa o kung ano nagmadali na akong tumakbo.

"Damn you!" Narinig kong sigaw nito. Kailangan kong makatakas sa kanya. Pilit kong binibilisan ang takbo ko pero ramdam kong malapit na siya.

Naramdaman ko nalang na nahila na ako niyo sa buhok at napasigaw ako sa takot.

Ilang sandali pa at may narinig akong parang sinuntok at nabitiwan na ang buhok ko at bumagsak ako sa malamig na semento.

Laking gulat ko sa aking nakita. Duguan ang mukha ng lalaki. Si Dallas nakatayo sa harap nito at nakasara ang kamao. Bahagyang may dugo. Bumangon ang lalaki pero isang malakas sa flying kick sa sikmura at bumagsak muli ang lalaki. Bago pa ito makatayo ay muli siyang pinagsisipa ni Dallas. Hawak nito ang telepono at tila may tinatawagan.

Lumapit siya sa akin. Hinawakan ang mukha ko at pinunasan ang mga luha. Bigla nya akong niyakap ng mahigpit.

"Shhhh.. you're gonna be alright. Im here." Bulong niya sa akin. Sa sobrang takot ko. Napayakap ako ng mahigpit sa kanya at saka umiyak ng umiyak. Takot na takot ako ng sobra. Akala ko kung ano na ang mangyayari sa akin.

Narinig ko na ang serena ng pulis.

"Hey Dallas!" Bati sa kanya ng pulis.

"Thanks for coming quickly." Sagot ni Dallas sa kanya.

"Just so happen that we're in this area. Alright then, I'll take it from here." Sabi ng pulis at sumakay na sa kotse dahil napusasan na ng isa pang pulis yong lalaki at naisakay na sa kotse.

Inalalayan ako ni Dallas. Nanginginig pa kasi ang mga binti ko. Sa di kalayuan nakita pa ni Dallas yong mga pinamili ko at kinuha yon.

"I saw you leave the house. Where are going to stay?" Tanong niya sa akin. Umiling ako.

"Do you know any hotels that I can stay for the night?" Tanong ko sa kanya.

"You can stay at my place." Alok niya sa akin. Umiling ako.

"You offer is too nice for me to accept." Nahihiya kong sabi. "I don't want to bother you anymore."

"Mazz.. I just want you to be safe." Seryoso niyang sabi. "You're too precious." Pakiramdam ko malulusaw ako sa mga tingin niya sakin. Hinalikan niya ako sa noo na nagpabilis ng tibok ng puso ko. Dallas is really something.

Hindi na niya ako pinilit pa na magstay sa kanila. Hawak nya ang mga kamay ko at inaalalayan. Sa isang hotel kami nagpunta.

"Hey." Bati ni Dallas sa receptionist.

As I Thought So (Dallas and Mazee)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon