Minsan naiinis ako sa bilis ng panahon. Isang buwan lang kasi si Dallas dito at kapag naiisip ko na uuwi na siya at magtatrabaho uli di ko maiwasan malungkot. Di pa ako uli nakakakuha ng visa papunta sa NY. Sa totoo lang plano ko uli mag aral ng business management. Siguro mace credit naman yong ibang subjects ko.
Ngayong araw naisipan ko siyang dalhin sa kabilang subdivision para kumain ng streetfoods sa may park. Madalas akong magawi doon nong nalaman ko na may ganon doon.
Malapit lang at may short cut dito sa village kaya mag lalakad lang kami.
Nakaakbay siya sa akin habang nag lalakad kami. Tinitingnan nya ang paligid.
"Mazz, this is one of the exclusive subdivisions, right?" tanong niya.
"I am not really sure. I was just fortunate to get that house in a very low price." sagot ko sa kanya.
"What do you actually do? You know, what business are you running?" tanong nya.
Saka ko lang narealize na kahit ano tungkol sa mga ganong bagay ay wala pa akong nababanggit sa kanya.
"You have two latest cars of the specific make and model. I am not interrogating you, I am just curious." sabi niya sa akin.
"I'm sorry that I didn't tell you much. We had a small business in the province and some van for tour rental. We'll that's for the family, but I was just to lucky to invest my money in the stock market. In that part, I have earned a lot. Few months ago, I bought like 5 local investments and so far, I am earning good sum." sagot ko sa kanya.
"I didn't know that you were into business. I will not ask further." ngiti niya sa akin. Napansin niya ata na nahihiya ako. "Let me know if I can help you. I can introduce you to a financial advisor."
"Thanks Dallas." nakangiti kong sagot sa kanya.
May pinakilala sa akin si Gazz na financial advisor na tumitingin ng investments ko. Sobrang bait nya at marami akong natutunan sa kanya. Napaka humble na tao at isa pala siya sa mga naging scholars nila ni Dani. Bukod pa kay Marland na tumutulong sa akin, masaya ako na nagkaroon ako ng financial advisor na masipag. Nagtatrabaho din siya sa company nila Dani pero nagagawa nya parin na isingit yong sa akin. Isa rin siya sa mga naging kaibigan ko, si Miss Vina.
Ako daw ang kauna unahang client nya.
Nang makarating kami sa Village natuwa ako kaso andoon ang mga bata na kasama ko kapag kumakain ng streetfoods agad silang sumalubong ng yakap sa akin.
"Ate Mazee namiss ka namin." agad na bungad ni Jessa
"Tagal mong di dumaan!" maktol naman ni issa.
"Ate gwapo ng kasama mo! May boyfriend ka na!!" tili naman ni Gelai na 8 years old.
"kayo talaga, namiss ko kayo." yakap ko sa kanila. Limang bata sila na laging kausap dito. Ang dadaldal kasi nila.
"Ate mangga oh! Pasalubong ko sa iyo." pag papacute ni Tomtom.
"Salamat, kayo talaga. Oh, siya si kuya Dallas. Batiin nyo."
"Hi kuya Dallas!" sabay sabay nilang sabi at natawa si Dallas sa kanila.
"Kumusta kayo?" bati ni Dallas. Medyo may alam si Dallas na ilang salita. Tinutubuan ko siya, pero pakiramdam ko nakakaintindi siya talaga, ayaw lang mag sabi.
"mabuti po!"
"Tara kain tayo." sabi ko sa kanila at lumapit na kami sa cart.
Kanya kanya na kaming order. Kumuha ako ng squid balls, qwek qwek, kikiam at fish balls. Kumuha ako ng dalawang baso ng sauce para sa maanghang at di maanghang. Sa isang malaking lalagyan nakalagay yong mga kinuha ko. Kumuha din ako ng isang bote ng Mountain dew at nilagyan ng straw.
BINABASA MO ANG
As I Thought So (Dallas and Mazee)
عاطفيةThis will be another gxg story :'). I never expected this to happen in my life.. Sa isang iglap lang yumaman ako at nagawa ko ang mga gusto ko. My name is Mazee and I am the lucky girl! I bring luck to people around me and thats why they kept me o...