30

996 73 36
                                    

Lakas loob akong pumunta sa building nila Dallas. Gusto ko kasi sana siyang makita at susubukan ko na invite siyang mag dinner. Nakasandal lang ako sa may labas. Bandang 6PM, sigurado ako na naghahanap siya ng coffee. Ayaw nya ng mga instant coffee sa mga opisina.

I patiently waited for her. Hanggang sa nakita ko siyang pa palabas na ng building nila.

I checked my self for the last time.

Maayos naman ang suot ko; blouse, jeans at high heels. Sanay na akong magsuot nito lalo ayaw kong magmukhang maliit dito sa New York. Nasa 5"3 lang ang height ko at sa tinimgin ko ay nasa 5"9 si Dallas.

Matatangkad kasi mga taga dito.

Nang makalabas na siya.

Lakas loob ko siyang tinawag.

"Dallas.." kunot noo siyang napalingon. Bahagya syang parang nagulat sa akin. Ngumiti ako sa kanya.

Sabi ni Jay, mag smile lang daw ako. Wag daw puro simangot.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Photos not mine ctto

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Photos not mine ctto.)

Lumapit ako sa kanya ng nakangiti at napalitan agad ang expression ng mukha nya ng pagiging seryoso.

"What do you need?" tanong nya. "Aren't your parents are waiting for you." sarkastiko nyang tanong.

"Can I invite you for a dinner?" tanong ko sa kanya at aminado ako na sobrang kabado ako. Ngumisi siya.

"No thanks." sabi nya at tumalikod. Agad naman akong humabol sa kanya at sinabayan siyang maglakad. Mabilis siyang maglakad at malalaki ang hakbang nya.

"I won't be nosy. I promise." sabi ko sa kanya. Hindi naman nya ako pinansin. Deretso lang siyang naglalakad.

"I just want to eat with you." dugtong ko at nabunggo ako ng babae na nag lalakad. Hindi ko kasi ito napansin dahil kay Dallas ako nakatingin.

Bahagya akong nalungkot. Dati, hihilahin nya ako at sisiguraduhin na hindi ako mabubunggo. Yon bang pino-protektahan nya ako.

Natapilok ako at sobrang sakit non.

As I Thought So (Dallas and Mazee)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon