51

763 57 15
                                    


"Mazz, wait." tawag ni Liam sakin. Napakakulit din nyang talaga at alam naman nya na ayaw ko syang kausapin.

Dahil sa pag mamadali ko bahagya kong na itulak si Dallas papasok sa kotse at nagmamadali na pumasok sa kotse.

"Excuse me, Miss?" tanong ng driver.

"Can you drive now, let's go, please." tugon ko sa driver.

"Let's go." sabi ni Dallas dito at may binulong. Hindi ko na gaanong napansin dahil kumakatok si Liam sa bintana ng kotse at tinatawag ako. Yumuko lang ako.

Pinaandar na nang driver ang sasakyan.

Napabuntong hininga ako nang matanaw ko na tila humabol pa si Liam.

"You're going home, right?" tanong ni Dallas at saka ko lang narealize ang ginawa ko sa kanya.

"Fudge!" bulalas ko. "I am so sorry." hingi ko nang paumanhin sa kanya at na patingin sa phone ko na naghihintay ang driver. Nag text at nagbayad nalang ako sa driver online dahil sa iba pala ako nakasakay.

"Its fine. Are you okay, tho?" tanong nya.

"Yes, I am okay."

"Can we talk some other time?" tanong nya.

"I don't know. I'm busy." tipid kong sagot.

"Oh okay.." tipid nyang sagot.

Iba ang tibok nang puso ko. Halo halo ang emosyon ko.

Tumigil ang sasakyan sa building ng unit. Kumuha ako nang cash para magbayad pero hinawakan ni Dallas ang kamay ko.

"It's fine. It's on me." nakangiti nitong sabi at parang na kuryente ako sa kanya at binawi ang kamay ko.

"Thank you." sabi ko at bababa na sana ako nang again nya ang braso ko.

"You owe me a coffee."

"Okay, next time." bigla kong sagot at nagmamadaling bumaba nang sasakyan. Gusto ko nang mapag isa. Masyadong masikip ang space saming dalawa kaya di na ako nakipagtalo para di na humaba ang usapan.

Nang makauwi ay nagmamadali na akong pumasok sa banyo. Na sstress ako sa mga nangyayari sa buhay ko. Gusto kong magbabad sa tub.

Gusto kong umalis ngayon sa New York. Napakasikip ng lugar na ito ngayon.

Bakit kasi ang komplekado ng nangyayari sakin? Bakit ba parang ang malas ko?

Matapos ko magbabad ng ilang oras ay pumasok na ako sa kwarto. May nakita akong envelop sa mesa ko. Mukhang galing kay Quinn to.

Pag bukas ko ng envelop at nagulat ako sa nabasa at nakita ko.

Hindi ako makapaniwala.

Kung kanina tila walang luha sa mga mata ko, ngayon ay sunod sunod itong lumabas.

Sa sakit na nararamdaman ko, nabitawan ko ang mga papel na yon at ang notebook.

Hindi ko alam.

Sobrang sakit.

Naiinis ako sa kapalaran ko.

Naiinis ako sa lahat.

Pero wala ng mababago pa. Nangyari na ang nangyari.

Pagod na pagod na ako.

Useless na ito.

Hindi na maibabalik ang kahapon. Wala nalang akong nagawa kundi ang umiyak. Lahat ng sakit bumalik.

Nalaman ko nga ang lahat pero may magagawa pa ba? Sobra na akong nasaktan. Marami na ang nangyari.

Pero, yong sakripisyo na ginawa nya? Yong hinagpis na inabot ko?

As I Thought So (Dallas and Mazee)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon