31

964 68 17
                                    

May limang araw pa bago yong araw na yon. Masaya ako at gusto kong paghandaan ng mabuti.

Nagpahinga ako at di na ako naglakad lakad pa para gumaling na agad ang paa ko. Hindi naman pwede na may injury ako sa araw na yon.

Yong tungkol sa investment sa salon ni Alexi na dapat pag uusapan namin doon ay sa restaurant nalang kami ng hotel nagkita. Binigay nga lahat ng information, possible gains at plans. Binigay nya sa akin ang kopya at sinabi na siguraduhin ko muna. Plano ko rin kasi itong itanong kay Miss Vina, pero mag iinvest pa rin ako lalo na at naka sabi na ako sa kanya. Hindi ko masabi pero komportable ako kay Alexi at may tiwala ako sa kanya. Hindi naman gaanong malaki ang kailangan at nukha namang maganda rin ang magiging return sa akin.

Next week nalang daw namin pipirmahan ang contract kasama ang abogado na mag nonotarized non. Isa yon sa mga gusto ko sa kanya. Hindi nya ako minamadali.

"By the way Alexi. Do you know any apartments that I can stay?" tanong ko sa kanya.

"Hmm.. Let me see." napapa isip nyang sabi. "The cozy and affordable apartments that I know here were full. Other apartments are too expensive. You know cheap ones are quite.. messy and old."

"That's sad. I hope to find one soon. I've been staying here for more than a week and I would like to look for an apartment since that I might stay here for longer time.." sabi ko.

"We have an extra room in my place. It is just nearby the salon. The place is big for my cousin and I. Since you are a friend and a sister to me and Hanna, we would be happy for you to stay with us. I promise I won't ask you for a high rent or share! " biro nya at masaya nyang alok, gusto ko sana na sarili ko lang.

"It looks like you want your own. Just stay with us until you find a place. At least you would save more." sabi nya at hinawakan ang kamay ko. Natutuwa ako sa kanya dahil para ko na siyang kapatid. "Also, it's hard to live by your own." nag aalalang sabi nya.

Minsan sa ibang tao mo pa mararanasan ang ganitong care kaysa sa sarili mong mga kapatid at pamilya.

"Thank you, Alexi." masaya kong sagot.

"Great! So go ahead and pack your things and let's go now. I'll just call Hanna and let her know to prepare your room. I'll wait for you." sabi niya at kinuha ang phone nya. Ngumiti ako sa kanya at umakyat na para kunin ang gamit ko. Isang maleta lang naman iyon at naayos ko agad. Nag check out na rin ako.

Tinulungan nya akong isakay sa sasakyan nya yong maleta at pumunta na kami sa unit nila. At dahil daw isa akong hobbit ay siya na ang nagdala ng gamit ko. Masaya akong sinalubong ni Hanna at niyakap.

"I am so happy that you will be staying with us!" excited na excited siya. "Here's the key for you room!"

"Thank you Hanna!" sagot ko.

Malaki ang unit nila. Malinis at modern ito. Sakto ang laki ng kwarto na binigay nila sa akin. May single size bed, lamesa at upuan. Salamin naman ang sliding door ng built in cabinet. Ang cute ng kwarto at nagustuhan ko yon. Sakto lang sa akin.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
As I Thought So (Dallas and Mazee)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon