01

3.9K 118 7
                                    


Bagot na bagot ako ngayong araw. Rest day ko sa trabaho. Pakiramdam ko na drain talaga ako. Sobrang busy kasi noong mga nakaraang araw.

Gusto kong mag movie marathon pero nakakatamad din naman. Ang boring talaga ng buhay ko kahit kailan. Sobrang nakakatamad na!

Kinuha ko ang phone ko at binuksan ang data. Nag check ako ng kung anu ano sa facebook at may nakakuha daw ng jackpot sa lotto. Trending yon paano ba naman kasi, highest jackpot price kaya yon. 383million ba naman. Oh saan ka pa?

Pati nga ako napataya sa lotto pero hindi ko na aasahang manalo ako. Suntok sa buwan kaya yon. Si daddy at si kuya nga na ang tagal ng tumataya sa lotto ay hindi pa pinapalad. Paano pa kaya ako? Maputi na buhok ni daddy pero di pa rin siya nananalo.

Sige pa akong scroll ko sa mga post sa facebook.

Grabeng trending talaga.

Winning numbers..

03 - 12 - 21 - 33 - 18 - 44

Pakiramdam ko mahihimatay ata ako sa nakita ko. Nahilo ako sobra. Ang bilis ng tibok ng puso ko.

Tinitigan ko itong muli.

Napakit ako.

Huminga ng malalim.

Gusto kong sumigaw..

Paano kasi.

Isang number nalang panalo na ako.

Nabwesit ako sa nagpost ng winning numbers na yon. Sana 45 nalang yong huli. Pero okay na yon dahil may panalo pa rin naman ako sa
5 digits na tinayaan ko.

Nag open ako ng browser para malaman ko kung paano mag claim ng panalo.

Nagulat nanaman ako at pakiramdam ko talagang mahihimatay na ako.

"Ano ba talaga!!!!" Gigil na sabi ko.

"45 ba talaga ang huling number?" Pakiramdam ko frustrated ako.

Binalikan ko yong post na nakita ko sa FB.. edited na nakalagay. Yong number na itama na sa 45!!!'

"Totoo ba talaga to?" Gulat na bulalas ko sa sarili. Para akong ewan sa kinahihigaan ko. Hanggang ngayon hindi talaga ako makapaniwala. Pagulung gulong ako sa higaan ko. Ilang ulit kong tiningnan ko yong winning numbers.

Panalo ako!

Ang swerte ko!!!

Hindi ko muna kinuha agad yong pera dahil mahirap na at manakaw sakin. Baka pera na maging bato pa. Hindi ako mapakali sa kakaisip kung ano ang mga gagawin ko. Pwede ko ng mabili lahat ng gusto ko at matupad ang mga pangarap ko.

Magagawa ko na rin yong nasa bucket list ko.

Excited na rin akong ibili ng van yong tatay ko kasi matagal na nyang gustong magkaroon ng ganon. Susurpresahin ko siya, pati yong dalawa kong kuya na close na close ko.

---------------

Excited ako ng sobra sa flight ko. Pupunta kasi ako ng America ngayon. Matutupad ko na ang isa sa mga bucket list ko.

As I Thought So (Dallas and Mazee)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon