Matapos ng nangyari na yon sa mall ay di na kami gaanong nag usap ni Dallas. Hindi ko alam pero parang napagod at disappointed ako sa kanya.
Nakakainis talaga ng sobra!
Mas okay pa na si Joan o Felicia ang I-date nya dahil mukhang maayos sila. Pero sa isang gold digger pa? Oo, maganda siya pero walang kwenta ang ganda niya sa pag ugali nya. Ang kapal pa ng mukha na ipadala sa akin ang gamit nya at mag utos. Isa siyang gold digger na social climber.
Ni minsan hindi ako nag pabili ng kung ano kay Dallas. Ganon ba sya ka desperado na kalimutan ako? Siguro dahil magaling sa kama yong babae na yon. Sabagay mukha siyang FG! Naiinis talaga ako ng sobra.
Hanggang sa pag uwi ko ay hindi maganda ang timpla ko. Buti nalang at restday ko na. Dalawang araw ko rin siyang di makikita. Papahinga na muna ako sandali.
Himbing na Himbing ang pagtulog ko nang may mag text sa akin. Nakita ko ang message ni Dallas.
"Be here in my place at 10am. You have some work to do."
Tamad na binato ko ang phone ko at padabog na bumangon. Oo nga pala, kahit weekends ay on call ako. 8AM na sa relo at naisipan ko ng mag asikaso.
Simpleng shorts at blouse lang naisipan kong suotin. Nag suot ako ng AF1 na shoes na nag match sa kulay ng cream kong blouse. Yong cute na ladies backpack ang dala ko at tinali ang buhok na may ka taasan. Nag make up ako dahil nakasanayan ko na to.
Saktong 10 AM na ako nang makarating ako sa kanila. Medyo matagal akong kumakatok at bumukas ang pinto at nilabas ang pawisang si Dallas.
Haaay. Bakit ang gwapo nya? Sobrang attractive.
"Sorry, I was on the roof." sabi nya at pinapasok na ako sa apartment nya. Nakita ko agad ang mga files sa center table ng sala at bahagyang magulong unit nya.
"I just need you to work on that." sabi nito at walang imik akong lumapit na sa gagawin ko. Mukha namang napansin nya na naiinis pa rin ako sa kanya. Naupo na ako sa sahig at inayos yon. Umakyat naman na siya at siguradong sa buong sya babalik. Napaka rami ng documents at naalibadbaran ako sa kalat kaya niligpit ko na muna yon. May mga tasa, baso. Box ng pizza, chips, beer at soda in can.
Nakakainis ang kalat! Ipinusod ko ang buhok ko at saka inalis at nilinis ang sala. Maayos naman sa kusina maliban nalang sa mga naka tambak na baso na huhugasan. Hinugasan ko muna yon at naglampaso na rin. Sigurado sa kwarto nya ay magulo rin.
Namiss ko ang lugar na ito.
Nang malinis na ay saka ako nag ligpit. Napansin ko rin na wala na yong mga frames na picture namin. Sabagay, ano pa ba ang aasahan ko?
Nalilito ako sa mga files nya. Masyado itong magulo. Maya maya ay bumaba siya at dumeretso sa kusina.
"You do not need to clean the house." cold nyang sabi pero di ko siya pinansin dahil naka concentrate ako sa ginagawa ko. Ganito ako kapag naka focus.
Maya maya nag ring ang phone ko. Hindi ko rin ito pinapansin dahil ayaw ko na mawala ako sa focus.
"Alexi is calling you" sabi nya habang may hawak na tasa at nakatingin sa phone ko. Hindi ko siya sinagot dahil nakatuon ang atensyon sa trabahong tinatapos ko, malapit ko na kasing maayos itong document na isa at may files pa ako na kailangang i-encode.
"Why is she still calling you?" tanong nya pero wala pa rin akong imik. Nagulat na lang ako nang bigla nya akong hablutin sa braso.
"Why are you ignoring me?" may inis sa tono ng boses nya na sabi nya habang nakatitig sa mga mata ko.
"Ano bang problema mo?" Tugon ko sa sobrang inis. "I'm working!" alam ko naintindihan nya ang unang sinabi ko. Tumutulo ang pawis at namumula ang mga pisngi nya. Ang pupula talaga ng labi nya. Bahagya kong nakagat ang ibabang labi ko. Nakakaakit talaga ang ganda n'ya.
BINABASA MO ANG
As I Thought So (Dallas and Mazee)
RomanceThis will be another gxg story :'). I never expected this to happen in my life.. Sa isang iglap lang yumaman ako at nagawa ko ang mga gusto ko. My name is Mazee and I am the lucky girl! I bring luck to people around me and thats why they kept me o...