Nakatanggap ako ng tawag kay Alice kinaumagahan na hindi pa daw sila makakauwi. Nasabi ko sa kanya na sa hotel muna ako nag stay. Alam ko nag aalala rin siya sa akin pero sinabi ko sa kanya na kaya ko naman ang sarili ko. Marami pa akong oras at araw dito sa NYC. Iniisip ko na mag extend pa ng visit. Masyado na akong nawiwili rito.
Nawiwili nga ba? O gusto pang makasama at makilala si Dallas.
Aaminin ko, gusto ko siyang mas makilala pa. Kakaiba siya. I want to dig dipper into her life. Posible ba yon na bigla ko siyang magustuhan? Sa isang iglap, para na siyang tumanim sa puso ko. Sinabihan ako ni Alice na umalis si Claire ng bahay kaya naisipan kong dumaan muna para kumuha ng gamit. Lalo na para sa gagamitin ko mamayang gabi sa dinner namin ni Dallas.
Hindi sa kailangan kong mag ayos. Kailangan ko lang maging presentable.
Lumabas na ako ng hotel at inaalala yong dinaanan namin ni Dallas kagabi. May nakita kasi akong parang masarap na cafeteria. Gusto ko sana munang kumain.
Medyo malayo layo na ang nilakad ko at para na akong nawawala. Madilim kasi kagabi kaya medyo nalito na ako. Dumertso na ako dahil may nakita akong taxi lane sa di kalayuan. Mabilis ang bawat lakad ko at laking gulat ko nang may nakabungguan. Mabilis nito akong nahawakan sa braso at hinila papalapit sa kanya. Tumilapon naman ang hawak nyang kape.
Nakatitig ako sa faded blue eyes niya. Bumilis ang tibok ng puso ko. Her scent is sweet and fresh.
"You okay?" Tanong niya. Tumango ako.
"What are doing here?" Tanong ko.
"I live here nearby. I just grabbed some coffee." Sagot niya at napatingin ako sa natapong kape. Parang antok na antok pa siya.
"You look so tired. Are you going to school or work?" Tanong ko.
"I studied last night because I can't sleep. I dont have a work or school today." Nakangiti nyang sagot.
"Just coffee for breakfast?" Tanong ko.
"Yup." Sagot niya. "Where are you going this early?"
"I need to get some stuff at home while Claire is away." Sagot ko sa kanya. Biglang naging seryoso ang mukha nya.
"I'm coming with you then." Seryosong sabi nito at hinawakan na ang kamay ko. "I'll just get my car."
"Dallas, you don't need to. I'm fine." Sabi ko dito pero derederetso lang nya akong hinila patungo sa sasakyan nyang naka park sa di kalayuan. Binuksan nya ang passengers seat.
"Get in." Utos nito. Bago pa ako mag react ay inalalayan nya na ako para makasakay. Nang maisara ang pintuan ng kotse ay umikot na siya para sumakay sa drivers seat.
Simpleng pants, longsleeve at jacket na gray ang suot niya. Pero ang lakas ng dating niya. Ang gwapo talaga niya.
Seryoso na siyang nagdrive papunta kila Alice. Maagap siyang bumaba at pinagbuksan ako.
"I'm such a bother." Nahihiya kong sabi sa kanya.
"You're fine." Ngiti niya sa akin at hinalikan ako sa noo na syang nagpabilis sa tibok ng puso ko. Para akong natutulala sa mga ginagawa nya.
"Let's go." Sabi nya na nagpabalik sa diwa ko. Binuksan ko ang pintuan at hawak kamay kaming pumunta sa kwarto ko. Kumuha lang ako ng isang bag at naglagay ng ilang kailangan. Napasin ko naman na prente siyang nakaupo at nagmamatyag sa paligid. Wala kasi akong gaanong gamit dito. Nagbabakasyon lang naman ako.
"Do you have plans to stay?" Tanong niya at naupo sa kama.
"It depends." Sagot ko. Kunot noo siyang tumingin sakin. "My family is in the Philippines. But it's always been my dream to be in NYC someday and here I am."
BINABASA MO ANG
As I Thought So (Dallas and Mazee)
RomanceThis will be another gxg story :'). I never expected this to happen in my life.. Sa isang iglap lang yumaman ako at nagawa ko ang mga gusto ko. My name is Mazee and I am the lucky girl! I bring luck to people around me and thats why they kept me o...