Halos 2 weeks din ako sa California at nakilala ko rin si Dakota.
May kamukha sya nang sobra. Minsan di ko maiwasan na di sya pakatitigan dahil sa may kamukha talaga sya. Kapag nahuhuli nya akong nakatingin at ngingiti lang sya.
Oh my gee! Alam ko na bend ako ni Dallas. Pero, di pa ako talaga na attract sa girl talaga. Yong kay Quinn kasi biro biro lang yon dahil sa alam namin yong kwento sa buhay namin. Kaibigan at kapatid lang tingin ko kay Quinn. Though, she's cute. Minsan naiisip ko, paano kaya magkaroon na kasintahan na mas girly pa sa akin?
Wala akong nagawa at napainvest sa advertising and publishing company nila. Mukhang maganda naman ang results at sa tingin ko ay maganda ang profit. May magazines, advertisements at book publication. So far, risky pero okay lang itry dahil may insurance.
Okay, bakit sa ganito ako swerte? Haaay, sabagay. Hindi natin makukuha lahat. Pero, simpleng buhay lang gusto ko. Simple lang..
Buti, andyan si Maryland at financial advisor ko. Successful naman, sobra sobra na ang meron ako. Masaya na ako sa salon at cake shop.
Successful ang maliit kong cake shop at mga salons business namin nila Alexi. Gusto ko ring maransan ang office work at dahil gusto ko rin sila matulungan kahit paano. Family business daw at kailangan nila ng investors para di sila magsara. Risky, pero hindi ko alam. Maganda naman ang plans na nilatag nila at may insurance.
Plano kong bumalik sa Pilipinas nang ilang buwan pagtapos sana sa California. Pero, may kailangan pa akong ayusin sa cake shop bago makaalis.
Dumeretso na rin ako sa cakeshop agad agad para sa files na kailangan.
"How are you?" Tanong ni Mazee pagkapasok ko sa opisina ng cake shop.
"Same as usual." Tipid kong sagot.
"Are you still mad at me?" Alalang tanong nya. Ngumiti naman ako sa kanya.
"Maybe, if you could date me." Biro ko sa kaibigan ko.
"So Funny, Mazz." Natatawa nyang sagot. "I really wish I were your type."
Saka ako tuluyang natawa.
"I missed you." Sya namang sabi nya.
"Likewise. I missed Hansen too."
"Sama ka sa apartment for dinner? Doon ka na rin muna mag stay para makasama mo si Hansen bago ka umuwi nang Pinas." Alok nya.
"Sige..namiss ko rin ang bata." Sagot ko habang tinitingnan yong mga documents.
"Okay na halos yan. For finalizing mo nalang." Sabi nya.
"Salamat Quinn." Baling ko sa kanya. Minsan napapaisip pa rin ako, sobrang swerte ko sa negosyo. Di ko akalain na mag kaka cake shop ako dito sa NYC. May ilang branches na rin kami nang Salon nila Alexi.
Napadaan lang ako sa Salon nila at di inaasahang magkakatrabaho ako sa kanila. Ngayon, nakakita ako halos nang pamilya sa kanila ni Hanna.
Maaga kaming nagsara para pumunta kila Quinn. Di ko maalala kung saan yong apartment nya. Nong umuwi kasi ako non, lutang pa ako dahil sa trauman.
Pero, napapansin ko pamilyar ang daan.
"Quinn, is it really the right way to your apartmemt?" Alanganing tanong ko nang makababa kami sa kotse.
"Of course." Sagot naman nya at hinawakan ang kamay ko saka hinila. Marami namang apartment sa area na to, kaya ayaw ko mag overthink. Napansin ko rin na sige syang tingin sa phone nya.
"Quinn, wait." Huminto ako at binawi ang kamay ko. "Are you up to something?"
"Mazz, come on. We will just go to my aparment unit." Sagot naman nya sakin.
BINABASA MO ANG
As I Thought So (Dallas and Mazee)
Roman d'amourThis will be another gxg story :'). I never expected this to happen in my life.. Sa isang iglap lang yumaman ako at nagawa ko ang mga gusto ko. My name is Mazee and I am the lucky girl! I bring luck to people around me and thats why they kept me o...