34

1K 80 21
                                    

Pagka balik ko sa opisina at binigay na sa akin ni Shirley ang ID ko. Siya yong medyo masungit sa front desk. May dala akong dalawang coffee. Yong utos ni Dallas at para sa akin dahil hindi pa ako nag almusal din. Masyado kasi akong excited na pumunta dito at ayaw kong ma-late sa first day.

Pag kapasok ko sa office nya ay nasa may sofa sila nakaupo kasama yong Joan. Napatingin sila sa akin.

"Make sure to knock first." seryoso nyang sabi at binalik na ang atensyon sa documents na parang inaaral nila.

"You must be her assistant. You look quite familiar." napapaisip na sabi nya. "I think I saw you somewhere. And, you are pretty cute."

"Can we go back to business." seryosong sabi ni Dallas. Lumapit naman ako sa kanya para iabot na ang kape nya.

"Is that mine?" tukoy nya sa isang kape na hawak ko. "You're so thoughtful, Dallas." tumayo sya saka kinuha yong dalawang kape sa kamay ko at inabot ang isa kay Dallas.

"Akin yon ee." buong ko sa isip. Inilabas ko nalang sa paper bag yong sinamon at French toast na dapat ay para sa akin. Kaso nakakahiya naman kung si Dallas lang ang kakain. Nilapag ko sa lamesa ang pagkain nila at siya namang abot nya sa akin ng makapal na documents.

"I need 3 copies of that documents after you sorted out all the documents in your table." utos nya. Tumango nalang ako at lumapit sa table ko. Maraming files ang pinapaayos nya at may naka-pin naman na instructions kung ano ang dapat kong gawin. Hindi naman mahirap mag sort out ng files. Nakakahilo lang talaga sa dami. Medyo natagalan ako bago ko yon matapos at tumayo na ako para naman gawin yong utos nya na I-photocopy yong files.

Pinanood ko yong na unang gumamit ng xerox machine at nakuha ko naman agad. Habang lumalabas ang kopya ay agad ko naman itong in aasikaso para ayos na pag inabot ko sa kanya.

"Hey. I thought you were a client. You didn't tell me that you'll be working here." sabi ni Atty. Howard na biglang sumulpot at may dalang tasa ng kape. Tipid lang ako na ngumiti sa kanya dahil busy ako sa ginagawa ko.

"We might be seeing each other more often." nakangiti nitong sabi. Tumatango lang ako at medyo naiinis ako kasi ang daldal nya. Marami pa akong gagawin dahil base doon sa instructions ang susunod ko na gagawin ay isaayos sa shelf yong mga na kakalat na libro.

Pasalamat nalang ako dahil nag paalam na siyang umalis. Nilagyan ko ng pala tandaan yong mga files at bumalik na sa opisina nya. Busy pa rin sila sa case at kahit yong secretary nya ay abala din laging may sinasagot na tawag.

Inilagay ko sa folder ang mga documents at saka inabot kay Dallas. Inabot ni Atty Joan yong isang copy at nilagay sa gilid ng lamesa kaso nong aabutin nya yong kape ay natabig nya ito at natapunan ng kape.

"oppss sorry" parang natatawa pa siya. Kumuha naman ako ng napkin para punasan yong kape sa lamesa.

"Mazee, have that photocopied again." utos ni Dallas. Walang imik ko naman na kinuha yon at lumabas.

Pagkatapos ay bumalik ako uli at inabot kay Dallas. Inabot nya ito na di nakatingin sa akin kaya parang nabitawan lang nya at nag kalat ang files. Wala siyang imik at kinuha ko nalang din.

"I'll just arrange this." sabi ko at pumunta na sa table ko. Hindi naman mahirap ayusin kasi may page number. Nang matapos ko ay iaabot ko na sa kanya kaso di siya nakatingin at baka mahulog nanaman kaya Nilapag ko sa table. Hindi na nya ako pinansin kaya inayos ko naman yong mga libro na sunod nyang utos.

Hindi pa ako tapos kaso medyo nagugutom na ako. Debale mamayang lunch nalang ako kakain. Kaya pa naman. Napansin ko na umalis na si Atty. Joan at nag liligpit naman si Dallas.

As I Thought So (Dallas and Mazee)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon