"Hey.. What's up?" bati ni Robbie pag kauwi ko galing bakeshop. Tiningnan ko lang sya at dumeretso sa cr para uminom ng tubig.Napansin ko na sumunod sya.
"Did I do something?" alalang tanong nya.
"Im not in the mood. I'm just tired." sagot ko. Binuksan ko ang laptop na naiwan ko kanina sa kitchen table. Naghahanap kasi ako ng ticket at mag iisip kung saan muna ako pupunta.
Sa totoo lang naiisip ko pumunta sa isang malayong lugar mag isa.
"You seems to be avoiding me for a week now?" narinig kong sabi nya at tumabi sa akin.
Isang linggo na, mula nong huling kinikontak ako ni Miss Stranger.
Nakausap ko sya nong araw na dapat magkikita kami. Kailangan daw nyang umalis ng banda para sa trabaho nya.
Masyado syang busy.
Nadisappoint ako. Aaminin ko na inaasahan ko ang araw na yon.
Para akong nalungkot sa totoo lang. Gusto ko sana syang makasama talaga. Kailangan ko siya. Gusto ko sanang makalimot sa lahat ng iniisip ko.
Nilunok ko ang pride ko at lakas loob na tinanong ko sya kung saan sya pupunta at kung pwede ko ba syang samahan. Pero tinanggihan nya ako at bahagyang tumawa.
Nasaktan ako nang tawanan nya ako.
"Are you out of your mind? That is imposible." Natahimik ako nang sinabi nya yan.
Parang laro lang ito sa kanya.
Sabi ko kaya ko namang sumama sa kanya. May pera naman ako. Hindi ako pabigat.
Ayaw ko isipin nya na nahuhulog ako sa kanya.
"I also have some money to spend. I just need to loosen up. I want to go on a vacation and spend some time with you too. Maybe, I can come with you." Halos kabado kong sabi.
"Look, I am really busy. I am sorry and it is not a vacation. It is work, Miss Stranger. Lets keep everything like this for now." Nahimigan ko sa boses nya ang pagtawa. Para ding may kasama syang ibang tao. Nafrustrate ako at binaba ko ang tawag. Tumawag muli sya pero di ko na sinagot.
Pinatay ko na ang phone ko mula non. Ayaw ko na syang kontakin. Siguro mas okay na to. Hindi namin kilala ang isat isa.
Isa lang syang stranger na dumaan sa buhay ko. Para, hindi masyadong masakit. Aminado naman ako na gusto ko sya. Umasa ako na baka pwedeng maging kami, pero mukhang imposible.
"Mazee!" muling tawag ni Robbie. Napansin ko ang inis sa boses nya. "I'm asking you."
"Didn't I tell you I am just tired." cold na sagot ko sa kanya.
"I know youre cold as ice, but you are not like this." seryoso nyang sabi. Napanbuntong hininga ako at inopen ang messenger sa laptop saka nag message kay Quinn na pupunta ako sa kanila. Nasa shop pa sya ngayon at sya ang mag sasara.
Kinuha ko ang bag ko sa lamesa at pinatay na ang laptop.
"Where are you going?" tanong ko.
"I'm meeting Quinn." sagot ko naman. Hinila ako ni Robbie at sinaldal sa pader. Mas lalo akong nainis sa asal nya.
"you are totally avoiding me!" inis nyang sabi.
"I'm just not in the mood." inis kong sagot. Aalis na ako pero tinulak nya uli ako sa pader na mas kinainis ko kaya bahagyang tinulak ko rin sya para makaalis. Nagsukatan kami nang tingin at para syang nagulat na nagtataka sa way na titigan ko sya.
BINABASA MO ANG
As I Thought So (Dallas and Mazee)
RomanceThis will be another gxg story :'). I never expected this to happen in my life.. Sa isang iglap lang yumaman ako at nagawa ko ang mga gusto ko. My name is Mazee and I am the lucky girl! I bring luck to people around me and thats why they kept me o...