42

850 68 12
                                    

Malapit na yong party na sinasabi ni Robbie at wala pa akong naaasikaso. Hindi rin ako kasi mapakali at kinakabahan ako kay Liam. Hindi kasi siya nag memessage o tumatawag man lang. Sa totoo lang nakakainis kapag ganito.

Na-trauma na ata ako.

Iba siya..

Yan ang lagi kong sinasabi sa sarili ko. Pero lagi ko rin naman hinahanda ang sarili ko sa mga posibilidad.

Ayaw ko na masaktan pa.

Mahal ko si Liam..

Pero sobrang takot ako.

Ang dami kong kinatatakutan.

Alam ko rin na mahal nya ako.

Masyado lang siguro akong nag ooverthink.

"It seems that something is bothering you?" saka ako napabalik sa ulirat nang agawin ni Robbie ang atensyon ko.

Inagaw nya kasi ang kape ko na knina ko pa hinahalo. Ininom nya ito.

"uggh, it is no longer a hot coffee. Will you keep stirring this to make it cold coffee?" bulalas nya pero ininom nya parin ang kape ko.

"Hey, I already drank that!" tugon ko sa kanya at akmang aagawin ko yon pero ininom nya na ito.

"Your coffee is sweet.. And a lil' bit cold like you." medyo matalinhaga nyang salita. Halos lahat sinasabihan ako na cold. Mostly daw sa expression ko. Kahit si Liam, tawag nya sakin 'ice princess'.

Hindi ko alam kung bakit. Saan ba ako cold? Hindi ko talaga alam.

"So tell me what's bothering you?" muli nyang tanong.

"not much.." tipid kong sagot

"come on, spill it out!" pangungulit nya

"I was just overthinking about Liam. But, Im fine. I just missed him." sagot ko.

"hmmm.." tanging tugon nya at inoobserbahan ako. Yong way nang pagtitig ni Robbie, parang si Dallas. Tumatagos ang titig nya na tila binabasa ka.

"If you say so." kibit balikat nyang sagot. "Just in case, you can tell me. I am all ears and Alexi."

"Thanks.. Uhm..." huminga ako nang malalim.

"yes?"

"Have you been in a relationship or are you in a relationship?" lakas loob kong tanong.

"no, but if you want, we can be in a relationship.." sagot nya at tumaas ang sulok ng kanang labi.

"You're already my sister, right?" syang tugon ko at tinaas ang isang kilay sabi ngisi sa kanya.

"We can be more than sisters.." muli nyang sabi at nag lean sa lamesa papalapit sakin. Bahagya nyang kinagat ang ibabang labi na kinabasa nito. She has pinkish thin lips. Napatingin ako sa lips nya. At nang mag angat ako ng tingin sa mga mata nya ay nakatingin din ito sa labi ko.

May pag kapilya nga pala itong so Robbie. It feels exciting to play with her. I am still attracted to lesbians. Maybe it is a part of me that will never change.

"I like your lips.." bigla nyang sabi. "It looks soft."

Nilapit ko pa ng kunti ang mukha ko sa kanya. Iilang pulgada lang ang pagitan.

"Would you kiss your sister? It is incest.." ngisi ko muli sa kanya at medyo nilapit pa ang mukha sa kanya.

Bigla syang napaatras at napabuntong hinga.

"You already belong to someone else.." saka binaling ang atensyon sa tasa ng kape.

Sumandal muli ako sa upuan at ngumisi.

As I Thought So (Dallas and Mazee)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon