Epilogue

1.4K 63 61
                                    

Yong akala mo na magiging okay ang lahat sa ginawa mong desisyon..

Yong akala mo magiging masaya ka.

Pero hindi.

Walang nagbago. Ganon pa rin.

Umuwi ako sa Pilipinas para magbakasyon. Tulad nang dati, pinuntahan ko ang pamilya ko. Sa kabila nang lahat, pamilya ko sila. Wala naman na akong planong bumalik. Gusto ko lang sila makita. Alamin kung kumusta na sila.

Masaya naman sila na wala ako.

Tila hindi nila ako hinahanap, o sadyang kinalimutan na nila ako.

Kasalanan ko ba na ganito ako? Hindi ko naman pinili ito. Kung tinago ko, siguro okay pa rin kami. Kung di ko nakilala si Dallas, hindi ito mangyayari.

Pero, wala namang kasalanan si Dallas sa lahat. Minahal ko sya. Kung straight naman ako, di naman nya ako siguro mabebend. Maybe, ito lang talaga ako. Sa mga oras na yon, pareho pa rin kaming bata. What if lumaban sya, pinaglaban nya ako at di sya tumakbo? Ano kayang nangyari samin?

Hindi ko rin maiwasan na hindi isipin ang mga possibilities kung ganito o ganon ang nangyari. Sa kabilang banda, umasa rin ako. Umasa lang ako..

Habang nakatingin sa bahay namin. Nasasaktan parin ako sa nangyari. Kahit sobrang tagal na. Lahat nang nagawa ko para sa kanila, parang nabale wala lang. Naalala ko, sobrang saya nang magulang ko nang mapaayos namin ang bahay. Yong mabigyan ko sila nang pangarap na negosyo nila.

Money can't buy happiness.

Ang pinakamasakit ay ang di pagkampi sakin nang tatay ko. Nakakausap ko iba kong kapatid, pero wala silang nababanggit tungkol sa magulang ko.

Minsan feeling ko na-take for granted nalang ako.

Nakakalungkot isipin na itatakwil ka nang tuluyan nang pamilya mo. Yong dahil na hindi ako straight ay halos yurakan na ang pagkatao ko. Gusto pa akong ikasal sa taong halos humalay na sakin.

Alam ko naman na nasasaktan lang sila, pero paano naman ako? Hindi ko kayang piliin ang mga bagay na gusto nila para sakin. May sarili naman akong pag iisip. Hindi pwede na puro pagdidikta nalang.

Sobrang sakit parin..

Tumulo ang luha ko at pinaandar ang kotse na nirentahan ko dito sa probinsya paalis. Ayaw ko naman na makita nila ako. Kahit gusto kong magpakita, hindi ako ready.

Hindi ko kaya..

Bumabalik ang lahat.

Gusto kong kainin ang pride ko para sa kanila, pero parang natatapakan ang natitirang dignidad sa pagkatao ko.

Siguro, hindi pa ngayon.. Darating din ang panahon na kakailanganin nila ako. Ang tulong ko. Sana dumating ang panahon na..

Isang malalim na buntong hininga na lamang ang pinakawalan ko dahil mula sa kotse, kahit tinted to ito ay tila nakatingin sakin si daddy.

Kumirot ang puso ko, sa pangungulila at sakit. Bumalik sa akin kung paano nya durugin ang pag katao ko. Tumulo ang luha ko.

Tinawag sya ni mama at lumakad paalis. Pinaandar ko na rin ang kotse papalayo sa Street namin.

Matapos yon ay nagbakasyon ako sa isang isla. Sinusubukan na kalimutan ang lahat. Sinusubukan ang self healing.

Bumalik ang mga time na kasama ko si Dallas. At the same time, yong mga moments din na masaya kami ni Liam.

Hindi ko man minahan si Liam nang kagaya kay Dallas, pero alam ko na binigay ko sa kanya ang mayroon ako that time. Masaya naman ako sa kanya, okay kami. Di nya ako sinasakal. Walang sobrang expectations.

As I Thought So (Dallas and Mazee)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon